Inamin na ng aktor na si Edu Manzano at ng tech CEO na si Ann Cuisia ang kanilang relasyon.
Sa Instagram nitong nakaraang March 10, 2026, inilabas ng Peanut Galley Media Network (PGMN) ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa.
Nangyari ito sa kasal ng may-ari ng nasabing online news site na si Franco Mabanta.
Nakasaad sa sa post: "The rumors are true.
"PGMN Anchors @realedumanzano and @anncuisia unequivocally hard launched their romance at Franco Mabanta's incredible wedding over the weekend.
"Congratulations to the new lovebirds from your Peanut Gallery family!"
View this post on Instagram
Nag-post din si Atty. Darwin Cañete sa Facebook ng mga larawan kasama sina Edu at Ann, at ang dating Malacañang spokesperson na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Read: Sharon Cuneta undergoes spine procedure in Singapore
EDU MANZANO, ANN CUISIA FIRST SPOTTED AT EDSA 40th
Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa unang online entertainment sites na nagbalita tungkol sa relasyon nina Edu at Ann.
Unang nakitang magkasama sa publiko sina Edu at Ann sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong February 22.
Maraming showbiz personalities ang nakiisa sa nasabing prayer rally.
Bukod kay Edu, spotted din sa lugar sina Iza Calzado, Dulce, Noel Cabangon, Arman Ferrer, at ang APO Hiking Society.
Pero ang nakapukaw sa atensiyon ng netizens ay ang larawan kung saan makikita ang ilan sa mga personalidad habang inaawit ang "Ama Namin."
Kabilang rito sina Senator Bam Aquino, Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno and Perci Cendaña, Iza Calzado, si Edu, at isang babaeng ka-holding hands ni Edu.

Ayon sa isang reliable source ng PEP.ph, ang babaeng ka-holding hands ni Edu noong araw na iyon ay ang bago niyang girlfriend na si Ann.
Si Ann ay isang kilalang personalidad sa corporate tech world.
Siya ang founder at CEO ng TraXion Tech, isang tech company na nag-i-specialize sa "Web3 and blockchain innovations to enhance financial inclusion."
Read: Edu Manzano spotted with rumored new girlfriend at EDSA rally
Ang huling napabalitang karelasyon ni Edu ay ang aktres na si Cherry Pie Picache.
Pero, naghiwalay din sila.
Read: Cherry Pie Picache at Edu Manzano nananatiling friends kahit break na
