Muling nagkasama in one frame ang ex-lovers na sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Nangyari ito sa bachelor's party ng aktor na si Mikoy Morales nitong nakaraang weekend sa The Cabin Resorts, San Miguel, Bulacan.
Sa mga larawan at video na ibinahagi ni Mikee sa Instagram kagabi, February 2, 2026, makikita ang ilang activities nila habang nagkakasiyahan.
Sa isang larawan, nasa iisang larawan sina Mikee at Paul, bagaman at ang puwesto nila ay magkabilang dulo.

Kasama rin sa party sina Chariz Solomon at Ruru Madrid.
Sa March 2026 nakatakda ang kasal ni Mikoy sa non-showbiz girlfriend nitong si Isa Garcia.
Read: Kris Bernal explains why her household staff wear uniforms
NETIZENS REACT ON MIKEE QUINTOS AND PAUL SALAS TOGETHER
Ikinatuwa naman ng mga netizens, lalo na yung mga tagahanga nina Mikee at Paul, ang nasabing larawan.
Komento ng isa, "Omg paul and mikee in the same frame"
Sabi ng isa pa, "hahaha shucks nagulat nga ako ahhaaha"
Masaya naman ang isang fan: "so happy seeing them together kahit magkalayo"

Read: Emilienne Vigier speaks about relationship with Joshua Garcia
MIKEE AND PAUL REMAIN FRIENDS
Huling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikee noong June 2025.
April 2025 sila naghiwalay ni Paul.
Sinabi ni Mikee noon na hhuwag nang ungkatin ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sinigurado niya ring nanatili silang magkaibigan.
Sabi ni Mikee, "Okay kami, yes."
Noong mga panahong iyon, may ginagawa pa silang pelikula together, ang Sweet As Chocolate.
Mula noon ay hindi na muling nakapanayam ng media si Mikee at maging si Paul.
Read: How Wilma Doesnt grew restaurant and hotel with PHP300K, no utang
