PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Personality, gustong matabunan ang isyu ng anak

...by involving his famous ex-girlfriend.
by PEP team
Published Feb 17, 2026
blind about a dad coming to the rescue of a controversial son
Dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng anak, nag-isip na paraan si PERSONALITY para maibaling sa iba ang atensiyon ng publiko.
PHOTO/S: Canva

Etong si PERSONALITY, may attempt para matabunan ang issue na kinasasangkutan ng anak.

At ang brilliant idea niya: isangkot ang kanyang FAMOUS EX-GIRLFRIEND.

Ang kuwento ng kaibigan ni PERSONALITY sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aba, e, may mga kinontak daw itong mga kakilala sa media at social media para ipakalat ang isang video.

Don't jump to conclusions, ang video ay wholesome naman.

Kuha ito noong binisita ni PERSONALITY ang kanyang FAMOUS EX-GIRLFRIEND kasama ang kontrobersiyal na anak.

Medyo heartwarming ang eksena.

Yun nga lang, kapag ipinalabas ito this time, obvious na ang goal ay i-divert ang issue ng anak.

Alam kaya ni FAMOUS EX-GIRLFRIEND na sa ganitong paraan magagamit ang video? May basbas kaya niya?

If wala, hindi kaya ma-offend siya?

Kung sabagay, kung ma-offend man si FAMOUS EX-GIRLFRIEND, ang kaiinisan niya ay si PERSONALITY.

Most likely, if mag-viral ang video, magkakaroon ng dedicated post si FAMOUS EX-GIRLFRIEND kay PERSONALITY.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maybe, sa paraang ito ay maa-achieve ang goal ni PERSONALITY.

At hindi lang mada-divert ang issue, mapag-uusapan pa siya. O, di ba.

Read:

BLIND ITEM: Aktres pineke ang pagbubuntis para makaganti sa Aktor

Sexy TV personality, tuloy ang affair kay government official

CLUES ABOUT PERSONALITY AND FAMOUS EX-GIRLFRIEND

Okay, si PERSONALITY ay hindi taga-showbiz pero nagva-viral siya at nababalita from time to time.

Si FAMOUS EX-GIRLFRIEND ay nananatiling visible kahit na matagal na siyang walang project sa showbiz.

Abangan na lang if ever may pumatol sa request ni PERSONALITY na ipakalat ang nasabing video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng anak, nag-isip na paraan si PERSONALITY para maibaling sa iba ang atensiyon ng publiko.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results