PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada slams basher wishing ill on daughter Lella Ford

Karla Estrada: "May balik lahat."
by Arniel C. Serato
Published Mar 2, 2026
Karla Estrada claps back at basher wishing ill for her daughter Lella Ford
Karla Estrada (left) defends daughter and PBB Celebrity Collab Edition 2.0 big winner Lella Ford (right): "Hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap-tanggap. Intayin mo ang balik sa yo nitong pakiusap mo sa anak ko. Sira-ulo ka. Wala nang hindi matutunton ngayon."
PHOTO/S: Facebook

Sinalag ni Karla Estrada ang bashers ng anak na si Lella Ford matapos itong hiranging Kapamilya Big Winner sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0. The Big Night.

Itinanghal namang Kapuso Big Winner si Caprice Cayetano.

Ang Kapuso 2nd Big Placer ay si Heath Jornales, at si Krystal Mejes ang Kapamilya 2nd Big Placer.

Ang Kapuso 3rd Big Placer ay si Ashley Sarmiento, at Kapamilya 3rd Big Placer naman si Joaquin Arce.

Hinirang na Kapuso 4th Big Placer si Princess Aliyah, at si Miguel Vergara ang Kapamilya 4th Big Placer.

Read: Caprice Cayetano, Lella Ford Big Winners of PBB Celeb Collab 2.0

KARLA ADDRESSES BASHERS OF DAUGHTER LELLA

Bago pa man ang Big Night noong February 28, 2026, may mensaheng ibinahagi si Karla sa kanyang Facebook account.

Mauulinigan sa mga salita niyang tila may mga taong hindi gusto ang ginawa ni Lella sa loob ng Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Karla, "I understand that everyone has their own interpretation of what happened, and emotions really run high when we talk about something we all care about. But I also hope we can be fair to Lella.

"When Lella was mentioned for a particular task, there were no loud defenses, no long explanations, no big reactions.

"She accepted it quietly and continued to fight her battles with grace. She never questioned anyone’s worth or capacity publicly.

"She focused on doing her best and letting her actions speak for her."

Paalala pa niyang huwag dapat husgahan ang napanood nila sa telebisyon lamang.

At sana raw ay magkakaroon ng matalinong diskusyon at huwag pairalin ang pamemersonal na atake.

Sabi ni Karla: "We also have to remember that inside the house, emotions are intense, pressure is real, and opinions are formed in very different circumstances than what we see outside.

"Having an opinion about performance or deserving a spot doesn’t automatically mean there is hidden animosity. Sometimes it’s just perspective and perspective can differ without being malicious.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Instead of bashing or assuming ill intent, maybe this is a reminder for all of us to value each opinion, even when we don’t agree with it.

"Healthy discussion is okay. Personal attacks are not.

"Let’s choose understanding over judgment. At the end of the day, they all worked hard, they all sacrificed, and they all deserve respect."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daniel Fernando, nagsalita na tungkol sa road rage incident

KARLA TELLS LELLA to focus on her career

Ngayong Lunes, March 2, 2026, sunud-sunod ang posts ni Karla sa Facebook kung saan nagbahagi siya ng payo sa anak na si Lella.

Mensahe ni Karla sa kanyang unang post (published as is): "Tapos na ang laban sa loob ng bahay ni kuya .

"haharapin na ang totoong laban sa labas na mag papatunay ng tunay na kakayahan ng pag ganap sa bawat palabas na matatanggap.

"mas pag tuunan ng pansin ang hamon sa pag arte bilang artista ng kapamilya network at bilang tao na may tapang at sariling paninindigan.

"pag tuunan ang bawat trabaho na nakapila

"pagbutihin ang pagiging artista

"pagtagumpayan mo anak ang pangarap na matagal mo nang inaasam.

"maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta, nag puyat, nag ambag at lumaban sa hamon ng pag papagod sa kaka-boto hangang sa makaalagwa!MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"andito lang kaming lahat para suportahan, protektahan, alagaan at mahalin ka!

"MABUHAY ANG KAPAMILYA BIG WINNER LELLA FORD"

Payo pa niya kay Lella: "patuloy lang sa pangarap anak. asahan ang mga balakid na susubok ng katatagan mo. ngunit tandaan, walang kasamaan na nag tatagumpay.

"ang mahalaga, pagbutihin mo ang mga magiging trabaho mo at husayan pa ang talento sa pag arte. makisama sa lahat at mag enjoy lang anak sa mga hamon . sama sama tayong mag lalakbay patungo sa iyong tagumpay Le!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"hanggat maayos at mabuti ka , panalo ka."

Read: Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?

KARLA SHARES SCREENSHOTS OF NETIZENS BASHING DAUGHTER LELLA

Pero, biglang nag-iba ang ihip ng hangin ang mga sumunod na mensahe ni Karla.

Laman ng screenshots na kanyang ibinahagi ang mga below-the-belt na banat ng bashers sa anak matapos itong hiranging Kapamilya Big Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa unang screenshot ang tungkol sa malungkot na balita kay Emman Atienza, anak ng TV personality na si Kim Atienza, na namatay noong October 2025 sa edad na 19.

Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19

Sa caption, tila gusto ng basher na maranasan din ni Lella ng kalungkutan at depresyon na naranasan noon ni Emman bago ito pumanaw.

Nakalagay sa nakakabahalang post ng basher, na may user name na KACCCH4N: "Lella remember Emman? Sana gawin mo rin po please."

Dagdag pa nito: "Naway ma depress sa mga comment at sundan niya si emman. Di mo gets? Sana gets mo na."

Basher of Lella Ford
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito pinalampas ni Karla.

Buwelta ng actress-TV host: "ganito na ka sira ulo ang taong ito sa pinag sasabi nya. at dahil dyan hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap tanggap. intayin mo ang balik sayo nitong pakiusap mo sa anak ko. sira ulo ka.

"wala nang hindi matutunton ngayon KACCH4N"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rito natapos si Karla.

Ibinahagi rin niya ang profiles ng ilang bashers ng anak.

Kahit naka-lock profile ang mga ito, makikita pa rin dito ang mga larawan at pangalan ng bashers.

Babala ni Karla: "nasasanay tayo na mag bash lang ng di nyo iniisip naka tiwangwang mga profile nyo kasama nga anak,mga magulang at pamilya nyo.

"pinadala lang sakin ito ng cyber libel team. hindi nyo kailangang mag lock ng profile ma checheck din kse lahat.

"cge lang mabastos lang kayo

"may balik lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya: "May kahihinatnan to

"nasira na ulo"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada (left) defends daughter and PBB Celebrity Collab Edition 2.0 big winner Lella Ford (right): "Hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap-tanggap. Intayin mo ang balik sa yo nitong pakiusap mo sa anak ko. Sira-ulo ka. Wala nang hindi matutunton ngayon."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results