Mukhang mas lumalalim na ang anumang namamagitan sa rumored couple na sina Janella Salvador at Klea Pineda.
Sa Instagram nitong nakaraang February 10, 2026, nagbahagi si Klea ng mga larawang kuha sa birthday party ng kanyang ina na si Charito Pineda sa isang resort sa Angeles, Pampanga.
May catering at DJ ang set-up ng party kung saan makikitang nagsu-swimming ang mga kamag-anak ni Klea.
Mapapansin ding kasama ni Janella ang anak niya kay Markus Paterson na si Jude Trevor sa party.
Caption ni Klea, "Mommy's birthday, spent the best way."
View this post on Instagram
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
JANELLA SALVADOR SHARES SWEET ADVENTURE WITH KLEA PINEDA
Samantala, ngayong hapon ng Biyernes, February 13, nagbahagi naman si Janella ng ilang litrato nila ng rumored partner mula sa kanilang getaway sa hindi pinangalanang lugar.
Sweet na sweet ang dalawa sa ilang larawan.

Caption ni Janella sa post, "adventure after adventure after adventure"
View this post on Instagram
Read: Sofia Trazona grateful to her dad for supporting her transition
JANELLA-KLEA SPOTTED KISSING IN LA UNION
Pag-amin na lang ba ang kulang para matigil na ang mga espekulasyon ng netizens sa real score nina Janella at Klea?
Nadagdagan ang usap-usapang may relasyon sila dahil noong December 27, 2025, spotted ang dalawa sa Flotsam and Jetsam, isang beachfront hangout spot sa San Juan, La Union.
Sa ilang lumabas na video sa TikTok, makikita ang dalawa na kumakanta habang halos maglapat na ang kanilang mga mukha na para bang walang mga matang nakatingin sa kanila.
Sa isa pang video, kahit hindi masyadong aninag ang mukha ng dalawang aktres, makikitang hinalikan ni Klea sa pisngi si Janella.
Read: Netizens buzz over Janella Salvador-Klea Pineda La Union clips
Bago ito, naispatan sina Janella at Klea na magkasama sa kanilang Christmas vacation sa Los Angeles, California.
Sa mga in-upload na larawan ni Klea, makikitang namamasyal sila sa Pacific Park sa Sta. Monica Pier sa California.
Sa isang video, makikitang sinusubuan ni Janella si Klea habang kumakain sa labas ng isang restaurant.
Read: Klea Pineda, Janella Salvador get cozy amid their L.A. vacation
Nagsimulang ma-link ang dalawa nang kanilang gawin ang 2025 Cinemalaya queer film Open Endings.
