Sinagot ni Kris Bernal, sa pamamagitan ng TikTok, ang puna ng ilang netizens tungkol sa pagsusuot ng uniform ng yaya ng kanyang anak kahit nasa labas sila.
Nitong huling bahagi ng January 2026, nag-viral ang screenshots ng video ni Kris kasama ang asawang si Perry Choi at ang kanilang anak, gayundin ang yaya ng bata na nakauniporme, habang namamasyal.
Umani ito ng pagpuna mula sa ilang netizens.
Sinagot na ito ni Kris sa pamamagitan ng pagkukomento sa comment ng isa niyang follower.
Paliwanag ng aktres: "The condo where we live strictly requires helpers to be in uniform. Every time we go out, I tell them they can change. But maybe because they don't mind anymore, they don't change."

Read: David Licauco to start building resort in Siargao
KRIS BERNAL JOKES: gusto mo, MAG-tanga pa SILA
Sa TikTok nitong nakaraang January 31, 2026, muling nagpaliwanag si Kris kung bakit mas gusto ng mga kasambahay nilang mag-uniform kapag lumalabas ang mga ito ng condo na tinitirhan nila.
"'Bakit naka-uniform mga yaya mo? Dapat pinagbihis mo man lang,'" pagbasa ni Kris sa isang komento ng netizen.
Kasunod nito ay ang kanyang paliwanag.
Saad ng aktres: "Alam niyo, bago sila pumasok dito, tinatanong namin sila, 'Gusto ba ng uniform o ayaw mo?'
"Karamihan, sa halos lahat ng naging kasambahay namin, gusto nila may uniform, so binibigyan namin sila ng uniform.
"Ngayon, choice nila yan pag lalabas. Tinatanong din namin sila, 'Lalabas tayo. Gusto mo bang magpalit?' Ganun.
"Alam niyo, hindi ko alam bakit ayaw nilang magpalit."
Dagdag pa ni Kris, malayang isuot ng kanilang mga kasambahay ang damit na gusto nilang isuot tuwing lalabas sila.
Hirit niya: "Puwedeng mag-dress. Puwede silang mag-spaghetti strap, gusto niyo mag-tanga pa sila.
"Ayaw talaga nilang magpalit.
"So, anong gusto niyo, pilitin ko sila? Yung magmakaawa ako, 'Sige na, Ate, magpalit ka kasi maba-bash ako, aawayin nila ako. Magpalit ka parang awa mo na, magpalit ka nang casual kasi...'
"Alangan namang ganunin ko pa? Alangan namang pilitin ko yung tao, e, ayaw nga nila magpalit.
"At saka para kung mam-bash naman kayo parang ako lang yung kaisa-isa sa mundo na may mga angels o helpers na naka-uniform.
"Ang dami-dami din ng mga artista, mga taong naka-uniform yung kasama. Pero bakit parang galit na galit kayo sa akin? Anong ginawa ko? May naano ba, nasaktan ko ba siya?"
Kasunod nito ay tinawag ni Kris ang isa sa kanyang "angels" na si Ate Tina.
Sabi ni Kris: "Ay naku! Ay, Ate Tina! Ikaw nga mag-explain sa kanila.
"O, eto si Ate Tina. Siya talaga yung kasama ko dito.
"At kung mapapansin niyo, yung kasama doon sa isa pang video na angel namin, e, naka-casual, kasi nga puwede naman talaga sila magpalit.
"Anong masasabi mo?"
Sabi ni Tina: "Ano po, okay lang sa amin. Talagang kami yung may gusto na mag-uniform.
"Wala nang palit-palit kasi diretso na.
"Ayaw na namin nang more time na magbihis-bihis."
Sabat pa ni Kris, "Ano, tatamad magbihis.
"Tsaka ayaw maglaba ng mga ano, kaya sabi na lang, 'Uniform na lang kami.'
"O tingnan niyo, naka-uniform na naman siya. Naku, magagalit na naman sila sa akin," pagtukoy ni Kris sa bashers.
Sabi naman ni Tina, "So, okay lang, walang problema."
Pagtatapos ni Kris, sabay tawa: "Okay lang sa kanila yun. Choice talaga nila yun kaya tahimik na lang tayo.
"Kayo, kayo ang madudumi talaga, utak, e."
@sheiskrisb Replying to @Riza saspa ? original sound - Kris Bernal
Read: Wil Dasovich, madalas sa condo nina Rhian Ramos at Michelle Dee?
