PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jasmine Curtis-Smith volunteered to be part of Stars on the Floor

Jasmine Curtis: "Yung frustration ko sa pagsasayaw, bumabalik na."
by Arniel C. Serato
Published Mar 2, 2026
Jasmine Curtis-Smith on applying as part of Stars on the Floor
Jasmine Curtis-Smith on joining Stars on the Floor: "Sa totoo lang, ako talaga yung nagsalang ng pangalan ko dito... 'What if i-pitch ko yung sarili ko?' So I just asked if they can mention my name if naghahanap sila ng isa pang contestant."
PHOTO/S: Arniel Serato

Aminado ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith na hindi talaga siya marunong sumayaw o mahilig magsayaw.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niyang maging bahagi ng celebrity dance competition ng GMA-7 na Stars on the Floor Season 2.

"Kaya ang saya, kasi ngayon part na ako ng isang dance show. Kasi sabi ko, 'Hala, hindi naman ako sumasama sa mga variety shows madalas.' So, di ko sure kung ma-approve ako sa lineup," sabi ni Jasmine.

Ipinaalala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine na naging bahagi siya ng defunct TV5 Sunday musical-variety show na PO5 (Party on 5), na umere mula April 2010 hanggang February 2011.

Natatawa niyang sabi, "I know, pero kasi ang tagal na nun, di ba? Super-tagal na nun.

"Dyusko, yun pa yata yung launching days ko?"

Dagdag pa niya, "So, ang saya kasi finally yung frustration ko sa pagsasayaw, bumabalik na, may platform na ulit siyang mapupuntahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano ba siya nakumbinsing sumali sa Stars on the Floor?

Pagpapakatotoo ni Jasmine: "Sa totoo lang, ako talaga yung nagsalang ng pangalan ko dito.

"Kasi nakita ko yung common friend and also stylist ni Rayver [Cruz], si Ivor. We were just hanging out sa isang place dito sa Q.C.

"And nagtanong lang ako, 'Anong ginagawa niyo ngayon ni Raver? Saan kayo busy?'

"Nabanggit niya na next year they'll be doing a dance show, tapos parang may [ting-a-ling-ling-ling], gumanon lang sa tenga ko na, 'What if i-pitch ko yung sarili ko?'

"So I just asked if they can mention my name if naghahanap sila ng isa pang contestant.

"And then next thing you know, they contacted Miss Betchay [Vidanes, her manager], GMA contacted Miss Betchay, and heto na po ako."

Noong nakaraang February 22, 2026, ipinakilala na si Jasmine sa show bilang "mystery celebrity dance star."

Kasama niya bilang celebrity contestants sina Paul Salas, Chanty Videla, Sugar Mercado, at Rocco Nacino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Celebriy dance stars of Stars on the Floor Season 2 (L-R) Paul Salas, Chantal Videla, Sugar Mercado, Jasmine, and Rocco Nacino.
Celebrity dance stars of Stars on the Floor Season 2 (L-R) Paul Salas, Chanty Videla, Sugar Mercado, Jasmine, and Rocco Nacino.
Photo/s: Arniel Serato

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine habang naka-lunch break sa rehearsals ng Stars on the Floor noong February 23, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

JASMINE ON HER JOURNEY AS A CELEBRITY DANCE STAR

Anong klaseng dance genre siya mas excited na i-perfrom sa show?

Ayon kay Jasmine: "Ako, gusto ko talagang masayaw style ng femme at saka dancehall. Kasi feeling ko, iba yung groove.

"Never ko pa talaga siyang na-perfect. And di ko pa siya nasubukan dito sa show.

"So, yun ang gusto kong ma-experience and talagang matutunan para if I take classes in the future, meron na rin akong konting background and parang foundation dun sa sayaw na yun."

Ang "femme" ay "choreography designed to highlight and express femininity and strength through dance."

Ang "dancehall" naman ay "vibrant Jamaican popular music genre and dance style that originated in the late 1970s as a faster, more minimalist, and digital-heavy evolution of reggae."

Ano ang iba pang pinagkakaabalahan ngayon ni Jasmine?

Saad niya: "Quiet lang, working lang. Ito talaga busy sa rehearsals of the play. I'm doing a play, Endo with Royce Cabrera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then also dance, dance, dancing with the stars to, like, wow, international, Stars on the Floor.

"So, ang saya, kasi it really occupies my day and takes up my time. So, focused lang ako sa trabaho at hand.

"And parang, kumbaga, the time for emotions and the time to... yung parang hayaan mo ang sarili mo maging stuck sa isang nararamdaman mo, parang naitatabi ko muna siya hanggang sa makauwi ako and then back to work again the next day.

"Para hindi tayo ano, nadi-depress, hindi tayo nai-stuck doon. Hanapan ng paraan."

Hindi nilinaw ni Jasmine kung ano ang "nararamdaman" niya, pero ang huling malungkot na kabanata sa buhay nila ay ang pagpanaw ng ama nila ni Anne Curtis na si James Curtis Smith.

Read: Anne and Jasmine announce passing of dad James Smith

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith on joining Stars on the Floor: "Sa totoo lang, ako talaga yung nagsalang ng pangalan ko dito... 'What if i-pitch ko yung sarili ko?' So I just asked if they can mention my name if naghahanap sila ng isa pang contestant."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results