PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kitkat responds to netizens amid word war with brother-in-law

Kitkat on "laos" tag: "E, di sumikat pala kasi may term na laos?"
by Arniel C. Serato
Published Feb 6, 2026
Kitkat answers bashers who called her "laos", "squammy"
Comedienne-host Kitkat on "di naman yan sumikat ah, pucho-pucho lang na panandalian lang dahil sa attitude" comment: "Oo nga panandalian yung 23 years at nakapagpundar ng bahay at lupa at mga negosyo kasi pucho-pucho lang hehe thank u..."
PHOTO/S: Facebook

Pinutakti ng mga negatibong komento mula sa netizens si Kitkat sa Facebook matapos pumutok ang girian nila ng kanyang brother-in-law, ang chef na si Jeremy Favia, sa social media.

Nag-ugat ito sa isang parinig ng comedienne-host sa kanyang Facebook story tungkol sa pasalubong na ibinigay sa kanila galing sa China.

Ayon kay Kitkat, "expired" na ang natanggap na pasalubong.

Wala binanggit na pangalan si Kitkat sa kanyang post.

Pero direkta siyang pinuna ni Chef Jeremy, kapatid ng asawa ng comedienne na si Walby Favia.

Tinukoy ni Chef Jeremy na ang kanyang ina ang pinatutungkulan ni Kitkat sa post nito.

Paglilinaw ni Chef Jeremy, ang biniling pasalubong ng ina para sa anak nina Kitkat at Walby ay hindi expired.

Ang nakalagay raw kasi sa pakete nito, na nakita ni Kitkat, ay "manufacturing date."

Karamihan daw ng mga produkto sa China ay date of production ang nakalagay sa label sa halip na expiration date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kitkat trades barbs with brother-in-law over "expired" pasalubong

KITKAT ENGAGES WITH NETIZENS

Sa kanyang Facebook post kahapon, February 5, 2025, nagbahagi si Kitkat ng unboxing video ng regalong sapatos mula sa kanyang kaibigan.

Kaagad itong dinumog ng komento ng netizens na hindi pa nakakausad sa sagutan nina Kitkat at Chef Jeremy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasaring ng isa: "gumagawa ng ingay kc nga scream if you love laos"

Kitkat and bashers

Pinatulan ito ni Kitkat.

Buwelta niya (published as is): "ay edi sumikat pala kasi may term na laos? Hahahahah edi thank u. Hahaha sino ba gumagawa ng ingay? Di ako nagpangalan sino ang kumuda? Sino gusto sumikat at gamitin ang laos na to? Hahahahah galing!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kitkat and bashers

Inulit din ni Kitkat ang nauna niyang pahayag na wala siyang pinangalanan sa kanyang post.

Nag-panic lamang umano siya sa petsang nakita niya sa pakete ng pasalubong na snacks dahil baka makain daw ito ng kanyang anak.

Saad ni Kitkat: "di ako nagpangalan di ba? Stories di ba? Sino gumawa ng ingay???? Nanay ako na nagpanic baka makain ng anak ko…Yung kampo ng kinakampihan nyo ang nagpapansin! Hahahah abay ayun tagumpay na write up din kasi laos pala ako hahaha… gumamit ng laos? Kakatawa naman yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kitkat and bashers

Sabi naman isang netizen: "di naman yan sumikat ah. Pucho pucho lng na panandalian lng dahil sa attitude."

Sagot dito ni Kitkat: "oo nga panandalian ung 23 yrs at nakapagpundar ng bahay at lupa at mga negosyo kasi pucho pucho lang hehe thank u.."

Kitkat and bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen naman ang tumawag na "squammy" kay Kitkat dahil hindi raw ito nag-sorry sa biyenan.

Komento ng netizen: "Ngak ka ng ngak ngak! Walang sorry sa nanay?? Squammy mo!"

Sabi ni Kitkat, hindi rin nag-sorry sa kanya ang mother-in-law.

Hindi rin daw alam ng netizens ang buong kuwento ng alitan nila ng pamilya ng kanyang mister.

Pagmamatigas niya: "ha??? E ung nanay walang sorry sa akin???? Di nyo alam punot dulo neto kayo ngak ngak ng ngak wala naman kaalam alam?! Di ako nagpangalan, masyado lang guilty…. Nanay ako nagpanic ako para sa anak ko… again di ako nagpangalan di ba? Sino nagpalaki??? Sino gusto ng atensyon? Yang ginagawa mo di squammy??"

Kitkat and bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-uuyam naman ng isang netizen: "kaso manufacturing date pala HAHAHAHHAHA kahiya. Next time kasi mag ask muna or mag sabi sa MIL if expired po ba to?

"Hindi ung post ka ng post agad ng kabobohan mo. Di nakaka proud pagiging bobo.

"Alam naming karakter mo ung bobo bobohan at pagiging squammy pero pati pala sa real life kinacareer mo ano gusto mo ireact ng anak niya?

"Kung ikaw naisip mo anak mo. Siya na anak naisip din niya nanay niya. Nagpaparinig ka sa story mo tapos ngayon pinansin ka feeling victim ka."

Ang "MIL" ay mother-in-law. Ang "DIL" naman ay daughter-in-law.

Reaksiyon dito ni Kitkat: "ha e hindi nga kami ok ng MIL ko hindi naman para magpost nalang ako ng ganun syempre kakabahan ako kung ayaw sakin o edi takot ko lang para sa anak ko e lahat ng apo nyan may sinasabi sya… pero again di ko pinangalanan sino nagpalaki????

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sino gustong sumikat at pag usapan? O edi mas lalo pa lumalabas baho ng pamilya dahil sa stories na wala naman pangalan pero naguilty at tumahol!

"O edi hindi expired edi tapos usapan bakit tatahol para iclaim na sila pala nga yun? Ha ewan nalang! Pag ung MIL ang bastos ilang beses dapat ok lang? Pero pag lumaban ang DIL bawal?"

Kitkat, bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng isang netizen, natural lamang na depensahan ni Chef Jeremy ang kanyang ina mula sa paratang ni Kitkat.

Buong komento nito: "so anong gusto mong gawin ng anak nya manahimik kahit obvious na ung nanay nya tinutukoy mo? Mag paparinig ka sa stories tapos gusto mo isawalang bahala lang ng anak nya?

"Gano ka low IQ mo dear? Ikaw lang naglalabas ng sariling baho mo. U can even check all the comments. No one is on your side. Again ung baho mo lang umaalingasaw. Kaya ka ba ipagtanggol ng asawa mo?"

Pinanindigan naman ni Kitkat na ipinagtatanggol din siya ng asawang si Walby.

Saad niya: "ok fine edi cge, ano naman gagawin ko makakain ko ba yang mga comments nyo?

"At oo hindi rin nanahimik ang asawa ko sa mga pinag gagawa nila sa akin wala kayong alam… o edi mas lumabas pa alingasaw ng pamilya sa pag claim nila… o edi lumayo din asawa ko sa knila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay teka nga bakit ba ako nag eexplain sa inyo, pamilya ba nila kayo? Hahahahah mangialam pa more! Oo na cge na tahol lng kayo hanggang gusto nyo"

Kitkat, bashers

Read: Mark Herras’ emotional IG video worries fellow celebs, fans

NETIZENS REACT TO "EXPIRED" PASALUBONG ISSUE

Alam din ng ibang netizens na ang mga produktong galing China ay may tatak na date of production taliwas sa inakala ni Kitkat na expiration date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi ng isang nagkomento: "luh! Di yun expired! Date manufactured yun!! Kaloka ka girl!"

Tugon dito ni Kitkat: "o edi hindi!!! bat tahol kayo ng tahol sino nagpapapansin? Di ba nga walang pangalan stories ko? O sino nagpalaki? Syado naman guilty…"

Kitkat, bashers

Komento ng isa pang netizen: "SQUAMMY MO!! Kulang na lng pangalanan mo eh! Kaya na lalaos ka dahil sa ugali mo. Yuck!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay teka, sumikat ba??"

Buwelta ni Kitkat: "ahahaha sino squammy?? Parang ikaw yun eh! punta punta kayo dto sa page ko nagkakalat kayo ng basura nyo! Edi sana na nga lang pinangalanan ko na kaso kayo ang atat at guilty!"

Kitkat, bashers

Tanong naman ng isa: "teh san yung utak mo? Ikaw na nga tong fake news, ikaw pa may ganang magsabi ng guilty! Mag sorry ka huy!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kitkat and bashers

Sagot ni Kitkat: "hahahah bakit ako magsosorry sa post na walang pangalan??? Hahahahah o e hindi pala expired o edi hindi expired!

"Bakit ako magsosorry sino ba nag claim? At bakit ang byenan walang sorry sorry sa mga pambabastos din sa manugang ilang taon na pag manugang ang kumilos bawal???

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung gusto ko pahiyain edi sana nga pinangalanan ko nalang. Ewan ko sa inyo! Cge tahol pa kayo dto!"

Kitkat and bashers

Payo ng isang netizen, dapat daw ay nagpasalamat na lamang si Kitkat at naisip siyang pasalubungan ng biyenan imbes na sitahin at paringgan sa social media sakaling expired na nga ang ibinigay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The thought na nagpasalubong maging grateful ka kung expired nawag mo nalang kainin wag ka na sana magpost kasi nakakahiya lang sa nagbigay sayo"

Kitkat and bashers

Hindi pa rin nagpatinag si Kitkat.

Aniya: "bakit ako mahihiya? sya ba nahiya sa mga kabastusan nya sa akin? Tska klinaim talaga ung post na walang pangalan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di nga pinangalanan ngayon pag claim nila o edi lalabas baho ng pamilya.

"Syempre tatakot ako na ayaw sakin ng byenan ko baka madamay anak ko kasi lahat ng apo nyan kung ano ano sinasabi nyan… anyways ayun nga ke expired or hindi na number lang ang andun wala akong pinangalanan sa post ko para sabihing pinahiya ko. Ayan ung product at may thailand pa na juice na maeexpire na din…"

Kitkat and bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang reaksiyon si Jeremy sa panayam kay Kitkat na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne-host Kitkat on "di naman yan sumikat ah, pucho-pucho lang na panandalian lang dahil sa attitude" comment: "Oo nga panandalian yung 23 years at nakapagpundar ng bahay at lupa at mga negosyo kasi pucho-pucho lang hehe thank u..."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results