Solo flight at walang kasamang escort si Isabel Santos, nobya ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz, nang dumalo siya sa Preview Ball 2023, kunsaan kabilang siya sa Best Dressed List.
Read: Standouts at Preview Ball 2023
Si Isabel ay isang Filipino artist at anak ng artist-gallery owner na si Soler Santos. Ang ina ni Isabel na si Mona Santos ay isa ring artist. Ama ni Soler ang tanyag na yumaong Filipino cartoonist/illustrator/painter na si Mauro "Malang" Santos.
Read: Isabel Santos: Carving her own path in art
Personal niyang tinanggap ang kanyang Best Dressed trophy sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi, September 8.
Read: 10 most creative ensembles at the Preview Ball 2023
Katangi-tangi ang kanyang multi-layered pinstripe dress with ruched drawstring details and a capelet na tumerno sa kanyang short pearl-colored hair.
Ilan sa mga tagahangga ni John Lloyd ang nag-expect na kasama siya ni Isabel, lalo na't unti-unti na silang nagiging bukas sa espesyal nilang relasyon.
Noong November 8, 2021 nang maghinala ang netizens na may relasyon sina Isabel at John Lloyd.
Ito'y matapos i-repost ng isang fan account ang litrato ni John Lloyd na sinasabing mula sa Instagram Story ni Isabel.
Kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alagang aso ni Isabel na sina Noah at Benny.
Nilagyan pa ito ng fan ng caption na "flexing" at lovestruck emoji.
Dahil dito ay napatanong ang iba pang fans ni John Lloyd kung sila ba ni Isabel.
Read: Netizens ask: are John Lloyd Cruz, artist Isabel Santos an item?
Makailang beses na rin silang naispatan na magkasama sa mga pampublikong lugar na mas nagpatibay pa sa hinala na sila na nga.
Read:
- John Lloyd Cruz, rumored girlfriend Isabel Santos spotted together at dog shelter
- Isabel Santos posts holding hands photo with rumored boyfriend John Lloyd Cruz
- Instagram official? Isabel Santos posts cozy Italy vacation photos with rumored boyfriend John Lloyd Cruz
June 13, 2023, namataan muli na kasama si John Lloyd sa family celebration ni Isabel.
Read: John Lloyd Cruz seen with girlfriend Isabel Santos's family
Hanggang nitong July 27, sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post sa Instagram si John Lloyd ng litrato nila ni Isabel kasama ang anak ng aktor na si Elias, na noo'y nagdiriwang ng ika-5 na kaarawan.
Si Elias ay anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.
Read: Ellen Adarna speaks about meeting John Lloyd Cruz's girlfriend Isabel Santos
Tila wacky shot ang kanyang Instagram post dahil naka-super close up ang mukha niya sa litrato, pero kitang-kita naman sa kanyang likuran si Isabel na nakayakap kay Elias.
Read: John Lloyd Cruz posts first photo with girlfriend Isabel Santos
Samantala, bukod kay Isabel, kasama ring pinarangalan bilang 2023 Preview Best Dressed sina James Reid, Bianca Umali, Jericho Rosales, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, YouTube vloggers na sina Mimiyuuuh at Bella Racelis, Rocio Zobel, Gabbie Mariano, Chris Nick, at all-male P-POP group na BGYO.
Read: If you've got it, flaunt it! Most revealing looks at Preview Ball 2023
