Kabilang ang aktres na si Maxene Magalona at ang partner niyang si Geoff Gonzalez sa mga foreigner na stranded sa Dubai sa gitna ng kasalukuyang digmaan sa pagitan ng USA at Israel laban sa Iran.
Apektado ang flights sa mga airport sa iba't ibang bansa sa Middle East dahil dito.
Ngunit hindi gaanong nabahala si Maxene sa kanilang sitwasyon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang saloobin sa sitwasyong kinasusuungan.
Aniya, maganda ang defense system ng United Arab Emirates (UAE) kaya may panlaban ito sa missiles at drone attacks galing sa bansang Iran.
Nararamdaman daw niya ang pagiging ligtas at mapayapa sa kabila ng nagaganap na giyera.
Lahad ni Maxene sa kanyang post: "Currently stranded/divinely placed in Dubai
"As of today, Dubai is navigating a period of high alert and significant disruption following a series of missile and drone attacks launched by Iran across the region.
"All flights have been cancelled as the airport has been closed indefinitely until further notice.
"I just have to say, in the 6 days that I’ve been here, I’ve been feeling so safe and peaceful despite the ongoing war.
"The government of UAE truly has the best defense system as it was able to intercept more than a hundred missile and drone attacks.
"Now, more than ever, I feel God’s presence and protection."
Mensahe pa ni Maxene sa mga kapwa Pilipino: "To all our kababayans in Dubai and the Philippines—I send you healing and peaceful energy.
"Try your best not to focus too much on what you’re seeing in the news but rather keep your eyes and heart focused on God.
"Trust and surrender that He has a divine plan for all of us."
Nasa Dubai sina Maxene at Geoff para sa isang Financial Wellness Masterclass.

Nagkaroon ng krisis sa Middle East countries matapos atakehin ng pinagsanib na puwersa ng U.S. at Israel military ang mahigpit nilang kalabang bansa, ang Iran.
Hindi pa alam kung ilang linggong tatagal ang tensiyon doon.
Noong 2020, na-stranded naman si Maxene sa Bali, Indonesiad, ahil sa COVID-19 pandemic.
Read: Who is Gil Cuerva?
Dubai flight of anne curtis's diverted to milan
Isa rin sa naging biktima ng tensiyon sa Middle East ang It's Showtime host na si Anne Curtis.
Pinabalik sa Milan ang flight ni Anne na papunta sanang Dubai para sundan ang kanyang asawang si Erwan Heussaff at ang anak nilang si Dahlia.
Sa kanyang Instagram Stories noong March 1, 2026, nagbahagi si Anne ng saloobin nang personal niyang nasaksihan ang mga fighter jet na dumaan sa kanilang tabi habang nasa himpapawid.
Post pa niya: "Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high speed jet flying beside us.
“Next thing I knew, they announced we would be turning around and making our way back to Milan due to the airstrikes.
"All flights to the Middle East have been grounded."
Read: Anne Curtis’s Dubai flight diverted amid Middle East tensions
Nagkita na sina Anne, Erwan, at Dahlia.
Kagabi, March 4, ibinahagi ng ina ni Anne na si Carmen Curtis-Smith na magkakasama na sa bansang Oman ang kanyang anak, manugang, at apo.
Read: Anne Curtis reunites with husband Erwan, daughter Dahlia in Oman
