Iniuugnay ng netizens ang bagong TikTok post ni Sofia Andres kagabi, March 12, 2026, sa napapabalitang hiwalayan ni Chie Filomeno at rumored boyfriend nitong si Matthew Lhuillier.
Kumalat sa social media ang diumano'y breakup ni Chie sa anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa Cebu, kahit hindi pa naman sila umamin publicly.
Napansin din ng netizens na bumalik na sa pagpu-post ng sexy pictures si Chie na ilang buwang hindi niya matapos maugnay ang pangalan niya kay Matthew.
View this post on Instagram
Read: Who is Matthew Lhuillier?
SOFIA ANDRES TIKTOK SWIPE AT CHIE FILOMENO?
Sa kanyang account sa TikTok, nag-upload si Sofia ng bagong trend mula kay
Maikli ngunit makahulugang caption niya: "Oh u know"
@sofialouiseandres Oh u know
? headlock x jinx from arcane - ZOMBIE
Sa comments section, bumuhos ang suspetsa ng netizens na tila patama raw ito ni Sofia kay Chie.
Tanong ng isang netizen, "ano pong meron hindi ko gets????"
Sagot ng ilan, hiwalay na raw kasi sina Chie at Matthew.

Tanong ng isa: "Andito ka because?"

May isa namang tumawa imbes na malungkot sa hiwalayan umano nina Chie at Matthew.
At sinang-ayunan naman ito ng ilan.
Ayon sa komento: "First tym ko lang tumawa na may nagbreak up mamsh"

Narito ang iba pang komento ng netizens:

Read: Edu Manzano hard launches relationship with tech CEO Ann Cuisia
SOFIA ANDRES-CHIE FILOMENO RIFT
Dating malapit na magkaibigan sina Sofia at Chie.
Ngunit nakumpirmang may patutsadahan sila noong October 2025 nang sinabi ni Chie na binlock siya ni Sofia sa Instagram.
Nag-umpisa ang tensiyon sa pagitan nila matapos ang hiwalayan nina Chie at Jake Cuenca.
Pagkatapos nito ay naugnay naman si Chie kay Matthew.
Si Matthew ay pinsan ni Daniel Miranda, ang longtime partner ni Sofia at ama ng kanyang anak na babae.
Mula noon, nagpatutsadahan na ng cryptic posts sa Instagram ang dalawa.
Read: Chie Filomeno accuses "Sofia" of malicious smear campaign
