PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michelle Vito does not believe in seven-year itch

Michelle Vito reveals she and Enzo Pineda have already discussed settling down.
by Arniel C. Serato
Published Mar 17, 2026
Michelle Vito on "7-year-itch" belief
Michelle Vito on seven-year itch: "Hindi ako naniniwala, I think nasa tao pa rin yan, nasa tao pa rin siya. I think, siguro wala, yun talaga, nasa tao lang kung paano magwu-work ang relationship niyo."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Anim na taon na ang relasyon nina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Ano ba ang sikreto at matiwasay na nagtagal ang kanilang relasyon?

Pahayag ni Michelle: "I think that kahit anong relationship, kailangan talaga yung acceptance.

"Kasi hindi talaga perfect yung relationship. May times na sweet times, na masaya tayo.

"May times na talaga, e, may pagdadaanan din kayo.

"So, kailangan talaga magkaroon ng understanding, walang perpekto.

"So, talagang kailangan ng adjustment, understanding, and love talaga."

Paano ba mag-alaga si Enzo bilang boyfriend?

Ayon kay Michelle: "Si Enzo? I think, as a very vocal din ako, if ano yung gusto ko. Ano yung needs ko bilang babae, ganyan.

"So, talagang tina-try niya yung best niya na ibigay yung mga gusto kong ma-receive."

Paglilinaw ng aktres: "Hindi material things, ha. But the love, care, service.

"So, tina-try niya talaga yung best niya na mabigay yun.

"So, minsan siyempre, hindi mo naman ini-expect na maibibigay niya yun completely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ito, as a person, nakita mo yung taong tina-try niya yung best niya.

"For me, that's enough."

MICHELLE VITO ON SEVEN-YEAR ITCH

Ngayong malapit nang magpitong taon ang relasyon nila ni Enzo, may mga nagsasabibang ka maapektuhan sila sa tinatawag na "seven-year itch."

Ang seven-year itch ay terminong ginagamit upang ilarawan ang panahon, sa ika-pitong taon, kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa nararamdaman ng dalawang magkarelasyon.

Nag-knock on wood muna si Michelle bago sumagot.

Saad niya: "Hindi ako naniniwala, I think nasa tao pa rin yan, nasa tao pa rin siya.

"I think, siguro wala, yun talaga, nasa tao lang kung paano magwu-work ang relationship niyo.

"So, hindi mo kailangan, like, 'Uy, magsi-seven years na tayo...'

"I think wala naman ganun. And yun, naiisip ko kanina, like, may mga pinagdadaanan din kami ni Enzo.

"So, kahit ang mga last year, last, last year, may mga pinagdadaanan kami pero naayos naman."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle sa launching ng bagong sunscreen na Clever Skin, kung saan sinuportahan niya ang kapwa Sparkle artist na si Cheska Fausto bilang endorser.

Ginanap ang event nitong nakaraang Sabado, March 14, 2026 sa isang restaurant sa San Juan.

Read: "Golden" composers, binastos sa kanilang speech sa Oscars 2026?

Sparkle stars Cheska Fausto and Michelle Vito at Clever Skin sunscreen press conference.
Sparkle stars Cheska Fausto (left) and Michelle Vito (right) at Clever Skin sunscreen press conference.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MICHELLE VITO TALKS ABOUT SETTLING DOWN

Ayon pa kay Michelle, napag-uusapan na raw nila ni Enzo ang pagpapakasal.

Si Michelle ay 28 years old, samantalanga si Enzo ay 35 na.

Saad niya: "Pinag-uusapan namin talaga yung plans, future, ganyan.

"And yung kailangan muna namin ayusin bago kami pumunta doon sa level na yun."

Nagli-live in na ba sila?

Mariing tanggi niya: "Hindi! Ayoko, e, kasi yung aso ko. Hindi ko kaya iwan yung dog ko.

"Hindi ko kayang umalis ng bahay. Di ko kayang iwan sa bahay."

Read: James Blanco, napilitang amining hiwalay na sila ng asawa

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Vito on seven-year itch: "Hindi ako naniniwala, I think nasa tao pa rin yan, nasa tao pa rin siya. I think, siguro wala, yun talaga, nasa tao lang kung paano magwu-work ang relationship niyo."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results