Idinaan ni Willie Revillame, 65, sa biro ang pagiging single niya ngayon.
Nang tanungin kung totoong may girlfriend siya na ang initial ay "W," sagot ng beteranong TV host: "Wala akong girlfriend.
"Kasi kung may girlfriend ako, ipapaalam ko sa iyo. Ite-text agad kita. Ise-send ko sa iyo, naghahalikan pa kaming dalawa.
"Wala akong girlfriend. Wala akong karelasyon. Hindi totoo yan."
Ayon kay Willie, nabibigyan agad ng malisya kahit simpleng photo-op niya sa opposite sex.
Iminuwestra pa niya sa press ang eksena kapag nagpapa-picture siya.
Sentimyento ni Willie: "Alam mo ang hirap, e. Pag nag-picture ka sa Facebook, YouTube, pag ginanon [inakbayan] mo na yung babae, i-encircle na.
"Tapos sasabihin, 'Eto talaga si Willie, manyak.' Ang hirap.
"Kaya pag nagpapa-picture ako lagi akong nakaganyan [hands on his lap].
"Pero pag matatanda, lola, [ang inakbayan ko], hindi ako bina-bash. Pero pag bata, magaganda, bina-bash ako.
"Ang hirap talaga ng social media, e."
Nagpahaging pa si Willie na wala raw siyang sex life ngayon.
"OK naman ako. Bago ako magsimula, nagpa-general checkup ako," sabi muna ni Willie patungkol sa kanyang overall health.
Sabay makahulugang hirit niya na waring ang tinutukoy ay sex life: "Yun nga lang, ang isang problema ko, patay na siya. Sabay kami pinanganak, pero una siya namatay."
Wala raw kaso kay Willie dahil sanay naman daw siyang solo sa buhay.
RELATED STORIES
- Willie Revillame on why Wil Tower was built during Wowowee days
- Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5
- Willie Revillame owns Grand Hyatt penthouses, 3 choppers, yacht
- Willie Revillame speaks up about past relationship with Sugar
WILLIE REVILLAME ON WILYONARYO
Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Willie ay ang bago niyang game show na Wilyonaryo.
Pursigido si Willie na magtagumpay ang show kunsaan may tatlong beses na raffle draw para sa cash prize na PHP1M.
May gaming license ang programa dahil may ticket selling itong PHP20 kada ticket. Mas madaming raffle, ayon kay Willie, mas madaming tsansa para manalo.
Maaaring bumili ng ticket sa pamamagitan ng pag-register sa wilyonaryo.com.
Ayon kay Willie, layunin niyang maraming matulungang contestants na nangangailangan tulad ng mga dati niyang programa.
ON HUMBLE BEGINNINGS
Malapit daw kasi sa puso niya ang mga nangangailangan dahil siya mismo ay dumaan sa hirap noon.
Lahad niya: "Dun ako nanggaling, e. Nung nandun ako sa nanay ko. Mahirap lang ang buhay namin. Tumira sa sementeryo... Tumitira kami sa squatter....
"So, naramdaman ko kung gaano kahirap maging mahirap. Yun ang naging aral sa buhay ko.
"Minsan pag may nakikita akong bata, bumabalik sa akin lahat yun. 'Eto ako dati.'
"Sa totoo lang, mahirap talagang maging hindi buo ang pamilya mo kasi ang buhay mo hindi magiging maayos."
Sa kaso raw ni Willie, bukod sa nagsipag siya sa buhay ay maipagmamalaki raw niyang wala siyang bisyo.
"Kaya lang I'm so blessed, alam ng lahat, ng mga kaibigan ko, hindi ako umiinom, never akong nag-drugs sa buhay ko, never akong nag-marijuana.
"Ngayon, kung nalalaman niyo na madalas ako nai-in love, kasi longing for love ka, e. Naghahanap ka ng pagmamahal kaya nangyari yun sa buhay ko."
WILLIE REVILLAME ON PARENTS' DEATH
Sa puntong ito, ibinahagi ni Willie ang pagpanaw ng kanyang ina na si Myrna Buendia noong April 1, 2025.
"Nung namatay last year nanay ko, hanggang namatay siya, inalagaan ko ng pitong taon.
"Na-comatose siya. Ako ang nag-alaga. Binili ko siya ng bahay."
Rebelasyon pa ni Willie: "Nung namatay siya, yung bahay, yung titulo, binigay ko sa mga kapatid ko sa kanya. Sabi ko, 'Ibenta niyo.'
"Nabenta yata nila ng PHP6. Tig-PHP1M sila. E, mahirap lang buhay nun, e."
Sa side ng kanyang ama, hindi raw siya nakihati sa mana.
"Nung namatay tatay ko sa father side, yung mga kapatid ko, may property yung tatay ko, sabi ko, 'Wag niyo na sa akin ibigay yan. Ibigay niyo na lang sa mga kapatid ng tatay ko.'
"Hindi ako nasisilaw sa pera. Napagdaanan ko lahat yan."
Sa dami ng mga karanasan niya sa buhay, naiintindihan daw niya ang pulso ng masa.
"Baka sabihin ng iba, 'Wooo, nagpapaawa lang yan.' Alam ko naman talaga mahirap ang buhay. Mahirap di kasama pamilya mo.
"Never ko nakasama magulang ko sa hapag-kainan. Kaya lang meron mas kawawa sa iyo. Ipinanganak na hindi nakasama ang mga magulang.
"Ako nakasama ko pa sila. Kaya lang, hindi kami buo. Yun ang nararamdaman ko kasi galing ako dun, e."
Read: Willie Revillame, tahimik na ipinagluksa ang pagpanaw ng ina
