Nadisgrasya ang sasakyan ni Jaya sa California, USA.
Ito ang ibinalita ng singer sa followers niya sa Instagram kaninang umaga ng Lunes, February 19, 2024.
Kasabay nito ng pagbahagi niya ng Instagram Reels ng eksena sa kalsada kung saan kitang-kita ang pagkasira ng kanyang sasakyan.
May nakasulat sa kanyang video na may ganitong mensahe: “Fear not, for I am with you; Be not dismayed, for I am your God. I will strengthen you, Yes, I will help you, I will uphold you with My righteous right hand… Isaiah 41:10”
Ayon sa caption ni Jaya, papunta sila ng mga kaibigan niya sa concert ni Regine Velasquez sa Graton Casino, nang bigla na lamang daw silang nabundol mula sa likuran ng iba pang sasakyan.
Okay naman daw siya, pero ang iba niyang mga kasamahan ay tsine-check pa.
Nagpasalamat si Jaya sa Diyos na walang masamang nangyari sa kanila.
Buong mensahe niya, “On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V's concert...when all of a sudden we get into a car collision. My friends Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back.
“I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright, by God's grace. Thank you Jesus for sending us divine protection and covering us with your blood. It could've been super worse. I'm glad Doc and Auntie Merls are ok.
“Thank you Lord for making it another day. I am grateful for your mercy and grace. Praise your Holy name.
“Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you're a back seat passenger.”
View this post on Instagram
Sa comments section ay nagpahayag ng pag-aalala si Regine.
Saad niya, “Oh my goodness are you ok??
Tugon ni Jaya, “reginevalcasid Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo and thank you Pare @ogiealcasid”

Nagpaabot naman ng kanilang pag-aalala ang ibang celebrity friends ni Jaya:



Noong August 2022 ay natupok ng apoy ang tirahan ng singer sa Washington, D.C.
Read: Jaya’s house in the U.S. burned to the ground: “But we are all safe.”
