Usap-usapan ngayon sa social media ang live TV Patrol blooper intro ng anchor na si Karen Davila sa isang balita tungkol sa hulidap.
Nangyari ito sa live presentation ng primetime news program ng ABS-CBN ngayong gabi ng Martes, February 10, 2026.
Imbes kasi na ang reporter nilang si Karen de Guzman ang kanyang ipinakilala, ang sarili niyang pangalan ang binanggit ni Karen.
Bahagi ng kanyang spiel: "Nagpa-Patrol, Karen Davila. Ay, Karen de Guzman!"
Halatang nagulat din si Karen kaya anyong itinaas niya ang bond paper na kanyang hawak.

Habang naka-commercial break sila, nakuhanan ng reaksiyon si Karen Davila kung ano ang nangyari.
Natatawang sabi niya: "Alam mo yung para ka ng automatic na yung utak mo, Karen de Guzman. Oh, my gosh!"
Read: PEP YEARENDER 2022: 10 trending bloopers on live TV in 2022
KAREN DAVILA apologizes TO KAREN DE GUZMAN
Kaagad namang humingi ng dispensa si Karen sa pamamagitan ng X (dating Twitter).
Saad niya, "OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies [grinning face with sweat emoji] #TVPatrol"
Ni-retweet din niya ang suhestiyon ng isang netizen na kapag ang reporter ay si Karen de Guzman, dapat ang nag-i-intro nito ay ang co-anchors niyang si Bernadette Sembrano o si Alvin Elchico.
Pagsang-ayon ng netizen, "Kaya pa mam? @iamkarendavila
"HAHAHAHAHA! Pag si Karen De Guzman field reporter bigay niyo kay Ate B or kay Alvin. Haha. Karen na kasi tapos D pa yung last name. Ang cute niyo po. “Nagpapatrol, Karen Davila.” - Karen Davila"
Sabi ni Karen sa caption, "Exactly [rolling on floor laughing emojis]"
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng blooper si Karen habang nagla-live news sa TV Patrol.
Noong October 2024, dumaan si Karen sa likod ni Noli de Castro habang dine-deliver nito ang unang balita nila sa TV Patrol.
Nang makita ni Karen ang sarili sa monitor ay nagulat ito kaya kaagad siyang bumalik.
Pagkatapos ng newscast, nag-post si Noli ng snippet ng nasabing blooper ni Karen.

