PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela, may pa-hard launch sa bagong boyfriend

Rita Daniela, maayos ang co-parenting setup sa ama ng kanyang anak.
by PEP Troika
Published Sep 29, 2025
rita daniela mclaude guadana sinag maynila
Rita Daniela was accompanied by new boyfriend Mclaude Guadana at the awards night of 7th Sinag Maynila where she won best actress for her performance in Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Masayang-masaya siyempre si Rita Daniela sa pagwawagi bilang best actress ng 7th Sinag Maynila indie filmfest para sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.

Ano o sino pa ang nagpapasaya sa kanya nowadays?

“Kailangan ko pa bang sagutin yan?!” bulalas ng Kapuso actress matapos ang awards ceremony ng Sinag Maynila 2025 noong Setyembre 28, 2025, Linggo, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.

“Parang kaya niyo nang sagutin yan para sa akin!”

Read: JM de Guzman at Rita Daniela, big winners sa 7th Sinag Maynila

HARD LAUNCH OF RITA DANIELA'S NEW BOYFRIEND?

Kasama ni Rita sa awards night ang basketbolistang si Mclaude Guadaña, star player ng Lyceum of the Philippines University (LPU).

“Thankfully, Lord, na after almost four years siyempre, naibigay na…” napapangiting sambit ni Rita.

Hard launch na ba ito?

Tila kinikilig na sey ni Rita: “Hindi ko alam! E, paano ko sasagutin yon, e, may ganun na ba ngayon, kung soft or hard?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT THE FIRST PUBLIC APPEARANCE

Hindi raw ito ang first public appearance nila together.

Dumalo rin daw si Mclaude sa recent birthday party niya, at napaka-supportive daw nito sa kanya. Noong Setyembre 15 lang nag-birthday si Rita.

Almost two months ago sila nag-meet.

“What makes us click? In common? Siguro… paano ko ba sasagutin yan, in common?” pagkunot-noo ni Rita.

“Ah, siguro ano, iba kasi yung... ang hirap kasing hanapin nowadays, no, when it comes to dating — yung respeto sa pamilya, yung respeto sa boundaries, at saka yung pagmamahal talaga namin kay Lord, nandun.

“So, dun kami nagkiklik.”

Read: Ryan Bang’s fiancee announces her cafe is closing soon; netizens react

NOEL FERRER

Hindi pa napapanood ni Rita Daniela si Mclaude Guadaña na maglaro sa basketball court.

Next year pa ito maglalaro sa National Collegiate Athletic Association (NCAA). Excited si Rita siyempre na mapanood ito.

Teka, ano na ang nangyari sa album niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Next year! Alam mo kasi, sinubukan ko naman siyang... kasi, self-produced album siya,” tugon ni Rita.

“And I really tried my best, and hindi pala siya madali kapagka ikaw yung lahat.

“So, next year, I really need help, you know, from, like, there should be a team that would really help me.

“So, definitely yan next year, meron na.”

May kanta ba siya na ginawa for Mclaude?

“Tingnan natin. Kasi, tapos na yung album, e. Gawa na. Kumbaga, ire-release na lang siya. May istorya din siya talaga.”

Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics

GORGY RULA

Ngayong Setyembre ipinagdiwang ni Rita Daniela ang ika-20 anibersaryo niya sa showbiz at sa GMA Network.

Grand champion siya sa first season ng reality show na Pop Star Kids, na nag-umpisa noong Nobyembre 2005 sa QTV.

Kasabayan niya roon sina Julie Anne San Jose at Enzo Almario.

Ano ang realization niya sa dalawang dekada niya sa showbiz?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Grabe, kasi talagang nangangarap lang ako. Isipin mo, gusto ko lang naman makita ang sarili ko sa TV,” lahad ni Rita.

“Yun lang naman ang gusto ko. Tapos, andito na tayo ngayon. Kumakanta ako, nabibigyan ako ng oportunidad para umarte at gumawa pa ng iba’t ibang klase.”

CO-PARENTING WITH THE HUSBAND OF HER SON

Nakasama si Rita sa musical na Liwanag sa Dilim noong Marso-Mayo 2025 sa RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City.

Tampok doon ang mga awit ni Rico Blanco.

Marami bang “liwanag” ngayon sa buhay niya?

Mabilis na tugon ni Rita: “Napakarami siyempre. Ang pinakaliwanag diyan, ang anak ko, si Uno, di ba? Napakaguwapo! I’m very proud of my son.

“He’s two years old, you know, but he actually looks four or five years old coz he’s really big. Nagmana siya sa tatay niya, in fairness.”

OK pa rin ang co-parenting nila ng ex niya na tatay ni Uno?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oh, yeah, yeah. You know, co-parenting is not really easy. But I’m blessed na we were friends naman,” sabi ni Rita.

“And so, nagagawa naman namin siya nang maayos.

“And of course siyempre blessings din, no, you know, like him. Like him,” patungkol ni Rita kay Mclaude Guadaña.

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela was accompanied by new boyfriend Mclaude Guadana at the awards night of 7th Sinag Maynila where she won best actress for her performance in Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results