Patuloy ang pagdepensa ng Kapuso actress na si Lexi Gonzales kay Gil Cuerva laban sa netizens na patuloy pinagpipiyestahan online ang diumano’y video scandal ng dati niyang nobyo.
Nahaharap ngayon sa kontrobersiya si Gil matapos kumalat online ang diumano’y video scandal niya, pati na ang sa iba pang mga aktor na sna Nikko Natividad, Ron Angeles, at Arron Villaflor.
Nag-viral ang apat na magkakahiwalay na video na, ayon sa netizens, ay kahawig umano nina Gil, Arron, Nikko, at Ron.
Dahil dito, tinagurian silang “The Big Four” matapos mag-trending sa X (dating Twitter) ang kani-kanilang umanong video scandal.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
Kaugnay nito, sunud-sunod na nag-post sa Threads si Lexi upang i-call out ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa isang tao na, aniya, ay may kaakibat na mabigat na kaparusahan sa batas.

Tinawag pang "nakakadiri" ni Lexi ang mga taong nagpapakalat ng maling balita at ginagawa lamang ito upang makapanira ng kapwa.
Read: Did Lexi Gonzales defend Gil Cuerva from alleged video scandal?
Lexi slams netizen who saID she made the right decision breaking up with Gil
Sa comments section ng mga post ni Lexi, may isang netizen na nagkomento upang batiin ang aktres dahil sa pagkawala raw nito kay Gil.
“Buti kumawala ka kay @gilcuerva. Good decision,” mababasang komento ng nasabing netizen.
Hindi ito pinalampas ni Lexi at agad niyang nireplyan.
Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."
Ni-repost ito ng Kapuso actress kalakip ang panawagan ng pagrespeto at pagpigil sa mga taong sumisira sa reputasyon ng mga taong sangkot sa sinasabing video scandal, lalo na si Gil.
Read: Trending "The Big Four": Reality show at video scandal
Giit pa ni Lexi, bagamat masalimuot ang kinahantungan ng kanilang relasyon, hindi niya matitiis na makitang unti-unting nasisira ang pangalan ng dating nobyo dahil sa pagpapakalat ng malisyosong content online.
Read: Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales, break na?
Ani Lexi (published as is): "Regardless of what happened between us, people shouldn't be trying to ruin a person's integrity by by spreading malicious and illegal content about them.
"Mahiya naman kayo. You guys should have some DIGNITY & RESPECT."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo ni Gil hinggil sa umano'y viral video scandal niya.
