Tila kumpirmadong hiwalay na ang magkasintahang sina Kate Valdez at Fumiya Sankai.
Ito'y matapos mapansin ng netizens ang pagla-like ni Kate sa mga komentong tumutukoy sa umano’y pagtataksil ni Fumiya

Nangyari ito makaraang in-unfollow ni Kate si Fumiya sa Instagram, at mag-post sa kanyang IG Stories noong January 26, 2026 ng sunud-sunod na quote cards at song lyrics tungkol sa pagkawala ng isang tao sa toxic at manipulative na relasyon.
Walang inilagay na caption ang aktres kaya hindi tiyak ng kanyang mga tagasuporta ang tunay na mensahe sa likod ng naturang posts.
Read: Is Kate Valdez-Fumiya Sankai relationship on the rocks?
Dahil dito, nagsimulang putaktihin ng samu't saring komento ang social media post ni Kate, kahit wala namang koneksiyon ang mga naturang post niya sa umano'y breakup nila ni Fumiya.
Kate sparks buzz by liking "cheating" and "red flag" comments on Fumiya
Kabilang sa mga social media account na hindi tinantanan ng netizens ay ang TikTok ni Kate.
Sa latest video niya rito ay kapansin-pansin ang maraming komento tungkol sa dahilan ng breakup umano ng aktres at ni Fumiya.
"Is he cheating? Hugs, Kate! Dito lang kami always to support you," sabi ng isang tagahanga ng aktres.

Comment naman ng isa: "Sa ganda at genuine support ni Kate, nag-cheat pa? Been a supporter of her since then talagang naging happy ako for her na na-express niya sarili niya grabeng plot twist."

Bagamat hindi direktang sinagot ni Kate ang mga tanong na ito ay kapansin-pansin ang pagla-like niya rito.
Read: Kate Valdez laughs off comment about Fumiya Sankai's sexuality
Tatlo pang komento ng netizen ang ni-like ni Kate na may kaugnayan sa kanila ng dating Pinoy Big Brother housemate.
Pahayag ng isa: "Bagay pa naman kayo ni Fumiya, pero kung red flag, wag na talaga don. Hugs for you, Kate!

"Wala na sila ni Fumiya, confirm na," saad pa ng isa.

Sentimyento pa ng isa: "Hindi po ako maka-move on sa inyo, Ate Kate. I unfollowed kuya Fumi dahil sa ginawa niya sa yo. Send hugs and stay strong, Ate Kate! You deserve better."

Read: Kate Valdez admits real score with Fumiya Sankai
Maliban sa pagla-like ay mayroon ding comments na sinagot ni Kate.
"Bakit naman, ambilis," usisa ng isang netizen.
Reply dito ng Kapuso actress (published as is): "ask him."

Sabi pa ng isa, "Unfollowed Fumi—this girl deserves better."
"Pleading face emojis" reply rito ni Kate.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Fumiya kaugnay sa mga komento na ni-like ni Kate.
Hanggang mailathala ang artikulong ito ay wala pa rin siyang tugon sa ipinadala naming mensahe via Instagram direct message.
