May isa na namang pelikulang Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa industriya.
Ito ay ang Sisa, na nagwagi ng Best Screenplay award sa 46th Fantasporto International Film Festival ngayong Linggo, March 8, 2026.
Ito ang unang beses na napanalunan ng isang pelikulang Pilipino ang nasabing parangal sa film fest sa Portugal.
Ipinahayag ni Jun Robles Lana, direktor ng Sisa, ang pagkalugod sa pagkapanalo ng kanyang pelikula na pinagbibidahan ni Hilda Koronel.
Read: REVIEW: Hilda Koronel exceptional in Sisa
“It’s an honor for our team to see this story recognized on an international stage, but the most meaningful part of the journey is bringing this win back home,” saad ng award-winning director.
Nanawagan din siyang sana ay marami pang manood ng Sisa, na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.
“We are still in cinemas this week, and I’d love for you to catch it on the big screen while you can.
"If you love stories that stick with you, please give Sisa a chance. Let’s show the world that our stories have a home in our own theaters,” sabi ni Direk Jun.
Hindi lumipad ang direktor papunta sa Portugal para filmfest dahil inaasikaso niya ang screening ng Sisa sa Pilipinas.
Read: Hilda Koronel, kinaya ang mga hirap sa shooting ng Sisa
View this post on Instagram
FANTASPORTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
Kilala ang Fantasporto bilang isa sa pinakaprestihiyosong genre festival sa buong mundo.
Taun-taon ay sumasali rito ang mga pinakamagagaling na horror at thriller movie directors mula sa iba’t ibang bansa.
Ngayong taon, tinalo ng Sisa ang mga pelikula mula sa Norway, Japan, at Greece.
Kasama rin sa listahan ang Tigkiliwi ni Tara Illenberger, na humakot ng awards sa CinePanalo film festival noong nakaraang taon.
Samantala, marami nang acting awards na naiuwi ang Pilipinas sa Fantasporto.
Nanalo rito ng Best Actress award sina Judy Ann Santos para sa Espantaho noong 2025, si Cristine Reyes para sa UnTrue noong 2020, at si Barbie Forteza para sa Laut noong 2016.
Read: Judy Ann Santos, best actress sa Fantasporto 2025
Nagwagi rin si Ian Veneracion ng Best Actor award para sa Ilawod noong 2018.