Umaapela ng tulong pinansiyal sa publiko ang “That’s My Bae” 2015 grand winner na si Kenneth Earl Medrano matapos siyang ma-diagnose na may testicular cancer.
Ayon sa Mayo Clinic, ang testicular cancer ay isang uri ng kanser na tumutubo sa bayag (testicle) o itlog ng mga lalaki.
Ang testicles ang gumagawa ng sperm at testosterone (male hormone).
Kadalasan, ang mga may ganitong cancer ay nagkakaroon ng bukol sa kanilang bayag, na ayon sa mga eksperto ay hindi normal.
Read: Medical societies unite for better cancer care services in PH
KENNETH MEDRANO ASKS FOR FINANCIAL HELP AND PRAYERS AFTER CANCER DIAGNOSIS
Nitong Huwebes, February 12, 2026, nag-post sa Instagram si Kenneth upang ibahagi sa kanyang followers ang kasalukuyang estado ng kundisyon niya.

Kailangan niya raw sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagkalat at paglala ng kanyang cancer.
Nahihiya mang humingi ng tulong sa publiko, naglakas-loob daw si Kenneth dahil posibleng umabot sa PHP250,000 ang magagastos sa kanyang operasyon—bagay na aminado siyang hindi niya kayang tustusan.
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
Mababasa sa kanyang post, kalakip ang ilang litrato ng kanyang reseta sa ospital at mga laboratory test (published as is): "Hi IG family, kamusta po kayo? Hope your okay!
"To be honest, hindi po ako okay ngayon. Kahit mukhang masaya ako sa lahat ng posts ko, sobrang bigat po ng pinagdadaanan ko.
"I was recently diagnosed with testicular cancer (right testicle), and I need to undergo urgent surgery next week to prevent it from spreading.
"The total hospital cost is around 250K, and hindi ko po ito kayang ma-cover mag-isa.
"Nakakahiya ito but gusto ko pa makita ang mga apo ko. Sa mga mabubuting puso, humbly asking for any financial help.
"Any amount will be a big help for my surgery and recovery. Parang gumuho ang mundo ko!"
Read: Raymond Gutierrez refutes Sarah Lahbati’s financial support claim
Batid daw ni Kenneth na hindi lahat ay matutulungan siya sa kanyang gastusin sa ospital. Kaya kahit dasal ay buong puso niyang tatanggapin.
Saad niya: “If you’re not able to donate, kahit prayers would mean so much.
"Maraming salamat po sa inyong kindness and support. God bless you always.”
WHO IS KENNETH EARL MEDRANO?
Si Kenneth Medrano ang grand champion sa male pageant na “That’s My Bae” ng Eat Bulaga! noong 2015.

Ang pagkapanalo niya rito ang nagbukas ng oportunidad upang pasukin ang mundo ng pag-arte.
Noong 2015, napabilang si Kenneth sa Kapuso series na Buena Familia, na pinagbidahan ni Kylie Padilla.
Naging bahagi rin siya ng cast ng Trops at Calle Siete noong 2016.
Read: That's My Bae grand winner Kenneth Medrano happy to star in new show, Trops
