Nakatakda na ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Bea Alonzo at Puregold scion na si Vincent Co.
Ito ang usap-usapan ngayon matapos ilabas sa online Mass ng St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco, Manila, nitong Linggo, March 8, 2026, ang kanilang marriage banns, kunsaan nabanggit ang pangalan nina Bea at Vincent.
Ang marriage banns ay ang opisyal na anunsiyo ng simbahang Katoliko tungkol sa dalawang taong balak magpakasal.
Layunin nitong ipaalam sa komunidad ang nalalapit na kasal upang kung may legal o moral na hadlang ay maaari itong ipagbigay-alam bago ituloy ang kasal.
Read: Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co
Bago matapos ang misa ni Rev. Fr. Jomar Burgos ay inanunsiyo ang mga pangalan ng mga magkasintahang nakatakdang ikasal.
Saad sa Facebook Live, kalakip ang art card ng totoong pangalan nina Bea at Vincent: "Dear parishioners, we are announcing the marriage banns of the proposed marriage of the following couples.
"First banns for Ferdinand Vincent Pe Co, 44 years old, son of Lucio L. Co and Susan Pe... who will be married to Phylbert Angelli Escalante Ranollo, 38 years old, daughter of Fedesardo Ranollo and Mary Anne Escalante.”

Ang marriage banns din ay karaniwang binabanggit sa simbahan sa lugar kunsaan miyembro o nakatira ang ikakasal, hindi lamang sa simbahan kunsaan gaganapin ang kasal.
Sa kaso nina Bea at Vincent, pareho silang taga-Paco, Manila, kunsaan matatagpuan ang St. Peter the Apostle Parish.
BEA ON HER ENGAGEMENT RUMORS
Noong September 13, 2025, nagbigay ng komento si Bea tungkol sa napapabalitang engagement niya sa boyfriend na si Vincent.
"Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao yung mga pangyayari sa buhay ko.
"I have nothing to clarify and I want to keep things private and, yeah, there's nothing to say actually.
"I'm very happy. Yes," saad ni Bea sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras.
Read: Bea Alonzo clarifies engagement rumor with boyfriend Vincent Co
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na anunsiyo sina Bea at Vincent tungkol sa kanilang nakatakdang pag-iisang dibdib.
Ngunit ayon sa isang ulat, nakatakda umanong ikasal sina Bea at Vincent sa vineyard na pag-aari ng mga Co sa Spain sa susunod na buwan.
Hiningan din ng reaksiyon ng Philippine Entertainment Portal ang panig ni Bea.
Agad naming ilalathala ang kanyang sagot sa oras na mag-reply siya sa ipinadala naming Viber message.
