Sa totoong buhay, idolo raw talaga ngTV Patrol reporter na si Karen de Guzman ang beteranang news anchor na si Karen Davila.
Sa kanyang personal account sa Facebook kagabi, February 11, 2026, ibinahagi ni De Guzman kung paano natupad ang kanyang pangarap noong kolehiyo pa lamang siya na makatrabaho ang idolo balang araw.
Una raw niyang nakita si Davila sa isang seminar noong college pa lamang siya.
Panimula niya: "Who would have thought that a simple fangirl would one day work alongside her idol?
"I first saw Ms. Karen Davila during a college seminar in 2015.
"I was just one of the many quiet students in the audience. Nakikinig at nangangarap na balang araw, maging kagaya niya rin."
Kalaunan, nagtrabaho si De Guzman bilang intern sa ABS-CBN News.
Inaabangan daw niya noon sa labas ng studio ang broadcaster para lamang makapagpa-picture.

Taong 2016, natanggap daw siyang researcher sa isa sa mga news program ng istasyon.
Lahad ni De Guzman: "Later, I became an intern at ABS-CBN News. Naalala ko pa, naghihintay ako sa labas ng ANC studio para lang makapagpa-picture sa kanya. That alone already felt like a dream come true.
"In 2016, I worked as a researcher for one of the programs. Fangirl pa rin ako noon at nagpa-autograph pa ako sa kanya nung na-feature siya sa isang magazine. Looking back now, it makes me smile how big of an inspiration she has always been to me."
Natupad ang kanyang pangarap maging reporter sa telebisyon noong taong 2022.
Isa raw sa mga itinatago niyang kilig ay tuwing makaka-banter niya o makakabatuhan ng linya si Davila kapag may live report siya.
"Fast forward to 2022, I finally became a reporter. One of the things that secretly made me happiest was getting to banter with Ms. Karen on-air. It felt surreal every single time."
At sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa isang blooper ay nagkaroon siya ng maraming pagkakataong makausap si Karen bilang katrabaho.
Aniya: "At ngayon, hindi na lang siya iniidolo ko sa TV, katrabaho ko na siya. Funny enough, it even took her viral blooper for us to have more chances to talk and connect beyond the camera.
"Dreams do come true. And sometimes, they happen in ways you never imagined."
Read: Jaya to wed husband Gary Gotidoc again on their 20th anniversary
THE BLOOPER THAT MADE KAREN DE GUZMAN A HOUSEHOLD NAME
Hindi inaasahang mapukaw ang kamalayan ng netizens sa pangalang "Karen de Guzman" kung hindi nangyari ang blooper ni Davila sa live newscast ng TV Patrol noong February 10, 2026.
Ang ulat na ihahatid ni De Guzman ay tungkol sa hulidap.
Sa halip na si De Guzman ang ipakilala ni Davila, binanggit mismo ng anchor ang kanyang pangalan.
Bahagi ng kanyang spiel: "Nagpa-Patrol, Karen Davila. Ay, Karen de Guzman!"
Natigalgal sandali si Karen at mukhang magtatakip ng bond paper na hawak sa bibig, pero pumasok na ang live report ni De Guzman kaya hindi na ito nakuha sa camera.
Kaagad humingi ng dispensa si Davila sa katukayo sa pamamagitan ng X (dating Twitter) habang naka-commercial break ang programa.
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper
