PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada, payag nang magpakasal si Daniel Padilla

Karla Estrada, hindi kinukumpitensiya ang anak na si Daniel sa endorsement.
by PEP Troika
Published Feb 10, 2026
karla estrada daniel padilla endorsement
Karla Estrada on son Daniel Padilla: “Okay na siya. Kasi si Daniel, matanda mag-isip. Sobra siyang matanda, makaluma, at marami siyang ideas. Lolo talaga siya mag-isip. So, he’s very responsible. Maaga siguro siyang namulat."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Sumiklab ang Tuyo War sa pagitan ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon noong 2022.

Naunang nagnegosyo ng gourmet tuyo and tinapa si Matet, tapos ay may gourmet tuyo rin si Ate Guy. Nagkaayos sila kapagkuwan.

Read: Matet de Leon feels "betrayed" by mother Nora Aunor

Isa sa endorsements ni Daniel Padilla ay kakumpitensiya ng courier and logistics provider na W Express, na ang unang endorser ay ang ina nitong si Karla Estrada.

Nabanggit ng Kargo Kween na si Karla sa mediacon nitong Pebrero 9, 2026, Lunes, sa Makati Diamond Residences, Legazpi St., Makati City, na posibleng maging endorser din ng W Express PH si Daniel.

Tapos na ba ang kontrata ni Daniel sa “kalaban”?

Paglilinaw ni Karla: “Ongoing siya doon, oo, so hindi naman kami magkalaban. Kasi lahat… options lang naman, oo. Options lang naman lahat.

“So, siyempre hindi mo naman puwedeng kalabanin ang anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, siguro dahil maganda ang napapakita namin sa mga kakayanan namin kaya nandito kami ngayon sa halos magkaparehong ineendorso.

“Pero lahat ng yan naman ay pamilya. So, iba naman yung sa kanya, iba yung sa akin. Ongoing yung sa kanya ngayon.

“And yeah, hindi naman kami magkalaban sa part na yon. Actually, he’s very happy kung nasaan ako ngayon. Kausap ko lang siya.

“Let’s watch this…” pagbibiro pa ng kauna-unahang Kargo Kween. “Ay! Wala pala. Sorry!”

Read: Driver ng SUV na bumangga sa resto nina Matteo Guidicelli, hindi lasing

HEAVIEST CARGO IN KARLA ESTRADA'S LIFE

Ano ba ang maituturing niyang heaviest cargo sa buhay niya?

Natigilan sandali si Karla bago nagturan: “Ahhmm, ladies and gentlemen, sa dami, ang hirap mag-isip.

“Oo, siyempre pamilya. Family pa rin ang aking biggest cargo in life. Dahil since mahal natin ang pamilya natin, nanggagaling sa kanila yung pain, happiness, and everything na mararamdaman natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So for me, ang biggest cargo ko in life is actually my family. Pero hindi naman ito cargo na parang pahirap. Hindi lamang.

“Kasi meron din tayong cargo or karga sa buhay natin na nagbibigay din sa atin ng mga inspirasyon, at nagpapasaya sa atin.

“At tumutulong kung paano tayo magpapatuloy sa buhay. So it’s my family. Hands on ba siya sa endorsements ng mga anak niya?

“Yes, yes, I am. Lalo na noong nag-uumpisa pa lamang si Daniel,” tugon ni Karla.

“Very hands ako dahil siyempre ayaw naman natin na parang kung anu-ano na lang, di ba?

“Kailangan talaga, may substance ang ating ineendorso. At para sa akin, sa tingin ko, maraming natutulungan ang mga ine-endorse natin.

“So, naging hands on talaga ako. Pero ngayon, binigyan ko na ng kalayaan si Daniel na mag-isip at pumili at magdesisyon kung ano yung mga gusto niyang gawin sa trabahong meron siya ngayon, katulad ng pag-e-endorse.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ngayon, para kay Lella at kay Maggie, doon sa dalawa kong anak na namamayagpag din dito sa industriya… si Carmela na mamamayagpag pa lamang, ay, I’ll be hands on. Para ma-guide lang natin nang maayos.”

Read: Glaiza de Castro explains viral video of husband and Maris Racal

GORGY RULA

Si Daniel Padilla raw talaga ang katuwang ni Karla Estrada sa pagkargo sa kanilang pamilya. Sa ngayon ay magaan na ang kargo ni Daniel.

Hinayaan na ba ni Karla na mag-fly si Daniel on his own? OK sa kanya na mag-settle down ito, dahil mukhang happy naman si Daniel with Kaila Estrada?

Siyempre, pinitik muna ako ni Karla bago niya ito sinagot.

Rumored couple Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted together at El Nido, Palawan
Kaila Estrada and Daniel Padilla
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Kung pinayagan ko na siyang lumipad? Matagal na.

"By the time na nakita kong responsable na siya sa pera niya, sa trabaho’t sa buhay niya, ipinaubaya ko na sa kanya ang kanyang pakpak.

“Matagal na siyang napalaya at lumipad. Because ang mga anak ko ay maaga kong ginawang responsable sa buhay. Kaya hindi ako nag-aalala.”

Dumating ba sa puntong napagod si Daniel sa dinadalang kargo ng pamilya?

“Hindi naman. Kasi ako, inabot ko naman singkuwenta, hindi pa ako pagod, ha?” malumanay na saad ni Karla.

“Alam niyo ang pagsisilbi kasi, pagtulong sa pamilya, hindi naman nakakapagod, e. Basta galing yan sa, of course, kumbaga kalooban mo.

“And ang nakakapagod lang diyan, yung nakikita mong hindi naggo-grow yung kapamilya mo.

“Hindi nagsusumikap, nasanay na nakatanghod sa iyo at naghihintay. Iyon ang medyo nakakapagod at nakakalungkot.

“So pagdating kay Daniel, iniwasan na namin lahat yun.

“Ginamot ko na lahat bago pa dumating siya, na maging isa ding tagakargo ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, napunan ko naman na. Inabutan na lang ni Daniel, mga 20 percent na lang,” sambit ni Karla.

Read: Karla Estrada reacts to Daniel-Kaila rumored relationship

NOEL FERRER

Puwede nang mag-asawa si Daniel Padilla? Puwede na itong kumarga ng responsibilidad para sa sariling pamilya?

“Anytime, kung gusto niya, matagal na.”

Kailan pa niya hinayaan si Daniel? Paano dumating sa puntong iyon?

“Ahhmm I don’t remember kung kailan, ano. Pero this is before pandemic pa,” pagtatapat ni Karla.

“Okay na siya. Kasi si Daniel, matanda mag-isip. Sobra siyang matanda, makaluma, at marami siyang ideas.

“Lolo talaga siya mag-isip. So, he’s very responsible. Maaga siguro siyang namulat.

“At 15, nasa industriya na siya. At a very young age, alam na niya na ako lang yung nandito mag-isa.

“So, nakakatulong din na iyung mga anak natin, mulat sa totoong buhay na meron ang pamilya niya.

“Hindi ko binuhay yung mga anak ko sa pagkukunwari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang hayaan niya si Daniel na magdesisyon para sa sarili, wala ba itong nagawang mistakes sa buhay?

“Hindi ako ang makakapagsabi nun. Siya lang ang nakakaalam ng mga mistakes niya,” sey ni Karla.

“Magulang lang tayo. Hindi tayo puwedeng humusga kung mali ka o hindi. I’m just here to remind him at i-guide lang iyong mga anak ko.”

Read: Ogie Alcasid reveals near-death scare after choking on chicken

KARLA ESTRADA ON BEING PRAISED FOR RAISING HER KIDS WELL

Sabi-sabi, maganda ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak…

Napangiti si Karla: “Lagi kong naririnig yan na napakaganda ng pagpapalaki, di ba, ganun. “

Ahh sorry, ha, hindi yan perpekto. Pero sinikap ko talaga. Katulad ng ibang magulang na nandito din ngayon, sinisikap natin na maitama yung mga pagkakamali natin sa mga anak natin. Di ba?

“Itama natin sa kanila. Huwag na nating ipaulit-ulit pa. Kasi magkakaroon din sila ng sariling pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yung pagkakamali mo, sabihin mo na. Baka para doon, may matutunan sila.”

Naka-bonding na ba niya sa trabaho man or otherwise ang mga magulang ni Kaila Estrada na sina Janice de Belen at John Estrada?

“Yes… wala na tayo sa W Express. Tama na.”

Read: Anak ni Sheryl Cruz, pinili ang pag-aartista kahit nag-graduate na summa cum laude

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada on son Daniel Padilla: “Okay na siya. Kasi si Daniel, matanda mag-isip. Sobra siyang matanda, makaluma, at marami siyang ideas. Lolo talaga siya mag-isip. So, he’s very responsible. Maaga siguro siyang namulat."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results