Maraming netizens, pati na celebrities, ang naalarma sa kalagayan ng Kapuso actor na si Mark Herras matapos siyang mag-upload ng video sa Instagram habang umiiyak.
Isang minutong video reel sa Instagram ang ibinahagi ni Mark nitong Huwebes, February 5, 2026, kung saan makikita ang paninigarilyo ng aktor at paglalakad mag-isa sa kalagitnaan ng gabi.
Ngunit ang labis na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga ay ang bahagi ng video kung saan makikitang umiiyak siya, na tila may pinagdaraanan.
Read: Who is Nicole Donesa, Mark Herras's wife?

Dumagdag pa sa pangamba ang kantang ginamit ni Mark sa video—ang "Kamusta" ng mga singer-rapper na sina Shanti Dope at Flow G.
Ang lyrics na "Kamusta" ay tumatalakay sa kahalagahan ng pag-unawa sa mga mahal sa buhay na may pinagdaraanan sa mental health, partikular ang depresyon.
Wala namang inilagay na paliwanag si Mark tungkol sa naturang video, maliban sa simple ngunit makahulugang caption na, “Kulong sa sistema.”
Read: Mark Herras speaks up on being linked to Jojo Mendrez
Mark’s video sparks concern among friends and fans
Marami sa kaibigan at tagahanga ni Mark ang nagpahayag ng pag-aalala sa kanyang kasalukuyang kalagayan.
Sa comment section ng post ni Mark ay bumuhos ang mga mensahe ng dasal at suporta mula sa ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz.
Read: Mike Tan defends Mark Herras’ dancing stint at a gay bar
Komento ni Rodjun Cruz, "Labyu my brother Mark! akap! God loves you!"
Pagdamay ni Katrina Halili, "God is with you, Mark."
Dagdag pa ni Carla Abellana, "Kapit lang. Hindi ka nag-iisa."
Pinalakas din ni Rocco Nacino ang loob ni Mark sa pagsasabing marami na itong napagdaanan noon upang hindi mapagtagumpayan ang anumang problema niya ngayon.
"One day at a time brother. Ikaw una produkto ng starstruck, wag kalimutan, dream, believe, survive. Tawag ka lang sakin kung kailangan mo ng kausap," ani Rocco.
Nagbigay rin ng suporta ang ka-batch niya sa Strastruck na si Sheena Halili, "Mark, marami kami nagmamahal sayo."
Comment naman ni Kris Bernal, "We miss you, Mark!"
Read: Mark Herras ventures into crayfish business
Samantala, sinubukang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pamamagitan ng direct message sa Instagram, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot.
