Trigger Warning: Mention of self-harm, depression
Inamin ng aktor na si Nikko Natividad na siya ang lalaki sa kumakalat na leaked video scandal.
Pero labis-labis daw ang pagsisisi ni Nikko na nagpadala siya sa tukso nang makipagtalik sa iba habang masaya siyang pinagsisilbihan ng asawa niyang si Cielo Mae Eusebio.
Read: Did Nikko Natividad confirm alleged leaked video scandal?
Sa panayam niya sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong Biyernes, March 6, 2026, inamin ni Nikko na isa siya sa mga male celebrity na tampok sa leaked private videos.
Ayon sa aktor, sa pagkakatanda niya, sa pagitan ng taong 2023 at 2024 nangyari ang pakikipagtalik niya sa isang babae.
Pahayag niya: "Sabi ko nga po, walang words na puwedeng magpabawas o mag-cover up sa nagawa ko.
"Na kasi nag-aaway kami ng asawa ko, kasi lasing ako, kasi may tampuhan kami. Wala.
"Lahat ng ginawa ko is mali. Sa madaling salita, sabi ko sa wife ko, nademonyo ako, natukso, bumigay ako.
"It was 2024, 2023 nangyari yon. Inamin ko na siguro natira yung kahinaan ko, babae, laman.
"Walang ibang reason po. Mali ako, nademonyo ako, yun lang po. Walang iba [like] dahil nag-away kami ng wife ko, walang ganun.
"Walang [lusot]. At ayaw ko rin gawing dahilan na, 'Nanlamig ka kasi nagtampuhan tayo.'
"Inaamin ko na mali yung ginawa ko."
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
Base sa pagkakakuwento ni Nikko, tila batid niyang binibidyuhan ang pagtatalik nila ng babaeng kasama niya sa video scandal, dahil noon pa raw ay may kutob na siyang lalabas at lalabas ito.
Lalo na noong nalaman daw ni Nikko noong 2025 na ibinebenta ang nasabing video scandal sa Telegram.
Saad niya: "Takot lang ako aminin sa wife ko kasi, hindi ako sa nagbubuhat ng bangko, pero noong nangyari ito, unti-unti na nagbabago na ako.
"Alam ng mga tao, alam yan ng wife ko na nagbabago na ako. Pero hindi ko lang kayang aminin sa kanya kasi natatakot akong mawala siya.
"So, sabi ko na lang, pagsisisihan ko na lang sa sarili ko, magbabago na lang, huwag ko na lang aminin sa kanya.
"Pero noong last year, pumuputok-putok na siya, may mga nagme-message na sa akin na ibinibenta na sa Telegram.
"Sabi ko, walang na akong lusot, darating yung time na lalabas ito. Sinusubukan ko lang i-delay kasi ayokong mahiwalay ako sa pamilya ko. Ayaw kong masira.
"Pero alam ko na lalabas at lalabas yon."
Aminado ni Nikko na hindi niya naisip ang kanyang pamilya nang ginawa ang pagkakamali.
"Hindi ka pa makokonsensiya nun, e, siyempre nandun ka pa. Ang iniisip ko lang nun, 'Sana walang huli to,' kasi nadedemonyo pa ako, e.
"Pero unti-unti, lalo noong tumitibay ang relationship namin, napalapit pa ako kay Lord nun, may pagsisisi talaga."
Hanggang sa dumating na raw ang araw na kinakatakutan ni Nikko—ang paglabas ng video scandal niya at mabilis na pag-viral nito.
Nangyari raw ito isang araw matapos nilang i-celebrate ni Cielo ang kanilang 12th anniversary.
Takot na takot daw si Nikko noong mga oras na iyon. Wala raw siyang ibang inisip kundi ang magiging reaksiyon ni Cielo kapag napanood nito ang video scandal.
Lahad niya: "After namin mag-dinner [kasi anniversary namin], nag-phone ako noong madaling-araw. Ang dami na nagme-message, tina-tag na ako, lumalabas na.
"Sobrang takot ko talaga nun. Sabi ko, 'Lord, tanggalin Niyo na sa akin lahat. Spare Niyo lang sa akin yung pamilya ko. Please, huwag Mo na ilabas.'
"Sabi ko pa, 'Magbabago ako.'
"Nagmamakaawa ako sa Kanya. Nakikipag-areglo ako sa Kanya na, 'Alisin mo na kung ano ang trabaho ko, anong meron ako ngayon, spare mo lang sa akin yung mag-ina ko at saka mga anak, please.'
"Pero noong umaga, lumabas pa rin. Sabi ko, 'Wala, kailangan kong pagdaanan ito kasi ginawa ko ito.'
Patuloy ni Nikko: "Hindi siya challenge sa akin ni Lord. Hindi siya problemang binigay ni Lord.
"Kasi ako yung gumawa ng problema na ito. Hindi Siya yung nagbigay sa akin ng problema.
"So, kailangan kong harapin ito. Kailangan kong pagdaanan ito para matuto ako."
Read: VMX actor Jhon Mark Marcia, "medyo" nagsisi sa video scandal
How DID Chielo react to Nikko’s video scandal?
Ano ang reaksiyon ni Cielo nang malaman at mapanood ang video scandal ni Nikko?
Pagbabalik-tanaw ng aktor: "Iyak siya nang iyak, nagsisigaw siya. Wala akong magawa.
"Hindi niya ako sinampal. Umiyak lang siya. Walang tigil ang iyak niya, more than one day po talaga.
"Halos na-dehydrate na siya, hindi umiinom ng tubig, nagkukulong. Kumuha pa ng mga gamot sa kamay niya, gusto niyang inumin.
"Lagi rin niyang inuulit-ulit sa akin na itanong, 'May kulang ba sa katawan ko? Mali ba yung ginagawa ko sa yo?'
"Iniisip niya na kaya ko nagawa yon kasi pangit na siya, may mali sa ugali niya.
"Sabi ko sa kanya, 'Wala kang kasalanan, ako lahat yon. Kahinaan ko yon.'"
Mas lalo pa raw nakonsensiya si Nikko nang malaman niyang handa siyang patawarin ni Cielo sa kabila ng pagtataksil niya.
Ani Nikko: "Takot at takot po ako kasi more on sa galit, nakaramdam pa siya ng awa sa akin.
"Doon ako nag-breakdown na, kinausap niya yung mommy niya, 'Pano si Nikko? Paano rin siya? Paano ako pag lalabas?'
"Paano na din daw yung buhay ko. Nakaramdam pa siya ng awa sa akin na dapat hindi.
"Noong nakaramdam siya ng awa sa akin, galit na galit ako sa sarili ko, 'Bakit ko sinira siya inside, pamilya ko, sinira ko.'
"Sabi ko sa kanya, 'Huwag kang maawa sa akin, deserve ko ito, yung mga comment na yan. Walanghiya ako, e.'
"Sabi ko po sa kanya, 'Alam mo, kung hihiwalayan mo ako ngayon, hindi kita pipigilan.'
"Kasi napakawalanghiya ko naman talaga.
"'Isa lang hiling ko, huwag kang bibigay. Kasi kung may mangyari sa yo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"'Kapag may nangyari sa yo, hindi ako mapapatawad ng mga anak natin. Kapag may nangyaring masama sa yo, kasi kagagawan ko, hindi ko mapatawad ang sarili ko.'"
Nakikita raw kasi ni Nikko na unti-unti nang naaapektuhan ang mental health ng kanyang misis.
May mga pagkakataon daw na sa sobrang sakit ng kalooban ng asawa, dahil sa ginawa ni Nikko, iniisip na raw nitong tapusin ang sarili niyang buhay.
Lumuluhang pahayag ni Nikko: "Nagtatangka na siya na parang gusto na niyang magpakamatay.
"Sabi ko, 'Unahan ko kaya, para hindi niya ituloy.' Ganon na yung pumapasok sa isip ko, unahan ko."

Mas lalo raw nabagabag ang kalooban ni Nikko nang nalaman na rin ng kanyang panganay na anak ang ginawa niyang kasalanan.
Lahad niya: "Yung panganay ko, matalino, ten years old.
"Kasi naririnig niya, one time tinext ako ng anak ko. Kasi sa bahay hindi niya ako kayang kausapin, umiiyak siya, galit siya.
"Hindi namin sinabi na may video, ang alam lang niya cheating.
"Kailangan, e, kasi nagtataka na siya, 'Bakit ganun sa bahay, nagkakagulo, may mga nababasag na gamit [dala ng emosyon ni Cielo].'
"Sabi niya sa akin, 'Dad, walang ginawang mali sa iyo si Mommy. Bakit mo nagawa yon? Pinagtatanggol pa kita minsan kay Mommy, kasi kapag nag-away kayo, minsan mali si Mommy. Pero ngayon, hindi kita kayang ipagtanggol.'
"Tapos nag-text siya [ulit]. Hagulgol ako. Sabi niya, 'Dad, I love you. I know God will forgive you.'"
Read: Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
CIELO SAYS SHE'S READY TO FORGIVE NIKKO
Pero pagkatapos ng masinsinang pag-uusap, nagdesisyon daw sina Nikko at Cielo na hindi maghiwalay, para na rin sa kapakanan ng dalawa nilang anak.
Ipinagpapasalamat daw ng aktor ang pagbibigay ni Cielo sa kanya ng pagkakataong bumawi at itama ang kanyang mga pagkakamali.
"Si Cielo, dasal lang siya nang dasal. Tapos bigla siyang tumahan. Nagpayakap siya sa akin.
"Tuwang-tuwa ako noon. Sabi ko, 'Bakit siya ganito? Parang dapat galit ka, e, pero iba yung ipinapakita niya sa akin.'
"Kinausap niya ako. Sabi niya, 'Mahal kita. Gustong kitang patawarin. Pakita mo sa akin [na nagsisisi ka].
"'Papatawarin kita, pero siguraduhin mo na kaya mo, kasi hindi ko alam kung kailan ako magiging okay.'"
Sa ngayon, wala raw ibang hangad si Nikko kundi gamutin ang sugat sa puso ni Cielo.
Nagsusumamo rin si Nikko sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya na huwag nang idamay pa si Cielo at ang kanyang pamilya.
Handa raw siyang pagbayaran ang nagawa niyang kasalanan nang mag-isa.
"Sabi ko nga, sana huwag tirahin yung pamilya ko, ako na lang. Kaya ko pong maka-receive ng hindi magagandang salita, kasi deserve ko yon.
"Huwag na sanang nilang idamay yung asawa ko, kawawa naman.
"Humihingi po ako ng sorry unang-una sa asawa ko, anak ko, sa pamilya niya, at pamilya ko.
"Siyempre sa mga tao na rin kasi hindi ako magandang halimbawa. Mali yon. Mali po yung ginawa ko," saad ni Nikko.
Nikko shares his learning after video scandal
Sa lahat ng nangyari, anu-ano ang mga aral na natutunan ni Nikko sa kanyang pagkakamali?
Sagot niya: "Basic lang, kung alam mong masama at mali, huwag mo nang gawin.
"Alam ko naman kasing mali yon, e, nagpatalo lang ako sa tukso.
"Kung alam mong kahinaan mo yon, huwag mo nang gawin... Tao tayo, lahat tayo may kahinaan, ikaw na lang ang umiwas.
"Ayokong magmalinis sa asawa ko na sabihin na, 'Hinding-hindi na ako maaakit.' E, nagawa ko nga, e, paano ko siya mapapaniwala?
"Ang gagawin ko, ako na lang ang iiwas. Hindi para mangako, gagawin ko na lang.
"Hindi lang sa pagloloko sa asawa, maraming klase ng mortal sins, kaya kung kaya nating umiwas, umiwas tayo."
Sa huli, sinabi ni Nikko na wala siyang planong sampahan ng reklamo ang nagpakalat ng kanyang video scandal.
Buong-puso raw niyang tinatanggap na ang pagkalat nito ang kabayaran sa nagawa niyang kasalanan sa kanyang pamilya.
