Balik na naman sa pag-arte ang aktres at Pasig City councilor na si Angelu de Leon.
Ito ay sa pamamagitan ng upcoming Kapuso action-drama series na Never Say Die.
Bago ito ay napanood siya sa epic war-drama series na Pulang Araw noong 2024.
"Saka siguro nga, like I said, it's my first love, ang showbiz," sabi ng actress-politician.
"Kaya parang, sabi ko nga nga, never naman akong magre-retire yata dito."
Malaki rin ang pasasalamat niya na hanggang ngayon ay palagi siyang binibigyan ng proyekto ng GMA-7.
"And I'm grateful na... Oo, oo, after more than 30 years, I mean, I still get to do what I love to do. It's such a blessing," sambit ni Angelu.
Read: Labor cases against GMA-7 explained; what's next after Supreme Court decision?
NO REGRETS ENTERING POLITICS
Hindi rin daw nagsisisi si Angelu na pinasok niya ang mundo ng pulitika.
Saad niya: "Walang regrets. Walang regrets.
"Actually, hindi ko na alam, e, pero talagang nag-e-enjoy ako.
"I do get a lot of enjoyment out of it. May sense of fulfillment pag ginagawa ko yung role ko bilang konsehal.
"Iba-iba, it's a different feeling. Pero yun na nga, e, at the end of the day, talagang nagpapasalamat ako.
"Parang sabi ko nga, kung pareho mo siyang, in a multiverse, pareho mo siyang first love, alam mo yun? Na parang... and you get to do it in real life, which is a blessing.'"
Marami bang inaasahan sa kanya ang constituents niya sa Pasig bilang public servant?
Pagbabahagi ni Angelu: "Hindi ko man gustong ma-pressure doon sa mga expectations but, at the end of the day, alam mong nandiyan.
"Expectation to prove yourself, expectation doon sa mga sinasabing 'artista lang yan,' expectations ng mga personal na tao na siyempre hindi naman mawawala yung judgment, e.
"Kahit na sabihin nating ayaw nating maging judgmental, hindi naman yun mawawala sa kahit na sino.
"So, yung mga ganung klase, nandun talaga siya. Ako lang, I deal with it by not acknowledging it.
"So, in-acknowledge ko siya na may mga ganung nag-iisip.
"But I do not exert effort to the point na maging plastic or just for the sake na ibigay sa kanila yung satisfaction na patunayan.
"I just do what I do and what I can do. Yun lang yun, yung kaya kong ibigay."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Angelu sa presscon ng Never Say Die, ang bagong action serye ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco.
Gaganap dito si Angelu bilang si Clarissa Delgado, isang ina na nahahati ang atensiyon sa kanyang pamilya at sa mga eskandalong kanilang kinakaharap.
Mapapanood ito simula February 2, 2026, 8:55 ng gabi sa GMA Prime.
Read: Who is Inday Barretto?

ANGELU DE LEON WEIGHS IN ON BASHING IN SHOWBIZ, POLITICS
Second term na ni Angelu bilang konsehal ng Pasig City. Puwede pa siyang tumakbo muli sa 2028 para sa ikatlong termino kung nanaisin niya.
May balak na ba siya pagkatapos nito?
Saad niya: "So meron pa akong isa. Hindi ko pa siya na... hindi ko pa nakukuha yung sagot sa prayers ko kung ano yung susunod.
"So, I guess, kung anuman yung meron ako ngayon, yun, yun na muna yung titingnan ko."
Sa 2028 ay maaari na siyang tumakbo bilang vice-mayor?
Natatawa niyang sagot, "Wow, thank you for the vote of confidence, di ba? Thank you for the vote of confidence."
Para kay Angelu, pareho lang ang mundo ng pulitika at showbiz dahil may mga nakakaengkuwentro siyang "plastic" sa dalawang larangan.
Aniya: "Hindi naman ako magpapaka-plastic. Meron din naman.
"Siguro nga sabi ko, 'Ay, prinepare ako ni Lord.' Meron din.
"Siyempre hindi naman, again, alam mo, hindi lang naman sa pulitika yan, sa totoong buhay. Alam na alam niyo yun.
"Hindi naman yan mawawala.
"Pero again, yung dito sa politics kasi, ang pinaka-sense of fulfillment mo is yung makapaggawa ka ng batas na makakapagbago ng hindi lang ng buhay, e, yung henerasyon.
"Meron ka ring mga pagkakataon na paano mo gustong alagaan yung mga susunod na generations. And yun yung nakaka-fulfill.
"Yung tulong kasi sa tao, secondary na lang talaga siya kasi inevitable siya. Kasama yun talaga sa obligation.
"Pero yung deeper meaning or deeper sense of public service. It's not just that, it's changing the next generation. Ano yung gusto mong iwan sa mga anak mo."
Ano ang mas masakit na bashing: sa pagiging artista o sa pulitika?
Sagot niya: "Siguro sa pulitika. Kasi ikaw yun, e, di ba? Kasi sa showbiz, siyempre role, di ba?
"Siyempre meron din yun na dapat ganito ka, di ba? Ikaw, ganito ka pina-package. Dapat ito ka.
"So, pag may nangyayaring hindi maganda, alam mo minsan na kahit hindi mo naman gusto yun, pinapagawa lang sa yo, so maba-bash ka. So, yung mga ganun.
"Pero kasi yung sa pulitika, ikaw yun, e. Alam niyo yung decision mo yun as ako, parang ganito, desisyon ko yun as Angelu de Leon.
"Parang paninindigan ko yun kasi alam ko ito yung tama, di ba? Pero siguro pinagtibay ako ng panahon."
Read: Ellen Adarna posts cryptic message about 'buti-buting tao'
