Inilabas sa social media ni Izzy Trazona-Aragon ang screenshot ng conversation nila ng anak na trans woman na si Andrei "Sofia" Trazona.
Sa kanyang Facebook at Instagram account kagabi, February 10, 2026, mababasa rito ang bahagi ng palitan ng mensahe nila ni Sofia.
Mababasa rito na may palitan sila ng mensahe noong January 25, 2026 at nito lang February 7, 2026.
Noong February 7 ginanap ang Get, Get Aw!: The SexBomb Concert rAwnd4 sa MOA Arena, kunsaan isa sa highlights ang surprise appearance ni Izzy.
Isa si Sofia sa mga lubos na natuwa sa pagdalo ni Izzy sa concert.
Sabi ni Sofia kay Izzy (published as is): "i'm so happy and proud of you!! inspite of everything you still sticked to what you know is right. naiiyak lang ako na nakita ko na nasa concert ka with your friends."
Sagot naman ni Izzy (published as is): "salamat anak by His strength always. I miss you! Continue to be strong praying for you always. Mag-ingat ka palagi. I love you."
Mensahe ulit ni Sofia (published as is): "imissyou super! pinagpapray kita palagi... iloveyoutoo!!"

Sa caption ng screenshot, ipinaliwanag ni Izzy na patunay ang palitan nila ng mensahe ng anak na mayroon silang maayos na komunikasyon.
Inakala kasi ng iba na tuluyang naputol ang komunikasyon nila dahil dati nang naulat ang di pagkakaunawaan ng mag-ina kaugnay ng sexual orientation ni Sofia.
Paglilinaw ni Izzy (published as is): "Ayoko na sana i-public ito, pero ang dami nanaman lumalabas at nagcocomment even if they don’t know the truth behind…palaging ganern
"Dapat po wag ganon hehe. Pero pipilitin ko pa din intindihin ang mga people
"Here is the last convo of my son and I
"God bless po! #byHisstrength #bygrace"
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper
SOFIA TRAZONA APPEALS TO NETIZEN NOT TO MISINTERPRET HER POST
Sa X (dating Twitter) kahapon din, isang netizen ang nag-tweet tungkol sa pagsabi ni Sofia na matagal na silang hindi nagkikita ng ina.
Sabi niya sa kanyang tweet (published as is): "sa lahat ng nag message sakin
"no. di na po kami nagkikita ni mama
"i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko
"and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue i just want validation and acceptance. wala ng iba
"it’s honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom’s side, even birthdays
"kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan."
Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina
Sabi ng netizen sa kanya (published as is), "Sana hndi mo nalang pinost magmumukang masama ang mama mo sa mga matang mapanghusga mama mo pa din sya tanggap ka man oh hindi."

Paliwanag ni Sofia, ang gusto lang niyang ipunto ay hindi sila nagkikita ng personal ng ina.
Nag-aalala raw kasi siya kung ano ang magiging reaction ni Izzy kapag makitang babae na ang kanyang itsura.
Buong mensahe ni Sofia: "#byHisstrength #bygrace dear don’t misinterpret the tweet… ang sinabi ko is di na kami nagkikita and pag nakita niya ako na tranel na natatakot ako nabaka iba yung reception na mareceive ko but it doesn’t mean na di ako nag tatry mag reach out…"
Read: Izzy Trazona, itinangging wala silang komunikasyon ni Sofia
