Nakakapanibagong pakinggan ang bagong ini-release na kanta ng U.S.-based singer na si Bryan Termulo dahil country genre ang tunog nito, ang "Almost There."
Sa kanyang Zoom conference noong Sabado, February 28, 2026, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit niya nilisan ang Pilipinas noon para manirahan sa Amerika.
Ayon kay Bryan, aksidente lamang ito at itinuturing niyang "wrong timing."
"Hindi sa umalis ako sa Philippines. Again, gusto ko lang talagang i-try na mag-perform dito sa U.S.
"And yun nga po, 2020 kasi yung decision ko na gusto kong i-try na mag-perform dito sa U.S., but I think it's wrong timing.
"Kasi nga dahil sa COVID. In fact, yung visa ko po at that time, it's just a working permit.
"Sponsored po siya ng cousin ko, kasi yung cousin ko happened to... he is American citizen.
"Sabi lang naman ng lawyer ko, 'All you have to do is ask for a petitioner na U.S. citizen kung mayroon kang kakilala.'
"Yung pinsan ko, so siya po yun, at na-grant ang permit ko," lahad ni Bryan.
Mula raw noon ay nagtuluy-tuloy na siya sa Amerika.
Nakabase si Bryan sa Tennessee at limang taon na siya sa Amerika.

Dagdag pa niya: "So, wala talaga akong plano at that time na mag-stay or maging immigrant dito sa America.
"Pero dahil nga sa situation ng COVID na sobrang tumagal siya, nag-stretch na ng one year and a half or two years.
"And parang feeling ko, nung time na nawala ako sa Pilipinas, ang dali kasing... yung transition po na tinatawag, nung nawala ka, hindi naman hihinto yung industriya sa showbiz or hihintayin ka.
"Tuluy-tuloy pa rin yan. Parang ganun po.
"So, gusto kong bumalik, pero parang feeling ko baka meron pang mas purposeful meaning kung bakit ako nandito sa America.
"So, ni-continue lang po yung pagpa-perform ko dito, which is from the beginning naman, yun talaga ang original plan.
"Pero hindi ko plano mag-migrate talaga."
Sa ngayon, in-between physical shows sa Pinoy communities, may day job din si Bryan sa isang museum.
"I'm working in a museum, so all around," pagbabahagi niya.
"I'm doing tour guiding, admissions.
"Ang day job ko is ano lang, Tuesdays, Wednesdays, and Thursdays lang.
"Kasi alam po nila yung situation ko na may mga shows akong out of state, na always ang schedule ko sa pagkanta is Friday, Saturday, Sunday.
"So, lagi pong naka-block [ang ibang araw] dun sa work. So every Tuesdays, Wednesdays, Thursdays, doon po ako nagwu-work sa kanila."
Si Bryan ay produkto ng singing search ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar Season 3 (2006-2007), kung saan runner-up siya ng winner na si Maricris Garcia.
Kalaunan, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan siya binansagang "Prince of Teleserye Theme Songs" ng Kapamilya Network.
Siya ang kumanta ng theme songs na "Dadalhin Nang Walang Hanggan" at "Bihag" para sa 100 Days To Heaven (2011), pati na rin "Sa Isang Sulyap Mo" para sa Juan dela Cruz (2013).
Sa ngayon, green card holder na si Bryan sa Amerika.
Read: Gee Canlas, kinumpirmang hiwalay na sila ni Archie Alemania
BRYAN TERMULO'S LATEST SINGLE "ALMOST THERE"
Hindi kaya manibago ang listeners at sabihing "drastic" ang kanyang transition mula sa nakasanayan sa kanya noon at sa tunog-country music ng bago niyang awiting "Almost There"?
Saad ni Bryan: "Siguro, ang hugot ko talaga kasi ngayon is life lessons talaga in my life.
"Buhay sa Amerika, hindi madali. You know, nag-struggle din naman ako kagaya ng mga the usual immigrants, if I may say.
"Nag-struggle ako lalo na of all the days and years na puwede akong mag-try dito sa U.S., is yung panahon pa ng COVID, di ba?
"Ang daming puwedeng hirap tsaka buwan. Paraang sobrang risk talaga siya.
"Tapos you know, at first, talagang masasabi ko talagang life was really tough and life was very hard at that time.
"Parang feeling mo talagang sobrang doubtful, parang nasa tunnel ka na parang walang ray of light.
"Ganun yung feeling. And ayun lang, until day by day, nakaka-adjust na ako.
"Hindi ko namalayan na five years na pala ako dito sa States.
"And then nung COVID, one year and a half after nung COVID, unti-unti nang bumabalik sa normal yung situation.
"And then, unti-unting na rin ako nakakatanggap ng calls from producers from different states.
"So, parang feeling ko, sometimes ang buhay is just a matter of waiting and be patient lang naman.
"Kaya naman nung nagkaroon na ako ng opportunity na, 'Okay, back to normal, kakanta ka na na ulit,' pero tingin-tingin ka din sa pinanggalingan mo, yung mga struggles mo before, because that makes you stronger and stronger.
"So, I just put it into writing."
Ano ang expectations niya sa bago niyang single?
Sagot ni Bryan: "Ang expectation ko siyempre, yung ibang reaction na parang, si Bryan na, 'Di ba, siya yung kumakanta ng mga ballad songs? Bakit nag-iba na siya ng genre?'
"So, that's number one.
"And for myself naman, ang expectation ko lang, to be honest, gusto ko lang talagang...
"I'm not expecting anything, pero siyempre naghu-hope ako na sana maging hit. Pero kung hindi man, try lang ulit ako ng panibagong song.
"And gusto ko lang na mag-stick muna sa genre na ito kasi nga again, ito yung gusto kong gawin for now."
Mapapakinggan ang "Almost There" ni Bryan sa Apple Music at YouTube Music.
Read: Bela Padilla, napagkamalang pulubi sa EDSA bus terminal
