PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aira Bermudez defends SexBomb Girls from “malaswa” allegations

Aira Bermudez: “Ang SexBomb very secured. Yun ang hindi nila alam."
by Bernie V. Franco
Published Feb 18, 2026
Aira Bermudez
Aira Bermudez: "Kasi, di ba, ngayon parang pag sumayaw yung iba wala nang stockings, naka-shorts... iyan ang ayaw mong makita ng tao, like yung masilipan ka."
PHOTO/S: Aira Bermudez on Instagram

Kinontra ni Aira Bermudez ang mga paratang na "malaswa" ang SexBomb Girls dahil sa kanilang pananamit at pagsasayaw.

Si Aira ay isa sa original members ng iconic all-female dance group.

Ang isyu sa SexBomb Girls na inaakusahang malaswa dahil sa kanilang pananamit at pagsayaw ay hindi na bago. Noon pa man ay ito na ang ipinupukol sa kanila.

Pero muling nabuhay ang isyu kasunod ng mga pahayag ng ex-StarStruck member na si Alvin Aragon na ayaw na niyang bumalik ang asawang si Izzy Trazona sa SexBomb dahil tutol siya sa pagsasayaw at pagsusuot ng mga pananamit “para pagnasaan ng mga lalaki.”

Read: Sunshine Garcia prays for Izzy Trazona and Alvin Aragon amid controversy

AIRA BERMUDEZ: "SEXY LANG KAMI PAG TINInGNAN MO..."

Nagsalita si Aira ukol sa paratang na “malaswa,” “hindi magandang halimbawa sa mga bata” ang SexBomb Girls sa i-Listen podcast ni Kara David noong February 4, 2026.

Ang pahayag ni Aira ay hindi reaksiyon sa pahayag ni Alvin, kundi pananaw niya sa hindi mamatay-matay na paratang sa kanilang grupo pagdating sa sayaw at pananamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa ni Kara si Aira ukol sa alegasyon ng mga konserbatibong “hindi magandang halimbawa sa mga kabataan kasi parang malaswa raw” ang SexBomb dancers.

Bungad ni Aira, noon pa mang bahagi pa ang kanilang grupo ng Eat Bulaga!, pinapatanggal na sila sa dating sikat na game segment ng noontime show.

“Alam ko may nangyari na pinapatanggal na kami sa segment ng 'Laban o Bawi' kasi dahil sa mga outfit namin,” simula ni Aira.

Pero pagtatanggol ni Aira, noon pa man ay tinuruan na sila ng kanilang choreographer na si Joy Cancio na protektahan ang mga sarili.

Paliwanag ni Aira, “Ang kagandahan kasi sa amin hindi kami lumalabas nang naka-shorts, na walang stockings… secured ang body namin. Ganyan kagaling si Miss Joy.”

Tila nais tumbukin ni Aira na nagsusuot sila ng proteksiyon sa katawan, tulad ng pantyhose, para matakpan ang maseselang bahagi ng pang-ibabang parte ng katawan.

Sabi pa niya: “Kasi, di ba, ngayon parang pag sumayaw yung iba wala nang stockings, naka-shorts... yan ang ayaw mong makita ng tao, like yung masilipan ka. Hindi secured yung parts ng body mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang SexBomb very secured. Yun ang hindi nila alam. Nag-stockings kami; ang mga boots namin matataas; nag-socks, may mga suot kami panloob...

“Sexy lang kami pag tiningnan mo, pero para sa akin, hindi siya malaswa.”

Pagsegunda ni Kara David, “Ang kalaswaan ay nandito, e,” sabay turo niya sa sentido.

Nais niyang tumbukin na nagiging malaswa ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-iisip.

Pagsang-ayon ni Aira, “Yes, kung paano mo titingnan yung tao.”

Sabi pa ni Kara, “Anuman ang suot ng babae, di ba, ikaw ang nagbibigay ng kabastusan at kalaswaan sa kanya.”

“Totoo yan,” pagsang-ayon muli ni Aira.

Isa raw iyon sa mga itinuro ni Joy Cancio nang buuin ang SexBomb Girls.

“Dahil kung paano kami tinray ni Ms Joy… yung talent namin na kahit na magsuot kami nang sexy, hindi nila kami nakikitang bastusin.”

Pagpapatuloy pa ni Aira, sang-ayon siya sa isang komento ng netizen na nakapanood ng kanilang recent concert.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit ni Aira ang kanyang production number na sumayaw na suot ang revealing outfit.

“Kasi may dance ako na [‘Slave For You’] Britney Spears na talagang naka-low waist, na-shorts, naka-stockings naman ako, naka-bra. Tapos sabi niya [netizen], ‘Kahit ganyan ang suot niya hindi talaga siya bastusin, no?’

“So, yun ang nakakatuwa na nagre-register sa mata ng tao kasi hindi naman talaga,” pagbibigay-diin ni Aira.

Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

Aira Bermudez
Aira Bermudez performed 'Slave For You' by Britney Spears in a recent SexBomb Girls concert.
Photo/s: Aira Bermudez on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsegunda ni Kara, ang intensiyon naman ng SexBomb Girls ay hindi upang mang-akit sa kanilang pagsayaw.

Pagpapatuloy ni Aira, “…na nagbebenta ng sarili mo o nung katawan mo.”

Sabi pa ng dancer, kung magsuot man daw ng seksing damit ay dahil isa siyang performer at iyon ang hinihingi ng performance.

“Kasi mahirap naman talaga yung may pagka-conservative talaga.

"Gustuhin man namin, pero minsan yung mga sayaw hindi aakma sa costume na sobrang balot na balot, especially pag may ginagaya tayong artist, or nagpo-portray ka ng character.

"Dapat i-follow mo yun kasi yun ang art nung production.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aira Bermudez: "Kasi, di ba, ngayon parang pag sumayaw yung iba wala nang stockings, naka-shorts... iyan ang ayaw mong makita ng tao, like yung masilipan ka."
PHOTO/S: Aira Bermudez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results