Limang taon pa lamang sa industriya ang aktres at influencer na si Yukii Takahashi pero masuwerte raw siyang napabilang sa cast ng teleserye ni Coco Martin na FPJ's Batang Quiapo.
Saad niya: "Almost two years din po ako doon. And ang dami ko po talagang natutunan sa mga big actors na kasama ko, sina Miss Charo Santos, sila Miss Cherry Pie."
Kumusta kaeksena ang dalawang batikang artista?
Ayon kay Yukii: "Unang-una po, kinakabahan naman po talaga ako.
"Pero kapag nasa workplace ka kasi, hindi ka puwedeng pangunahan ng kaba lang.
"Kasi the more na kakabahan ka, nakakahiya na magkamali, tapos big actors yung kasama mo.
"So, kinakabahan ako but, at the same time, sobrang saya ko. Sobrang saya ko to be part of the journey ng Batang Quiapo."
Sa halos dalawang taon niya sa Batang Quiapo, nakaipon ba siya kahit papaano?
"Sakto lang. Sakto lang po, ganun talaga," tugon ni Yukii.
Hindi naman daw siya nagmamadali si sa kanyang karera.
"Dahan-dahan po talaga. Learning. Hindi naman. Pero if may ibibilis, tara.
"You work your way up. I would say sa showbiz kasi, you work your way up, and it takes time, talent, effort to be in a spot na you want to be in.
"So, I would say nasa journey pa rin ako ng career ko na I'm still exploring. I'm still maximizing yung growth na puwede kong ma-build in this age and in this gap time."
Sino ba ang mga artistang gusto niyang tularan?
Saad ni Yukii: "Sobrang gusto po talaga maging artista.
"Gusto po talaga maging kagaya nila Marian Rivera, sina Angel Locsin, Toni Gonzaga.
"So, I want to be a versatile actress. Ayokong 'artista lang yan.' Gusto ko, aktor.
"And yun yung natutunan ko po sa Batang Quiapo."
Ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yukii sa launch niya bilang bagong endorser ng Kola bags noong March 6, 2026 sa Makati City.
Read: Yukii Takahashi: Doctor to Actress
YUKII TAKAHASHI AND HER NEW ENDORSEMENT
Ang Kola bags ay made locally pero matibay at fashionable.
At si Yukii nga ang bagong mukha ng new collection nila.

Paano siya napapayag maging endorser ng nasabing brand?
Lahad niya: "Actually, ang owner, friend ko po sila. And of course, knowing them personally, I know the intention behind the products is authentic.
"It's quality. And I would say, yung bag kasi, as someone na nagdyi-gym talaga, lagi akong nagdyi-gym and everything, I really need a bag that's spacious.
"Spacious, at the same time, maganda siyang iporma with different outfits.
"And I love that they have a lot of colors. And parang the brand speaks for me as someone who wants to elevate their day-to-day basis, I would say."
Ayon naman sa marketing manager na si Christian Tagatac, "Kola brand, it came from the word, Lakota. So it's native American, so which means, friend or a companion. So we wanted our bags to be your companion."
Dagdag ni Justine Manuel, product marketing specialist, "You can wear it every day, so it's versatility na puwedeng pang-everyday and puwede ring pang-occasion."

Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church
