Hindi ikinakahiya ni Tuesday Vargas ang kanyang pagla-live selling ng mga produkto online.
Sa Facebook nitong Lunes ng gabi, March 2, 2026, nagbahagi muli ng mensahe si Tuesday para sa netizens.
Iba-iba raw kasi ang reaksiyon ng mga tao mula nang umapela siya ng trabaho mula sa mga kaibigan sa industriya.
Read: Tuesday Vargas pleads for work from industry friends
Sabi niya sa post (published as is): "WALA AKONG PAKE!
"Pero di naman ako galit, in fact natutuwa nga ako."
Kahit may mga nakisimpatiya sa kanya, meron din daw nanglait at nangutya.
Saad niya: "Mula noong nag-post ako na naghahanap ako ng trabaho, ang daming samu’t saring reaksyon akong nakuha sa netizens.
"Madami ang nag-alala para sa akin pero nakakalungkot ay may mga ilan din na ang sagot ay pangungutya.
"Kesyo laos, kesyo attitude, kesyo di mahusay kaya walang karera.
"Nauunawaan ko po kayong lahat."
Ayon pa kay Tuesday, hindi siya nagagalit o naiinis sa mga kutyang narinig dahil hindi naman daw nila alam ang totoong kuwento.
"Hindi naman din ako nag harbor ng ill feelings sa inyo kasi hindi nyo naman din po alam ang buong kwento ko kaya ipagpapasa-Dyos ko na lang ang inyong mga masakit na nasabi sa akin."
Read: TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa video scandal
TUESDAY VARGAS: Uunahin ko pa ba ang pride at ego...
Sabi pa ni Tuesday, maganda ang naging resulta ng panawagan niya sa social media.
Mas uunahin daw ni Tuesday na magkaroon ng hanapbuhay kesa pairalin ang "pride at ego."
Trabaho raw ang hinihingi niya, hindi ayuda.
Dagdag niya: "Gumigising ako ngayon nang may ngiti sa mukha ko dahil napakaganda ng naging epekto ng pagiging transparent ko sa mga tao.
"Uunahin ko pa ba ang pride at ego bago ang maayos na hanapbuhay?
"I asked nicely and with dignity. I was not looking for a handout, but instead an opprtunity to use my skills that will produce income.
"Alam nyo ba itong sabi ni Rumi sa The Veil Between Human and God: Rumi describes the ego as the primary barrier preventing connection with the Divine.
"Alam kong may tinuturo ang Dyos sa akin sa season na ito ng aking buhay. Mas lalo akong kumakapit sa kanya at lalo pa akong nagsisikap kasi hindi pa din ako natatalo hanggang sa ngayon."
Lalo pa raw siya ginaganahang magtrabaho ngayon dahil sa mga salitang nababasa niya online.
"Kaya sa mga nagsasabing 'ay nagla-live selling na lang kasi walang career'- salamat sa inyo.
"Lalo akong nagkakaroon ng motibasyong lumaban araw-araw upang ipakita sa inyo na kailanman ay hindi nakakahiya ang marangal na hanapbuhay."
Mensahe niya sa mga katulad niyang breadwinner at sa Panginoon: "Lord bless all the breadwinners and those seeking for jobs that you will also smile upon them just as you did when I prayed.
"Salamat sa lahat po ng nagbigay sa akin ng projects at work. Patuloy lang po tayo sa pag ganap sa hamon ng buhay. Padayon!"
May isang negatibong komento naman ang sinagot ni Tuesday.
Komento ng netizen, "Buti at di ka nag attitude diyan"
Tugon ni Tuesday: "buti may 7 kang 'friends' at dalawang posts ano? Kapag may picture ka na, at gusto mo mag harap tayo pwede kesa nagtatago ka sa anonimity mo habang naninira, pakita ka kung talagang matapang ka."

Read: Who is Ron Angeles?
