"I'm sorry."
Ito ang maikli ngunit makahulugang post sa Instagram ng aktor na si Nikko Natividad ngayong Huwebes ng gabi, March 5, 2026.
Bagamat walang anumang paliwanag ang aktor sa naturang post, naniniwala ang maraming netizens na may kaugnayan ang kanyang paghingi ng paumanhin sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.
Noong huling linggo ng February 2026, kumalat online ang diumano’y video scandal ni Nikko, gayundin ng iba pang mga aktor na sina Gil Cuerva, Ron Angeles, at Arron Villaflor.
Dahil dito, tinagurian silang “The Big Four” matapos mag-trending sa X (dating Twitter) ang magkakahiwalay na video na umano’y nagpapakita sa kanila habang nakikipagtalik.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
Katakut-takot na batikos at pangungutya ang inabot ng apat mula sa publiko—lalo na si Nikko, dahil kilala siyang pamilyadong tao.
Si Nikko ay may asawa sa katauhan ni Cielo Mae Eusebio, at mayroon silang dalawang anak.

Ito'y kahit hindi naman tukoy magpahanggang ngayon kung ang aktor nga ang nasa viral video scandal at kung kailan ito kinunan.
Sa kabilang banda, may mga naniniwalang biktima ang mga nasangkot na aktor dahil hindi nila alam at walang pahintulot ang pagkuha ng video sa kanilang pribadong sandali.
GIL CUERVA ADMITS VIDEO SCANDAL
Ang biglaang pagpu-post ng "I'm sorry" ni Nikko ay nangyari ilang oras lamang makaraang aminin ni Gil Cuerva na siya nga ang isa sa nag-leak na private video.

Ayon sa Kapuso actor, ang nasabing video ay ini-record nang hindi niya alam at walang pahintulot.
Saad ni Gil: "Hey everyone. I just want to briefly address the issue that had circulated online over the past few days.
"This will be the only time I speak about it, and I will not be commenting any further after this.
"The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment."
Ipinaalala ni Gil na ang paggamit ng hidden camera at ang pagbabahagi nito sa iba ay seryosong paglabag sa kanyang privacy at itinuturing na krimen.

Kasunod nito, nagpasalamat si Gil sa mga kaibigan at kakilala na nangumusta sa kanya at ipinagtanggol siya.
Pahayag niya: "The use of a hidden camera and the distribution of that recording are serious violations of my privacy and constitute a crime.
"Thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name."
Sa kabila ng masalimuot na pangyayaring ito, tiniyak ni Gil na "okay" lang siya at magpapatuloy pa rin ang buhay para sa kanya.
Read: Lexi Gonzales stands by ex Gil Cuerva amid alleged video scandal
Additional text by Arniel C. Serato
