Nagpatutsadahan sa social media ang comedienne-host na si Kitkat at ang brother-in-law nitong si Chef Jeremy Favia.
Nag-ugat ito sa isang Instagram Story ni Kitkat tungkol sa pasalubong na natanggap ng kanyang pamilya mula umano sa China.
Walang binanggit na pangalan si Kitkat sa kanyang post, ngunit sinagot ito ni Chef Jeremy.
Si Chef Jeremy ay kapatid ng asawa ni Kitkat na si Walby Favia.
Lahad ni Kitkat sa IG story niya kamakailan (published as is): "So may pasalubong kami. from china (daw) nung isang araw binigay... pagkita ko ngayon Dec 2025 ang expiration!
"Huy! Baka nakakalimutan mo may baby kami, kadugo mo.. ano ba yan!!!!
"Pag translate ko sa rokid ai glasses ko eto sabi: 00-expired na siya.
"Ang nakasulat sa baba ay: 2025/12/26
"Sa ganitong format ng Chinese packaging, ito na ang expiry / best before date).
"Ibig sabihin: Valid hanggang December 26, 2025
"Lampas na tayo sa date na yan, kaya expired na siya ngayon"

Read: Nic Chien, trans son of Lea Salonga, reveals he is bisexual
JEREMY FAVIA REACTS TO KITKAT'S POST
Sa pamamagitan ng Facebook post kahapon, February 4, 2026, direktang kinastigo ni Chef Jeremy si Kitkat.
Ayon kay Chef Jeremy, nanay nila ni Walby ang tinutukoy ni Kitkat na bumili umano ng pasalubong para sa apo nito.
Bilang isang lola, hindi raw ito gagawa ng isang bagay na ikakapahamak ng sarili nitong apo.
Sinabihan din ni Chef Jeremy si Kitkat na mag-"fact check" muna bago mag-post sa social media.
Pinatutsadahan din niya ang sister-in-law na nagpapapansin.
Post ni Chef Jeremy (published as is): "Pangalanan mo kasi SORAYA BAÑAS a.k.a. 'Kitkat'
"Nanay namin yan ni kuya Walby. Na lola ng anak mo. Sana nag fact check ka muna para makita mo na manufacturing date yan.
"LAHAT kami na nasa trip same ng binili cause that was offered by our tour guide.
"Hindi gagawa ang mama ng ikapapahamak ng apo niya. She even prioritized buying pasalubong than buying things for herself.
"Next time you jump into MINDLESS conclusions and wash your dirty laundry in public make sure to FACT CHECK and have a sound judgement.
"This is not the first time na pinahiya mo si mama. Enough is enough. You do this for clout. I do this for MAMA.
"Nag magandang loob na nga yung tao, napasama pa.
"Di ba eto naman yung gusto mo? Yung mapansin ka at mga posts mo? So much hate you pour out that I sincerely pity you.
"Kailangan mo umabot sa ganito para lang mapansin.
"Now that you got the attention, HAPPY?"
Kalakip ng kanyang post ang ilang impormasyong mababasa sa Internet, kung saan ang mga produkto raw sa China ay karaniwang may marka ng manufacturing date o date of production.
Meron din daw itong nakasulat na shelf life duration mula sa petsa nang ito ay ginawa.
Read: Bembol Roco says Dominic learned his lesson from past drug bust
KITKAT cryptic message on IG Stories
Hindi pinalampas ni Kitkat ang post ni Chef Jeremy.
Sa pamamagitan ng sunud-sunod na posts sa kanyang Instagram Stories, binuweltahan niya ang hindi pinangalanang tao pero malinaw na ang bayaw ang pinatutungkulan niya.
Mensahe ni Kitkat sa isang post: "Chinat GPT ko nga expired daw talaga kasi nga walang katabing ibang mga words"

May mga nababasa rin daw siyang iba pang hirit sa kanya katulad ng "retokada."
Buwelta niya tungkol dito: "Pero natatawa ako sa mga hirit. Hindi ung tipong makakayanig sakin! hahaha.
"Nakakatawa nalang: Kayo pa nasestress tuloy! Haha Retokada??? Manginig ako?! E yung mismo pinagtatanggol mo di ka rin gusto! Apaka EPAL mo namn!"

Sabi pa niya sa isa: "RETOKADA??!!! Manginginig ako? IIYAK AKO?! Wahahahaha anong utak yan? Tawaging 'KUPAL' ang tatay? O edi sino lalo nawalan? Ako ba???!!!"

Read: Mygz Molino, kumusta apat na taon matapos pumanaw ni Mahal?
KITKAT'S SIDE
Sa pamamagitan ng Messenger, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kitkat ngayong Huwebes, February 5, para sa karagdagang pahayag tungkol sa isyu.
Aniya: "Natatawa na lang ako. Sino ba namahiya sa nanay nila? Pinangalanan ko ba?
"Unang-una, nanay ako, panic mode kami ng daddy pagkita namin na expired. Ibang product yung pinakita niya, e."
Kuwento ni Kitkat, itatago muna raw nila dapat ang pasalubong na natanggap dahil alam niyang magugustuhan ito ng kanyang anak.
Pero natuklasan nilang expired na ito.
Lahad niya: "Kakasabi ko lang di ko na kakainin kasi magugustuhan ng anak ko to, isi-save ko pa dapat.
"Biglang pagkita ng tatay, ayan yung date, wala naman ibang words. Kahit si ChatGPT, expiry daw yun, sabay. Sino di manginginig para sa baby ko?
"E, may kasama pang Thailand product na juice na pa-expire na. Akala ko ba sa China galing, bakit may Thailand?
"Halatang nag-recycle, e, may maibigay lang sa bata."
Kasunod nito ay ipinagtapat ni Kitkat na may sigalot sa pagitan nila ngayon ng kanyang mother-in-law.
Saad niya: "Anyways, may away kami ng mother-in-law ko... Malamang di naman ako gaganyan lang nang walang rason.
"Di ko nga pinangalanan, e, gusto pala pangalanan ko.
"Asawa ko nga ang galit na galit din, pinangalanan ba?"
Himutok pa ni Kitkat: "Nagpuputok sila ng ganyan. Pag ako binabastos ng nanay nila OK lang. Pag ako, bawal?"
Ayon pa sa comedienne, hindi rin umano maganda ang relasyon ng kanyang mister sa sariling pamilya nito.
"Yes, lumayo na nga husband ko sa kanila din.
"Sabi ng husband ko, 'Pag ako namatay wag na kayo pumunta.'"
May nabasa pa umanong komento si Kitkat na balak daw siyang ireklamo ni Jeremy.
Reaksiyon niya rito: "May nalalaman pang demanda? E, sino ba nagpangalan? Di ba siya?
"Puwede ako ang magdemanda kung tutuusin."
Muli ring binanggit ni Kitkat ang kanyang pagkabahala lalo't may anak siya.
Hindi raw niya maiwasang mangamba dahil hindi maayos ang relasyon niya sa pamilya ng asawa.
Pahayag niya: "Basta yan lang yung sa akin, at yan binasehan ko siyempre nanay ako ng baby, nag-panic ako.
"Post ng ganyan, may nagbigay, nagpangalan ba? Bakit masyado namang apektado, jusko.
"Tsaka may hidwaaan nga kami so siyempre di ako panatag. Pag ayaw sa yo, siyempre ayaw din sa anak mo, di ba?"
Wala pang bagong pahayag si Jeremy.
Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.
