Hindi makapaniwala ang Queen of Soul na si Jaya na muli siyang ikakasal sa asawang si Gary Gotidoc matapos ang dalawampung taon nilang pagsasama .
Sa Instagram ngayong umaga ng Miyerkules, February 12, 2026 (petsa sa Pilipinas), ibinahagi ni Jaya ang ilang Reels at larawan ng kanilang hike sa Colorado Springs sa Amerika.
Nangyari raw ito noong February 8.
Sa isang video, makikitang nagyaya si Jaya na mag-selfie sila habang maganda ang tanawin sa kabundukan.
Bigla siyang tinawag ng asawa dahil nais daw siyang kausapin nito.
Dito na naganap ang proposal ni Gary kay Jaya.
Mensahe ni Gary: "These last 20 years that we've been married has been, like, we've been through a lot. We've been through ups and downs.
"And knowing... Being married to you for the last 20 years made me realize that Jesus is alive because of how...
"And you have, you have made me experience love that I've never experienced before in my life.
"And since we didn't... you didn't give me a chance to propose to you 20 years ago..."
Naputol na ang video.
Sa isa pang video, mapapanood na habang magkayakap sila, sinabi ni Gary kay Jaya: "I love you so much. Oh, and I love spending life with you, honey.
"I wouldn't spend it with no one else. You are the love of my life."
Maiksing sabi ni Jaya, "I'm not gonna cry."

Read: Paulo Avelino turns the tables on stalkers by posting their photo
JAYA: we can finally say I do and I will!!!
Sa caption ng kanyang post, ibinahagi ni Jaya na ikinasal sila ng kanyang asawa sa sala ng isang huwes noong 2006.
Buntis na raw siya noon sa kanilang panganay.
Lahad niya: "So we just got engaged February 8 in Colorado Springs.
"My husband Gary surprised me together with our friends by The Garden of the Gods. Whaaaat??? I really had no idea he was going to do this.
"We were married by a judge in 2006 while I was 6 months pregnant."
Nais daw talaga nilang magpakasal sa simbahan ngayong taon pero simple lamang ito.
Ngayon, magpapalitan na raw sila ng "I do" sa loob ng isang simbahan.
Bahagi pa ng caption ni Jaya: "But we both wanted to do a simple church wedding this year. So I guess he really had to propose.
"Honey, thank you for asking me and you know I will always say YES! I thank the Lord for keeping us together all these 20 years.
"Now we will get to do this under kingdom alignment and give each other our vows, for real!
"With Jesus Christ in the center, our children and dear friends, we can finally say I do and I will!!! I love you forever my love.
View this post on Instagram
Read: Lassy reveals blooming love life; introduces suitor Ken
JAYA AND FAMILY RELOCATE TO THE U.S
March 2021, inanunsiyo ni Jaya na napagdesisyunan nilang mag-asawang bumalik sa Amerika upang doon na manirahan.
May tatlong anak sina Jaya at Gary: sina Sabriya, Dylan, at Gavin Gotidoc.
Sa isang virtual mediacon noon, inamin ni Jaya na naalarma siya nang nawalan siya ng regular na trabaho pagkatapos ng pandemic.
Nakadagdag pa rito ang karanasan ng kanyang asawa na na-stroke at naospital nang ilang araw.
Bagamat gumaling si Gary, sinabi ni Jaya na kinailangan nilang isaalang-alang ang kapakanan ng mga anak.
Sa ngayon, paminsan-minsan pa ring bumabalik sa Pilipinas si Jaya para mag-concert.
Noon lamang September 2025 ay ginanap ang kanyang homecoming concert na All Hits sa New Frontier Theater.
May ilang singing engagements din siya sa Amerika.
Read: Jaya leaves It's Showtime; gears up for return to the U.S.
