Hindi man nakadalo sa isinagawang kilos-protesta kontra katiwalian sa EDSA at Rizal Park (Luneta) noong September 21, 2025, buong-buo pa rin ang suporta at pakikiisa ni Janella Salvador sa panawagan ng libu-libong Pilipino na panagutin ang mga nasa likod ng laganap na korapsyon sa bansa.
Sa Star Magic Spotlight presscon nitong Lunes, September 22, ipinaliwanag ng aktres ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa kilos-protesta.
Kilala si Janella na aktibo sa pagdalo sa mga ganitong klase ng pagkilos, kaya naman nagtaka ang ilang tagasuporta niya nang hindi siya nasilayan sa kalsada ng EDSA at sa Luneta noong Linggo.

Ayon kay Janella, gustuhin man niya ay hindi na nito kinayang pumunta pa dahil sa sobrang pagod sa sunud-sunod na promotion ng Cinemalaya entry na Open Endings at taping ng upcoming Kapamilya series na What Lies Beneath.
Read: Klea Pineda: Janella not a third party in breakup with Katrice
Ganunpaman, hindi raw hahayaan ni Janella na hindi magsalita at maglabas ng saloobin sa krisis na kinahaharap ng bansa.
Pahayag niya: "Hindi ko rin masikmura na nasa presscon ako ngayong araw na ito at hindi ako mag-i-speak up about the current happenings sa country natin.
"Gusto ko lang maglabas ng statement na kasama niyo ako sa laban. Hindi man ako nakapag-attend ng rally kahapon, kasi parang babagsak na ako sa pagod, tuluy-tuloy yung taping namin recently.
"But I would like people to know na kasama ninyo ako sa laban. And it's really, really time na we all join forces and let our voices be heard."
Read: Placards, punchlines steal the scene at Trillion Peso march
Ayon kay Janella, panahon na para mamulat sa katotohanan ang mga Pilipinong nilalamangan ng mga gahamang nasa katungkulan.
Nanawagan din siya sa kapwa niya celebrities na gamitin ang kanilang platforms online para makaimpluwensiya at bumoses sa masang Pilipinong harap-harapang niloloko at nilalamangan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Read: Celebrities make their voices heard at nationwide protest rally
Saad niya: "Tama na yung panggagago talaga sa atin, sa ating mga Pilipino.
"Hindi natin deserve yung mga band-aid solutions. And it's really time. It's time for us to be heard.
“And sana gamitin din ng iba yung platform nila para doon.
“Kasama niyo ako sa laban.
"And like I said, ngayon masaya ako, pero sobrang sumasakit yung puso ko sa nangyayari sa country natin, lalo na sa ating mga taxpayers, parang paulit-ulit na lang tayo binibigyan ng bullsh*t answers and solutions na hindi naman talaga natutupad.
“So, I think it's really time, tsaka kumakapal na din yung mukha nung ibang mga, sorry for the term, pero totoo. Kumakapal na rin talaga yung mukha nung iba na kumukuha sa pera ng taong-bayan.
“So it's really time that we speak up and let our voices be heard at magkaisa tayo talaga.
“Tama na. Nakakapagod na rin. Nakakapagod nang paulit-ulit tayong tinatarantado.”
Janella Worries About Son’s Future
Hindi rin naitago ni Janella ang pag-aalala para sa kinabukasan ng anak niyang si Jude, 4, dahil sa nangyayaring katiwalian sa bansa.
Si Jude ay anak ni Janella sa ex-boyfriend niyang si Markus Paterson.
Read: Janella Salvador, Markus Paterson together for Jude's 3rd birthday
Sabi pa ng aktres, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya na bumoses dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Bilang isang ina, hiling at dasal daw niyang mamuhay sa tahimik na bansa si Jude na malayo sa anumang katiwalian, lalo na sa korapsyon.
Saad niya: “Lalo na as a mom, masakit isipin na yung future ng mga anak natin, naiisip ko si Jude.
“Parang nakasalalay yung future niya sa gagawin natin, sa actions natin now.
“So, like I said, ang laking tulong na yung nangyayari ngayon na magsama-sama tayo to speak up.
“Kasi, para din ito sa future ng mga bata, future generation. Para magkaroon sila ng maayos na kinabukasan.
“Yun lang, e. We really shape the future generation. So, sana umayos na.”
Sundot na tanong kay Janella, “Sa nangyayari ngayon, hindi mo ba naisip na dalhin si Jude sa ibang bansa at doon palakihin?”
Sagot ng aktres, “Nagkaroon ako ng thoughts about that before. Pero hopefully hindi tayo umabot sa point na yon. Ipaglalaban natin ang Pilipinas.”
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official
Celebrities unite at nationwide protest
Bukod kay Janella, ilan sa kasamahan niya sa industriya ang nauna nang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa nangyaring malawakang protesta.
Kabilang na rito sina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Nadine Lustre, Catriona Gray, Anne Curtis, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes, Maris Racal, Gabbi Garcia, Khalil Rhamos, Rhian Ramos, Ion Perez, Bianca Gonzalez, Julia Barretto, Jodi Sta.Maria, Angel Aquino, Elijah Canlas, Gardo Versoza, Mika Salamanca, at Ivana Alawi na dumalo sa Trillion Peso March.
Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA
