Isa na namang Pinoy singer ang namayagpag sa isang international singing competition.
Ang Filipino singer at Sparkle artist na si Arabelle dela Cruz, tinaguriang "Laguna Davia," ang itinanghal na grand champion sa Veiled Cup Korea na ipinalabas sa SBS ngayong Linggo, February 1, 2026.
Nakasama ni Arabelle sa final round ang mga contestant mula sa Laos, South Korea, at dalawa mula sa Thailand.
Sa huli ay si Arabelle ang nanaig pagkatapos niyang makuha ang pinakamataas na boto mula sa judges at viewers para sa kanyang sultry rendition ng "Feeling Good" ni Michael Buble.
Read: Filipino singers who joined singing competitions in South Korea
Si Arabelle ang tanging Pinoy singer na umabante sa finals.
Ang mga kapwa niya contestant mula sa Pilipinas ay sina Garrett Bolden ("Zambales Beast") at Thea Astley ("Manila Storyteller").
View this post on Instagram
Tigtatatlong contestants mula sa siyam na bansa ang nag-participate sa Veiled Cup.
Ang iba pang mga bansang nakihalok ay ang China, Indonesia, Japan, Mongolia, at Thailand.
Si Arabelle ay dalawang beses naging runner-up sa GMA-7 singing competition na The Clash, noong Season 5 (2023) at Season 7 (2025).
GWYN DORADO IN SING AGAIN
Bago ang pagwawagi ni Arabelle dela Cruz sa Veiled Cup ay lumikha rin ng ingay sa South Korea ang isa ring Pinay, si Gwyn Dorado.
Si Gwyn ay naging second place sa singing compeititon na Sing Again 4, na ang grand finals ay ginanap noong January 6.
Read: Gwyn Dorado places second on South Korea's Sing Again 4
