Malaki raw ang ipinagbago ng buhay ng actress-influencer na si Zeinab Harake mula nang ikasal sila ng asawa nitong si Bobby Ray Parks Jr.
Kung dati ay madalas niyang pansinin ang bashing sa social media, ngayon ay deadma na raw siya dahil nag-iba na ang kanyang priorities.
Natutuwa rin daw si Zeinab na hindi siya binitawan ng isa niyang endorsement kahit bugbog-sarado siya sa social media.
Saad niya: "Yung mga naging issues ko naman before, like, hindi ko din po talaga ma-control, e... three years ago. Basta ako, wala na akong issue, three years na.
"Pero dati, like, talagang parang linggu-linggo, na-headline ako, issue, bash, ayan.
"Parang namanhid na talaga ako. Actually, na-trauma ako.
"Pero ayun nga, in God's grace, naibangon ko yung sarili ko, e."
May pagkagaspang din naman talaga si Zeinab noon.
Sa isang shoot, halimbawa, high siya, lahat inaaprove niya, mukha siyang masaya. Tapos, pag labas ng shots, bigla na lang nagwawala, hindi raw maganda ang damit, mukha raw cheap, bakit ganyan ang mga kulay, ang papangit. Galit.
Sira ang araw ng mga katrabaho. Ngunit dahil malaki ang following niya, tumatahimik na lang ang mga ito.
Mangyari pa, ni ha, ni ho, wala siyang paliwanag o pasintabi. Kapag nagkita kayo uli, wala lang. Parang hindi siya nagwala, parang wala siyang kailangang ihingi ng paumanhin.
Kaya hindi rin katakatatakang naba-bash siya; malamang ay ganito rin ang asal niya sa ibang lugar at ibang sitwasyon.
zeinab harake GIVES CREDIT TO RAY PARKS JR.
Malaking bagay raw kay Zeinab ang pagpapakasal sa asawang basketbolista na si Ray.
Ayon kay Zeinab: "Madami po [ang pagbabago]. Sobrang dami. Ngayon nagbabasa na ako ng Bible, every day, ha.
"At saka kasi parang kapag nagkaroon ka ng God sa buhay mo, parang kailangan mong i-focus yung discipline mo din sa sarili mo, kasi hindi naman lahat madali, e.
"And then, ngayon kasi talaga, nagiging deeper yung relationship ko, naming family.
"Kami kasing family, talagang nagpi-pray kami paggising, pagkain. Every Sunday we go to church.
"Kung hindi man kailangan, manood kami ng online church. So, ibang-iba po, e."
Kumusta na sila ni Ray matapos silang ikasal noong June 2025?
"Talagang iba pala kapag kayong... parang at peace ka, tapos lahat ng nangyayari sa buhay mo, maganda.
"Siyempre, may mga pagsubok, pero dahil doon sa faith na nabi-build namin as family, pag may mga dumadating na ganito, parang, 'Okay lang yan, ibigay na natin kay God,' ganun."
Malamang pagkakaroon niya ng tinatawag niyang "peace" ay nakatulong sa pag-uugali niya. Sabi nga niya, "Kaya ako, nagkaroon na ng trust. Mas kalmado na. Ayun po."
Read: Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., ikinasal na
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media at vloggers si Zeinab sa contract signing sa ikaapat na taon niya bilang ambassador ng Luxe Slim ni Miss Anna Magkawas.
Ginanap ang event sa The Chairman's Lounge ng Okada, Manila, Miyerkules ng gabi, March 11, 2026.

Ayon kay Anna, medyo natagalan ang pagpapapirma nilang muli kay Zeinab ng kontrata dahil sa mga rasong hindi maiiwasan. Pero masaya raw silang naghintay sa kanila ang influencer.
Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang
zeinab harake wants a big family
May dalawang anak na si Zeinab: sina Bia at Lucas.
Plano ba nilang magkaroon na rin ng sariling baby ni Ray?
"Oo po naman," mabilis na sagot ni Zeinab.
Dagdag pa niya: "Gusto ko, tatlo. Big family talaga yung gusto ko.
"Kasi, so far, sa two kids, sobrang ano naman naming parehas... Kami kasi ni Ray, sobrang provider, tapos maayos yung pagpapalaki namin sa mga bata.
"So, tingin namin, kaya namin ng big family.
"Ang inaantay na lang talaga namin is, kung kami ang pupunta ng Japan for a year, tapos doon ako magbuntis or mag-retire na si Rey sa pagba-basketball sa Japan.
"Dito na siya, kasi yun ang gusto niya, hanggang 35 [years old] lang.
"Kasi 20 years na din siya naglalaro ng professional basketball. So, ayun, mabibigyan niya ng time.
"Twenty-seven pa lang naman ako, so two years. Thirty-three na si Rey, e.
"So, 29 ako nun. Bago ako mag-30, ayan."
Excited daw siyang makita ang lahi nila ni Ray.
Si Zeinab ay Filipino-Lebanese samantalang si Ray ay Filipino-American.
Nakangiti niyang sabi, "Kasi po gusto ko din, excited ako sa lahi namin."
Sa ngayon, nakabili na raw sila ng lupa para pagtatayuan ng bahay nila.
Pagbabahagi ni Zeinab: "Actually, lot po yung inuna namin. And then after that, nag-proceed na kami sa drawing.
"Hopefully, talaga, this year. Ang hirap kasi mag-asikaso kung ako yung mag-aasikaso ta's andun siya.
"Pag-umuuwi po kasi talaga siya, 48 hours lang.
"Every two weeks, 48 hours lang. E, siyempre, mas sinusulit namin yun, kasi mas madami yung days na wala siya kaysa sa andito siya.
"So, hindi din po namin maasikaso lahat. Tapos minsan, dami pa kaming trabaho pag nataon na dito siya.
"Siyempre, tini-take advantage yun ng mga schedule na, 'E, wala si Ray.' O, ngayon na uuwi siya, trabaho pa kami, ganun po.
"Pero blessed naman po."
Paano niya hina-handle ang long-distance relationship nila ng asawa?
Sabi ni Zeinab: "Actually, ano, minsan naiisip namin nakaka-better din siya ng situation namin kasi may sarili siyang time sa career niya. May sarili akong time sa career ko.
"Pero pagka, yun nga, magsasabi siya na uuwi siya, hindi na ako magwu-work niyan.
"Pero kapag wala siya, sige, sige, work, work, work.
"Kasi kapag andito siya, family talaga. And mas nalapit kami sa kids, especially ako.
"Kasi dati, ako lang nagtatrabaho sa amin. Ngayon, may katuwang na ako.
"So, puwede na akong, gaya ng sinabi ko, puwede na akong mag-no kapagka hindi ako comfortable na makatrabaho or yung trabaho na ibibigay. May choice na po.
"Oo, ngayon, may katuwang na ako. 'Daddy, gastusan mo to.' Charing!"
Ito ba yung na-imagine niya sa pag-aasawa?
Tugon ni Zeinab: "Oo, di ba? Isipin niyo yun, andito na ako ngayon.
"Parang hindi ko pa din minsan... sobrang grateful ko lang talaga.
"Minsan napapaiyak ako sa pasalamat ko sa Kanya kasi ang laki po ng binago ng buhay ko.
"Pag nakikita ko yung old videos ko, naki-cringe din ako.
"Ganun pala, kapag parang ngayon na, siyempre lahat po ng galaw ko, as a wife, as a mother, like, sinasama ko na po lahat yun.
"And siyempre, number one is to honor God. Lahat po ng galaw ko, yun po ang gusto kong mangyari ngayon."
Read: Yasmien, Maxine, Pancho, Sandro tapos na ang kontrata sa Sparkle
ZEINAB: "man of God yung asawa ko."
Pati raw sa kanyang mga ikinikilos, ibang-iba na.
Pagpapatuloy ni Zeinab: "God's grace. Actually, pinag-pray ko.
"Sabi ko, 'Lord, yung mga lalabas sa bibig ko, lagi Niyo pong gagabayan.'
"Yung may mapupulot tayong magagandang aral, yung makaka-inspire tayo ng mga kababaihan.
"And gaya ng nga sinabi ko, huwag kayong matakot. Kapag tingin niyo na mali na, you can walk away, as long as gusto mong panindigan. Ayun po."
Ganun din daw sa mga content niya, malaki ang ipinagbago nito.
Saad niya, "Actually sobra akong na-in love sa mga movies, series na about sa mga Bible."
Sabi ng isang reporter, at least daw siya, hindi righteous.
Reaksiyon dito ni Zeinab: "Alam niyo po, okay naman to have faith, to ano, to share the Gospel.
"Pero hindi ka po puwede magmarunong sa ibang sitwasyon po ng buhay. Sarilihin mo na lang ang mga bagay na tingin mo mapupunta ka sa impiyerno.
"Pero hindi naman, kasi God is good, especially Jesus, di ba?
"Grabe, pinatawad ni Jesus lahat, e. And yun ang binigay na hope sa atin ni God. Pinadala Niya si Jesus sa atin.
"So, all we have to do is ano, if we want to follow, if we want to be better para hindi tayo mapunta sa impiyerno, gawin natin.
"Pero walang makakapagsabi niyan. Ikaw lang kapagka tsugi ka na."
Sino ang nakapag-influence ng faith journey niya?
"Si Ray po talaga," sagot ni Zeinab.
"Man of God yung asawa ko, e. So, di ko din nga mapaniwalaan."
Ano ang mga nabago sa buhay niya?
"Ngayon? Hindi na ako yung random, yung bored ako sa bahay, gi-gimmick ako, ganyan. Hindi na.
"Di na ko laman ng... yung may maisip akong ano, like halimbawa, overthinker po kasi ako, e, Sagittarius, overthinker. Di natutulog.
"Overthink lang nang overthink. Before, pag nag-o-overthink ako, itu-tweet ko yan, ipu-post ko yan. Nakaka-attract ako ng negative, ng bashing.
"Ngayon, nindi na. Wala na akong ganun. Journal mo na lang yan, teh."
