"Paano po? How to be you po?"
Ito ang nasambit ni Barbie Forteza, 28, nang marinig ang kuwento ni Boots Anson Roa-Rodrigo, 81.
Nag-guest sina Barbie at Boots sa PEP Live noong February 18, 2026, at dito nabanggit ni Boots na niyaya agad siyang magpakasal ni Pete Roa, co-host niya sa Dance-o-Rama, at the time na magkasintahan sila.
Opisyal na naging Boots Anson-Roa siya noong June 1964. Siya ay 19 years old.
Sabi ni Barbie: "Naku, Ms. Boots! Ngayon, nauuso yung mga hindi pa sure, yung mga situationship.
"Ay nako talaga. Wooo! At least noon, 'I'm sure, let's go, tanan na tayo?' Ngayon, anong petsa na?"
Single si Barbie kaya't tinanong niya si Boots kung anong love advice ang mabibigay nito.
Tanong ng dalaga: "Ano po yung type of guy na deserve ko?"
Ani Boots, "Siguro sa atin, hindi naman nawawala sa ating yung dream boy," sabay banggit sa kanyang celebrity crush na Hollywood actor, "Hello, Richard Gere!"
Pagpapatuloy ng beteranang aktres: "So anyway, meron naman tayo in our minds, meron tayong dream person. Yung ideal person. Siyempre, gusto natin that we would end up with that person.
"But sometimes, it's not a matter of finding the right person.
"Because I don't think there is such a thing as an ideal person. I don't think there is such a thing as being the perfectly right person for me or for you.
"So, it's good kung mahahanap natin. But what is also important is that we be the right person. Na huwag nating kalimutan to help ourselves to be the right person.
"Kasi pag ang hinanap nating palagi si ideal man, si Richard Gere ng buhay ko, e, kahit si Richard Gere, maraming flaws yun, e. Maraming palpak din yun, e, di ba?"
Natatawang singit ni Barbie, "Jinudge ka namin, Richard Gere!"
Lahad pa rin ni Boots: "Pag halimbawa, nakatuon talaga yung pansin mo doon sa ideal person na, 'Kailangan ito na prized catch,' sabi nga.
"There's no such thing.
"Dahil pag one little flaw, one little pintas na makitaan mo nun, e, parang lumalabas na malaking-malaki kasi, perfect siya sa isip mo.
"Kaya parang, 'Ayoko na. Maghanap na lang ako ng iba.' So, there you go, looking for another perfect person and you will never find one talaga."
Read: Barbie Forteza single ang lovelife status; balik-takbo pero solo
WHAT BARBIE FORTEZA LEARNED ABOUT LOVE
Nag-open up din si Barbie tungkol sa mga natutunan niya pagdating sa pag-ibig.
Alam na ba niya ang boundaries niya? Mas alam na ba niya mag-spot ng red flags?
"Basta, siguro natutunan ko na ano... Kinabahan ako... Hihihi!" nag-iisip munang sabi ng Kapuso leading lady.
Sa pagpapatuloy niya: "Don't settle for less. Na wag masyadong maging mabait, ganyan.
"If you feel like it's not working, deal with it, address the problem right away. And don't let it pile up."
Sa puntong ito, ibinahagi rin ni Barbie ang napagtanto niyang pagkukulang niya noon bilang partner.
"Also, ngayon, mas nag-mature na rin po. I'd like to believe na parang in-acknowledge ko na rin na ang red flag ko naman as a partner is that, uhm, medyo may problema ako sa communication.
"Parang I don't communicate my feelings well," pag-amin niya.
Hindi raw kasi siya ang tipong magsasabi kung may problema.
Paliwanag ni Barbie: "Kasi hindi ako confrontational. Ayaw kong maging nagger.
"So parang, I tend to keep everything to myself even if I noticed that some things are parang medyo hindi na ako agree.
"And then I eventually let it pile up. And then parang bigla na lang..."
Read: Angeli Pangilinan calls Gary V's latest hospital bout "tigas-ulo"
BARBIE ON DATING HERSELF
Hindi rin daw kasi takot si Barbie na maging single.
"Actually, as a Leo woman, I really, really enjoy my independence, yung freedom ko of spending time alone.
"Na hawak ko yung oras ko. I can do whatever I want, whenever I want. Parang puwede kong i-spoil yung sarili ko, puwede kong i-reward yung sarili ko.
"And not having to depend my happiness on other people, di ba? Na parang alam ko sa sarili ko, kaya ko i-provide yung happiness na yun."
Sa puntong ito, ikinuwento ni Barbie na siya na mismo ang nag-date sa sarili niya noong Valentine's Day.
"Lahat ng gusto kong klaseng date, ginawa ko sa sarili ko. Nag-check in ako sa five-star hotel.
"Tapos nag-movie date ako mag-isa. Nag-cafe date ako mag-isa. Nag-fancy dinner date ako mag-isa. Yun ganun.
"Yung parang, kasi kailangan mo munang buuin yung sarili mo paara masabi mo sa sarili mo na, 'Buo ako, e. Kaya ko mahalin ang sarili ko.'"
Kaya mas mapanuri raw siya sa susunod na makakarelasyon niya.
"So to the next person, what value can you add to my life? Di ba? Bakit kita hahayaan na pumasok sa buhay ko, e, kaya ko mahalin ang sarili ko.
"What can you offer? Charot! Hello!"
Read: Angeli Pangilinan-Valenciano on Alvin Aragon "bulldozing" SexBomb Girls
ON HOW TO BE THE RIGHT PERSON FIRST
Hindi raw puwedeng wala siyang pinagkatandaan.
"Yes. Kasi hindi naman aabot sa gayong level of maturity if hindi ko dinanas yung mga situation that I was in before.
"Kaya tama rin talaga si Ms. Boots na a lot of learnings really come from hardships and challenges.
"Like ngayon, na-acknowledge ko na meron maybe something din sa akin na kailangan ko rin baguhin for my next relationship."
Naniniwala si Barbie na nakatulong sa kanya ang pagiging single para malaman at maayos din ang sariling issues.
"Maybe that's the first step of being the right person. Be self-aware, ganun.
"And then from there, doon mo parang eventually mana-navigate yung sarili mo. Para when the right person or the next person comes, alam mo na.
"Alam mo na na it starts with yourself bago ka puwedeng mag-love forward. Ganun."
MORE LIFE ADVICE FROM BOOTS
Humanga si Boots sa pananaw ni Barbie.
Pahayag ng beterana: "Napakabuo ng pagkatao niya.
"I'm sure meron ka pang inaasam-asam, may kalungkutan ka pa rin.
"Pero for the most part, para makapagsine kang mag-isa, kumain mag-isa, gawin lahat mag-isa...
"Given na personality ka pa. Pag nakita ka ng mga tao, 'Ano ginagawa ni Barbie mag-isa?'"
Tingin ni Boots, pasasaan ba at mahahanap din ni Barbie ang tamang tao para sa kanya.
"Kung ano man yung pinagdaanan mong sama ng loob, ang ganda ng pagka-handle mo, e, di ba?
"Hindi ko alam yung nasa deepest recesses of your heart, e, kasi nababasa ko lang di ba? Ang nalalaman ko, you're the breadwinner.
"Nagkaroon ka man ng sama ng loob in your personal love life, you've handled it well.
"In your career, hindi ka naman always at the top. You had to go through levels, di ba? I'm sure, nagsumikap ka bago mo naabot yung wherever you are now.
"And so, parang ang tingin ko sa iyo, napakatatag mo, e.
"So pray for it. Pray that whatever blessings you have, that you will always deserve it.
"And whatever challenges come your way, and there will be many, kasi pag nandiyan ka sa itaas, maraming darating, di ba?
"Whatever challenges in your sphere of life, the different sphere of life, basta ipagdasal mo rin. Hindi ibibigay sa iyo kung hindi mo kakayanin.
"Basta humingi ng tulong doon sa Itaas. And consult with people, your friends, your family. Kahit ano pang mangyari, stick to your family."
Tumagal ng pitong taon ang relasyon ni Barbie sa dating nobyo na si Jak Roberto. Inanunsiyo ng Kapuso actress ang breakup nila noong January 2025.
Mid-2025, napabalita ang pagkakamabutihan ni Barbie at Kontrabida Academy co-star na si Jameson Blake.
Bukod sa running buddies sila, nasaksihan ang sweetness ng dalawa sa ilang okasyon gaya ng holding hands nila sa GMA Gala 2025.
Pero kamakailan ay sinabi ni Barbie na siya ay single at kuntento muna sa solo dates.
