Muling bumalik sa bahay nila sa Baguio ang negosyante at dating aktres na si Neri Naig Miranda matapos ang dalawang taon mula nang makaranas siya ng trauma.
Sa kanyang Instagram post nitong nakaraang February 28, 2026, ipinakita ni Neri ang pagha-harvest niya ng mga rosemary, lavender, at sage sa garden ng kanilang bahay sa Baguio.
Sabi niya sa caption: "Namiss ko ang Baguio house namin…
"Two years din kami na hindi nakapunta...
"The last time na dapat pupunta kami ng asawa ko, trauma ang inabot ko...
"Simula noon, hindi na kami makabalik. Kahit gustuhin ko, parang may takot na hindi ko ma-explain."
Hindi idinetalye ni Neri kung anong klaseng "trauma" ang naranasan niya.

Pero noong November 23, 2024 ay naging malaking kontrobersiya ang pagkaaresto ni Neri dahil sa 14 counts of security regulations violation at syndicated estafa na isinampa laban sa kanya.
Read: SPD reports arrest of actress-businesswoman “alias Erin”
Dagdag pa ni Neri sa kanyang Instagram post, may mga lugar, katulad ng bahay nila sa Baguio, na may kaakibat na maganda at masakit na alaala.
"May mga lugar talaga na hindi lang 'bahay' sa atin..
"They hold memories. Some beautiful. Some painful.
"Minsan ganun pala ‘no? May mga lugar na mahal mo, pero minsan nagiging mabigat? Dahil sa trauma.
"Sabi ng asawa ko, try natin ulit mag-Baguio.. Dahan-dahan lang...
"Hindi para pilitin ako.. Hindi para i-prove na okay na ako... kundi para tulungan akong mag-heal," makahulugan niyang sabi.
Read: Kim Molina’s wedding march truly “a walk to remember”
NERI NAIG: dahil dahan-dahan nagiging okay na ako.
Malaki naman ang pasasalamat ni Neri sa asawang si Chito Miranda na nakagabay raw sa kanyang paggaling.
Saad pa niya, ang malalagong halaman sa kanyang garden ay tila mensahe ng Diyos sa kanya.
"And thankful ako kasi may partner ako na iniisip ang wellness ko. Gusto niya maging masaya lang ako palagi… kasi doon din siya mas masaya at relaxed.
"Pagdating namin sa bahay, ang una kong napansin…
"Sobrang lago ng rosemary ko at namulaklak ang sage at lavender ko.
"Rosemary is for remembrance. Sage is for cleansing. And lavender is for calmness.
"Parang coincidence di ba? Parang may bulong si Lord through my garden: 'You survived. You’re growing. You’re safe.'
"Kahit may trauma. Kahit may anxiety. Life still grows."
Patungkol naman kay Chito: "Ang sarap din na alam kong may partner ako sa buhay na hindi ako pinepressure maging 'strong.'
"Palagi niyang sinasabi na ok lang mag pause... magpahinga..."
Alam daw ni Neri na hindi pa siya tuluyang gumagaling sa trauma na naranasan. Pero dahan-dahan niya daw itong nilalabanan.
Saad niya: "Thankful ako kay Lord… dahil dahan-dahan nagiging okay na ako. Hindi overnight.
"Hindi perfect. Pero getting better.
"I am surrounded with people who love me... and protect me.
"I am surrounded with my plants sa aking garden...
"And instead of avoiding the pain forever, I chose to face it slowly..
"And that’s enough."
View this post on Instagram
January 2025, ibinasura ng korte ang 14 counts of violation of Securities Regulation Code ni Neri.
At noong March 2025, ibinasura naman ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 ang kasong syndicated estafa laban sa kanya.
Read: Eman Bacosa Pacquiao, may special guest at message kay Jimuel
