Halatang masayang-masaya si Rita Daniela sa usapin ng kanyang buhay pag-ibig.
Tila nahanap na niya ang kanyang "the one" sa katauhan ni Mclaude Guadaña, star player ng Lyceum of the Philippines University (LPU).

Hindi rin daw problema ang age gap nila ng basketbolista: 30 years old si Rita at 24 naman si Mclaude.
Masayang saad ni Rita, "I'm very, very happy. We're very happy and very solid, I have to say.
"Even though, Mac, he's twenty-four years old, right? And I'm thirty.
"Well, some would think that it's a big age gap. But some would say, hindi naman. Normal lang.
"But, honestly, you know what? Isa siya sa pinakabatang nakarelasyon ko but I think this is the most mature relationship I ever had.
"So very, very happy."
RITA DANIELA ON LIVE-IN SETUP WITH MCLAUDE
Isa raw sa labis na kinagigiliwan ni Rita kay Mac ay ang pagiging mabait nito sa kanyang anak.
May isang anak na lalaki si Rita sa dati niyang nakarelasyon, si Juan "Uno" Andres.
Read: Rita Daniela on Co-Parenting Challenges
Sabi ni Rita tungkol kay Maclaude, "He loves my son very much and Uno loves him so much. So, that's very special."
Very close ang anak niya kay Mac?
"Oo, very, very," pagkumpirma ni Rita.
"Nabibiro na nga siya ng anak ko. Sometimes tinatawag siyang 'Daddy.'
"Ta's siyempre kinu-correct ko, 'No, no, no, that's Tito Mac.' Kasi siyempre may sarili siyang daddy."
Handa na bang maging daddy talaga si Mac sa sarili nilang anak?
Sagot ni Rita: "Alam naman niya yun.
"Kasi nung nag-date kami, first date namin, sabi ko, 'I'm seriously looking talaga. Kasi, well, definitely I'm thirty, you know. I'm tired of playing games and stuff.'
"And, of course, he's twenty-four and basketball player. Siyempre, expected nating lahat, di ba, na he still wants to have fun and all.
"But apparently, si Mac talaga, parang na-try din ata niya to agad, 'no, sa murang edad.
"So, at his age, like, by now, I think he also wants to settle na rin."
Ano ang set-up nila ngayon? Masasabi bang nagli-live in na sila?
Pag-amin ni Rita: "Medyo may ganun.
"May times na ganun kasi nakakasama din talaga niya yung baby ko, and my mom lives with me.
"And doon kong nasasabi na he loves me. Kasi wala sa kanya yun, e.
"I think siguro sa ibang guy, parang they would feel awkward, right? 'Oh, kasama niya pala yung nanay niya sa bahay.'
"Pero siya, wala siyang pakialam. Even my brothers, e, every weekend, they sleep in my house. And he's also there.
"So, walang problema sa kanya."
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Rita sa sideline ng 4th thanksgiving dinner ng Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna Magkawas nitong nakaraang Linggo ng gabi, January 25, 2026.
Ginanap ito sa Cleo by Blue Leaf, sa Carmona, Cavite.

View this post on Instagram
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."
RITA admits to making the first move on mclaude
Aminado si Rita na siya ang unang nagparamdam kay Mclaude.
Lahad niya: "Ako lang naman yung nag-message, ano namang kakaiba dun?
"E, sa akin, hindi kakaiba yun. Kilala naman ninyo ako, talagang... ako'y mapusok, hindi ba?
"Hindi, pero totoo, kasi ano yun, dahil ito kay Xavier Ramos [anak ni Wendell Ramos] talaga.
"Nakita ko lang yung stories ni Xavier sa Instagram tapos nakita ko sila somewhere. Tapos sabi ko, 'Hey, parang cute yun, ah,' sabi ko.
"So, tiningnan ko. Stinalk yung IG niya.
"E, yung ganoon yung hitsura, 'te, di ba? Parang, 'Oh, hindi naman nababakante to, hindi nawawalan to.'
"Tsaka feeling ko, baka lagi may girlfriend to. E, nakita ko wala naman siya ng naka-post na girl.
"So, ginawa ko, ako talaga yung nag-follow. Ako yung una nag-message."
Dagdag pa niya: "Pero totoo yun. Yung doon sa Fast Talk, yung message ko talaga emoji lang, walang iba. Kasi para safe.
"Ganun lang. Kasi para safe kasi kung sakali may girlfriend na hindi pa masyado pinu-post at least nasasabi yung, 'O, smile lang naman, wala namang hinihingi sa yo, whatsoever.'
"Pero nag-follow siya agad tapos nag-reply. Tapos in three days, he asked me out on a date."
Sumang-ayon si Rita sa obserbasyong kapag may gusto ang isang babae ay ito na mismo ang gagawa ng paraan.
"Oo naman," sambit niya. "I'm very ano with that, dapat ngayon hindi lang...
"Kasi dati, di ba, pag ang lalaki lang yung puwede magtrabaho. Babae maiiwan sa bahay, parang walang masyadong freedom.
"Pero ngayon, I think naman it's very outspoken na ano na, with women, we know what we want and we have the right to do what we want and, of course, our rights as a woman.
"And we're very clear with that. So, yun."
Hindi na sinabi ni Rita kung ano ang mismong emoji ang ipinadala niya kay Mac.
Very confident naman daw si Rita sa nararamdaman ng boyfriend para sa kanya.
Saad niya: "I'm very confident. I don't think I have any fear or, like, insecurity with the other women.
"I mean, if he would be in a place that's gonna be a lot of, you know, very gorgeous women, I'm not gonna be afraid or anything.
"Kasi I'm very confident with who I am and what I give with him.
"And he actually promised me, not all those women naman doon sa place... you know, whatever, but he did.
"So, yun yung pinanghahawakan ko."
Read: Matet, nagsalita tungkol sa "absence" ni Ian sa kasal ni Kenneth
