Larawan ng isang masayang pamilya ang makikita sa Instagram Stories ni Ellen Adarna kasama ang mga anak na sina Elias at Lili habang nagbabakasyon sila sa Amanpulo.

Pero napukaw ang atensiyon ng netizens dahil kasama rin ng mag-iina ang ex-partner ni Ellen na si John Lloyd Cruz at ang girlfriend nitong si Isabel Santos.
Si John Lloyd ang ama ni Elias.
Caption ni Ellen sa kanyang selfie photo nitong Miyerkules ng gabi, March 4, 2026, "Naka Selfie kc naka sub si @isabelreyessantos [laughing in tears emoji]"
Ni-repost ito ni Isabel at nilagyan niya ng bomb emojis.

Sa isa pang larawan, maaaninag si Isabel habang lumulusong sa dagat habang unti-unti nang binabalot ng takip-silim ang lugar.
Kasama niya si Elias at isa pang batang kasama naman nina Ellen.
Sabi ni Ellen sa caption, "Push @isabelreyessantos"
Kalaunan ay sumama sa kanila si John Lloyd.
Saad ni Ellen sa kanyang post, "Kaya mo yan ahahaah @isabelreyessantos @_idancruz."
Ang @_idancruz ay personal at private account ni John Lloyd sa Instagram.

Sa isang video, makikita naman si John Lloyd at Elias na nagba-bonding.

Read: Jasmine calls out journalists for “laughing” in Suntay interview
NETIZENS REACT TO BLENDED FAMILY SETUP BETWEEN ELLEN, JOHN LLOYD, ISABEL
Puring-puri naman ng netizens si John Lloyd dahil sa pagiging mabuting ama raw nito kahit hiwalay na sila ni Ellen.
Sabi ng isang nagkomento, "wow good father talaga si JL!"

Saad ng isa, "Grabe! The best jud inyuha co parenting. Purya buyag. [Grabe. The best ang inyong co parenting. Puwera usog]"

Sabi ng isang komento, masaya siyang maayos ang pakikitungo nina Ellen at Isabel sa isa't isa.
Sabihan daw ni Ellen ang dalawa na magpakasal na dahil nagiging malapit na rin si Isabel kay Elias.
"Happy that you and Isabel are getting well. Tell them to get married na, Dai More na close na pud si Elias sa oyab"

Maganda raw talaga ang pagkakaroon ng blended family. Mabuti umano ang dulot nito lalo na sa mga bata.
"Awww i love when a blended family works really good. healthy for everyone especially the kids."

Komento ng isa, "Awe happy family. Kasama si JL and GF nya"

Huling nakitang magkasama sina Ellen, John Lloyd, at Isabel sa piano recital ni Elias noong December 14, 2025.
Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos spotted with Ellen Adarna and son
