Tila totohanan na ang pagbabalikan ng businessman na si Jam Ignacio at ng club disc jockey na si Jellie Aw?.
Maraming netizens ang na-curious sa magkaparehong post nina Jam at Jellie sa kanilang Instagram Stories noong Sabado, January 24, 2026.
Isa itong "shared" short Reel kung saan makikita ang dalawang pares ng paa na nakapatong sa mga bagahe sa airport.

Sa isa pang larawan ay makikita ang mga kamay ng pinanggalingan ng video na may hawak na passport at boarding pass.
Tila, minanifest ni Jellie na magta-travel sila tuwing anibersaryo nila imbes na magpalitan ng regalo.
Nakalagay sa caption ni Jellie Aw: "Our Anniversary tradition. We don't buy gifts. We catch flights."
Naka-tag sa post si Jam.

Pero sa bagong post ni Jellie sa kanyang IG Story nilinaw niyang hindi sa kanila ang Reel kundi may-ibang may-ari nito at kanya lamang ibinahagi.
Natatawa pa niyang sabi, "HAHAHAHA! SHARE REELS LANG YORN ENEBE"

Sa madaling salita, maraming "nalokong" netizens ang dalawa dahil sa kanilang "shared Reel" post na inakala ng marami ay kanila talaga.
Marami na ring news outlets at online sites ang nag-post tungkol sa diumano'y biyahe ng dalawa abroad.
Read: Ruffa Gutierrez praises Barbie Imperial's spicy dishes
jam Ignacio, Jellie Aw's rumored reconciliation
Napaghinalaan na ring una na silang nagkabalikan nitong nakaraang December 15, 2025, matapos mag-post ni Jam sa kanyang Instagram Story ng mensahe kung saan sinabi niyang mahal na mahal pa rin niya ang nabugbog niyang nobya.
Sabi sa caption (published as is): "Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita"

Dahil dito, si Jellie ang pinutakti ng bashers.
Sabi ng isang netizen sa Instagram: "Parang kung sino kang makapagsalita ng insult kakarmahin ka rin bug bug lang katapat sa yo kala mo kung sino weakness pala lalaking mambugbug aha ha ha"
Read: Jam Ignacio, Jellie Aw together again after "bugbugan" incident?
Si Jellie ay kinilalang fiancée ni Jam, na ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada.
Na-engage sina Jellie at Jam noong November 11, 2024.
Kung tutuusin ay noong November 2025 pa ang kanilang anniversary.
Pero nagkalamat ang relasyon nila dahil sa pambubugbog umano ni Jam kay Jellie noong February 12, 2025.
Sa mga larawang lumabas sa social media, kita ang mga larawan ng duguang mukha ng club disc jockey.

Kaya naman, umabot na sa demandahan noon ang kanilang relasyon.
Read: Jam Ignacio, Karla's ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw
