Ikinagulat ni Sam Milby ang pagpapa-interview ng ex-fiancée niyang si Catriona Gray tungkol sa ilang detalye ng hiwalayan nila.
Nagbigay ng ilang detalye si Catriona sa YouTube channel ng TV Patrol anchor na si Karen Davila, noong February 12, 2026, tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ng Kapamilya actor.
“Was I surprised, yes,” reaksiyon ni Sam sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na lumabas kagabi, February 16.
Dagdag pa ni Sam, nais niyang panatilihing pribado ang kuwento tungkol sa kanila ng Miss Universe 2018 titleholder kaya ayaw na niyang magkomento pa.
Aniya, “My reaction is just I just wanna keep yung sa amin ni Cat, private. I just dont want to comment. That’s it.”
Sa ngayon, "dating" na ang estado ni Catriona sa isang non-showbiz person.
Pero si Sam ay nananatiling single daw.
Sabi ng actor-singer: “Nope, I’m not. Not seeing anybody.
“Hindi sa walang oras, I do. I haven’t met anybody. I don’t go out that much."
Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon
CATRIONA GRAY'S CONFESSION ABOUT BREAKUP WITH SAM MILBY
Sa panayam ni Karen kay Catriona, naikuwento ng beauty queen na ilang buwan matapos mag-propose sa kanya ni Sam, bigla na lamang umano nagbago ang takbo ng isip ng aktor
Nagtapat daw itong hindi pa pala siya handa sa pag-aasawa.
Nagulat daw ang beauty queen sa kanyang nalaman na nagdulot ng sakit sa kanyang puso at kalooban.
Lahad ni Catriona: "There was a point in our relationship where I think he just realized that he wasn't ready to take it to the stage of commitment that we were on, because he had proposed.
"And then, a few months later, [he] realized that hindi pala siya ready. So, that was very hurtful for me, and I was really blindsided at the time."
Sinubukan daw ng beauty queen na ayusin at isalba ang relasyon nila ng aktor.
Pero napagtanto raw niyang siya lamang ang mag-isang nais itong manatili at maisaayos.
Aniya pa: "I really tried to make it work.
"So, I was willing to just—siguro, when you love someone, you're willing to understand them.
"Pero it got to a point na, at that age, and what we've been through, kung hindi ka pa rin sure, I think that's an answer already."
Halos dalawang taon na rin ang lumipas mula nang maghiwalay ang dalawa.
Na-engaged sina Sam at Catriona noong February 16, 2023.
February 18, 2025, pormal nang inamin ni Sam na hiwalay na sila ni Catriona.

