Pinangalanan na ng International Criminal Court (ICC) ang mga kasabwat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.
Read: ICC rejects former President Duterte’s appeal for interim release
Sa dokumentong inilabas ng ICC sa kanilang website kahapon, February 13, 2025, nakasaad na "co-perpetrator" o kasabwat ni Duterte ang mga senador na sina Bato dela Rosa at Bong Go.
Noong panahon ng panunungkulan ni Duterte, si Dela Rosa ay nagsilbing chief of the Philippine National Police (PNP) ni Duterte, habang special assistant to the President naman si Go.
Binanggit din ang anim pang mga naging tauhan ng dating Pangulo:
- Vicente Danao, Camilo Cascolan, Oscar Albayalde, na naging mga opisyal sa PNP
- Dante Gierran, na naging direktor ng National Bureau of Investigation (NBI)
- Isidro S. Lapeña, na naging pinuno sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
- Vitaliano Aguirre II, na naging Secretary of Justice
Ayon sa ICC, naganap ang pagsasabwatan ng mga nabanggit na personalidad mula November 2011 hanggang 2019.
Sa panahong ito ay ipinatupad umano ang kanilang "Common Plan" para "i-neutralize" ang mga pinaghihinalaang mga kriminal.
Saad pa sa 16-page document ng ICC, naipatupad ang Common Plan sa Davao dahil sa kapangyarihan ni Duterte bilang alkalde mula 2011 to 2016.
Bilang alkalde, si Duterte raw ang may kontrol ng kapulisan at ibang city officials para ipatupad ang kinasasangkutan nilang krimen.
Pinamunuan din umano niya ang "Davao Death Squad" o "DDS," isang grupo ng mga sibilyang hitman.
Bukod sa pagpatay sa mga supek, inutos din umano ni Duterte at ng kanyang mga kasabwat ang pagpatay sa mga pulis at hitman na hindi sang-ayon sa Common Plan.
Sa kabilang banda, ang mga sumusunod naman sa Common Plan ay binibigyan umano ng pabuyang salapi o promotion sa PNP, at proteksiyon mula sa mga kaso.
Nang umupo na si Duterte sa Malacañang noong 2016, pinalawig pa umano nito ang sinasabing Common Plan sa buong Pilipinas.
Read: Snooky Serna, may ibang bersyon sa isyu nila noon ni Robbie Tan
BONG GO DENIES INVOLVEMENT
Sa isang statement, itinanggi ni Go ang pagkasangkot niya sa drug war killings.
“Let me be clear, at no time did I have any involvement in, knowledge of, or authority over these allegations,” pahayag ng senador.
Sabi pa niya: "I dispute these allegations which are entirely unfounded, one-sided, unfair and bear no relation to the reality of my roles and responsibilities during my service as Special Assistant to the President from June 2016 to October 2018 as well as Executive Assistant to the Mayor of Davao City from 1998 to 2016.
Hindi rin daw tama ang ulat na siya ay chief of the Presidential Management Staff noong Pangulo si Duterte dahil hindi raw niya kailanman naging responsibilidad iyon.
Hindi raw hahayaan ni Go na ma-distract siya ng mga walang basehang alegasyon sa kanyang tungkulin bilang incumbent senator.
Si Bato naman ay wala pang inilalabas na pahayag.
Nagtatago siya dahil sa usap-usapang may inilabas nang warrant ang ICC para sa kanyang pag-aresto.
Samantala, inihayag ni Atty. Nicholas Kaufman, na tumatayong abugado ni Duterte sa ICC, na walang katotohanan ang alegasyon ng sabwatan.
Dagdag pa niya, wala raw warrant of arrest para sa walong binanggit na co-perpetrators.
Inihahanda na ni Kaufman si Duterte para sa pagharap nito sa pre-trial proceedings sa February 23, 2025.
DUTERTE CHARGED WITH THREE COUNTS OF MURDER
Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal na kinasuhan ng ICC ng tatlong bilang ng kasong murder na crimes against humanity noong September 23, 2025.
Una rito ay may kinalaman sa 19 biktima noong panahong nakaupo ang dating Pangulo bilang alkalde ng Davao City mula 2013 hanggang 2016.
Ikalawa ay may kinalaman sa "high-value targets" sangkot ang 14 biktima noong 2016 at 2017.
Ikatlo ay may kinalaman sa "barangay clearance operations" sangkot ang 45 biktima noong 2016 at 2018.
Nanungkulan si Duterte para sa pinakamataas na posisyon ng bansa mula 2016-2022.
Read: EXPLAINER: What is ICC and why is it handling the Duterte case?