Nagulat ang stand-up comedian na si Tonton Soriano sa pag-propose sa kanya ng boyfriend na si Jhonnas Desingaño.
Naganap ang engagement sa isang resort sa Laguna, kung saan ipinagdiwang ang kaarawan ni Jhonnas.
Kasama nila ang mga kaibigan ni Tonton na mga komedyante rin — sina Miss Ohw, Kitty Montecarlo, Iyah Mina, Ayee, Petite, at Verna Tuliao.
Mapapanood ang eksena ng proposal sa March 5, 2026 episode ng Beks Friends vlog sa YouTube.
Read: CCTV footage shows Jayson Zoleta shot dead by alleged ex-BF
SURPRISE ENGAGEMENT
Sa naturang vlog ay makikitang nakipaglalaro ng Pinoy Henyo si Tonton kasama ang mga kaibigang komedyante.
Ang pangalan ni Jhonnas ang pinahuhulaan.
Matapos mahulaan ni Tonton ang pangalan ay lumabas na si Jhonnas. Tila na-awkward dito si Tonton.
“Baby, mamaya na, nagba-vlog kami,” saad niya.
Ngunit tuluyan pa ring lumapit si Jhonnas at lumuhod sa harap ni Tonton.
Ipinakita nito ang isang engagement ring at nag-propose.

Masaya namang sumagot ng “Yes” si Tonton.

Dahil dito ay nag-celebrate ang kanilang mga kaibigan.
Nasa venue rin ang mga ina nina Tonton at Jhonnas, na nagbigay-suporta sa engagement.
Tuluy-tuloy ang celebration sa isang fireworks display.
Nag-kiss din ang dalawa on camera.

Pahayag ni Tonton, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon noong simula dahil akala niya ay prank ang nangyayari.
Pagpapatuloy niya, “Hindi talaga ako makapaniwala kasi wala naman sa dream natin na magkakaroon ng ganito, lalo na na nasa third sex tayo. Salamat kasi ginawa mo ito para sa akin.”
Sumang-ayon dito si Jhonnas.
“Ito na yung new generation. I-embrace na natin na love wins,” aniya.
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

NETIZENS CELEBRATE TONTON AND JHONNAS' ENGAGEMENT
Nagdiwang ang fans ni Tonton nang malaman nila ang balita.
Sa comment section ng vlog sa YouTube ay maraming nag-post ng mga mensahe para i-congratulate siya.
“So happy for Tonton. You deserve all the love in this world. And to Jonas, kahit ngaun lang kita nakita (on this vlog) may your love for Tonton lasts forever,” saad ni @Estela-l4h
“Congratulations Tonton & Jonas and this is totoong totoong love. Ang gaan gaan panoorin,” sabi naman ni @jollycrossbeauty
Wala pang impormasyon kung kailan at saan magaganap ang kasal ng newly engaged couple.
Read: TRENDING: Wilyonaryo dancer, iba ang nasabi sa halip na "tiket"