GORGY RULA
Hindi nakaiwas si Cherry Pie Picache nang nakapanayam namin sa media conference ng pelikulang Firefly na ginanap sa Wildflour, sa Quezon City, nung Martes, December 19, 2023.
Napahagalpak nang tawa ang premyadong aktres nang tinanong namin kung malamig nga ba ang Pasko niya ngayon.
Hindi man siya diretsahang tinanong tungkol sa napabalitang hiwalayan nila ni Edu Manzano, nagkaintindihan na kaming iyon na ang gusto naming tumbukin.
Read: Edu Manzano reacts to rumor he and Cherry Pie Picache broke up
Ani Cherry Pie, “Siguro ano.... di ba, sa edad kong ito ngayon, I cannot depend my happiness anymore on somebody else.
"Besides, dapat din buo ako or whatever o kumpleto ako kung magmamahal ako di ba, parang ganun... uli."
Hindi na kami nakapagtanong uli, pero nilinaw ng aktres na napanatili nila ni Edu ang magandang friendship.
"No! We're very good friends! He's a very good person. We're very good friends. Ahhh you know... we will always love each other, so yun.
"I think we're... okay naman. I mean, yun nga! We will always love each other. Yung ganun.
"Yun na nga! We're friends," sambit niya.
Read: Cherry Pie Picache, Edu Manzano dispel breakup rumor through sweet photos
Masaya naman daw siya ngayon, kasama ang kanyang anak at patuloy na blessings at mga trabahong nakakarating sa kanya.
Isa na nga rito ang Firefly na first time pala niyang madirek ni Zig Dulay, at nakatrabaho ang mga taga-GMA 7 na sobrang bait daw sa kanya.
Hindi raw ganun kalaki ang role niya, support siya rito sa batang bidang si Euwenn Mikaell. Pero sobrang nagandahan daw siya sa script at gusto na niyang maidirek siya ni Direk Zig.
"I'm so happy and so grateful. Nagpapasalamat ako kay Direk Zig Dulay at sa GMA and Public Affairs for having me, and for welcoming me," bulalas ni Cherry Pie.
JERRY OLEA
Handa ba si Cherry Pie na ma-in love uli, o pumasok sa panibagong relasyon sakaling may dumating na bagong iibigin?
"Oo naman! Ba't hindi di ba?" mabilis niyang sagot.
"Pero habang wala, e, di masaya ka sa sarili mo, lalo na after ng pandemic, yung self-love, yung hindi mo na puwedeng iasa ang kaligayahan mo o yung kabuluhan mo bilang tao sa ibang tao.
“Nasa sa yo, and you know... ako, personally, I can't complain because you know, God has been blessing me so much.
"Tapos tayo, di ba? Tayo, di ba, wala na. Magmahalan na lang tayo, magtulungan na lang di ba? We've learned so much from the pandemic.
"So ngayon, may partner o wala... ayan na! May partner o wala, okay lang, di ba? Let's be grateful."
Inamin din ng aktres na hindi ganun kadali sa kanya ang hiwalayang yun.
"Siyempre, hindi rin, di ba?" tipid niyang sagot.
Tumango siya nang tinanong kung nakapag-move on na ba siya ngayon.
Read: Edu Manzano, Cherry Pie Picache open up about jealousy in their relationship
NOEL FERRER
Nakasama ko rin si Pie kahapon bago ang kanyang presscon at kahit hindi pinag-uusapan ang mga ganap sa kanyang buhay, nang kumustahin siya, ang tangi niyang nasabi, “Things happen, tuloy lang, di ba?"
Pagkatapos mahigpit ang aming yakap at oo, OK si Pie.
Ang punchline lang namin, siya talaga ang nagsimula ng trend — sinundan lang siya nina KathNiel, KimXi, Richard-Sarah, atbp.
Nagkatawanan na lang kaming lahat na magkakaibigang nakakaintindihan. Tuloy lang ang buhay!!!
