Hindi naitago ni Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano ang kilig na nararamdaman dahil muli niyang nakasalamuha ang idolong si Heart Evangelista.
Sa launching niya bilang bagong endorser ng Wendy's Philippines, nagbigay ng kaunting detalye si Caprice sa nangyari.
Si Heart pala ay naging endorser din ng naturang fastfood chain noong 2014.
Read: Heart Evangelista is Wendy’s Philippines newest brand ambassador
Alam ba niyang naging endorser din ng Wendy's si Heart?
Saad ni Caprice: "Yes po, yun nga po yun. Nalaman ko si Miss Heart din po Wendy's, at di ko po alam.
"Kahit before entering po with Wendy's family, di ko po alam na...
"Grabe, nagulat po ako kasi nalaman ko nga po na si Miss Heart din po is naging part din po ng Wendy's family.
"Kaya masayang-masaya po ako, kinikilig po ako."
Hindi naman daw ito ang unang pagkakataong na-meet niya si Heart dahil nagkasama na sila sa fantaseryeng Mulawin vs. Ravena noong 2017.
Si Heart ang gumaganap na nanay niya sa Kapuso primetime series.
Pagdedetalye pa ni Caprice: "Hindi ko siya first time na meet kahapon.
"Siguro po noong after pandemic yata, first time po ulit namin magkita kasi maliit pa ako noon.
"May picture po kami kaya kinikilig po talaga ako kahapon. Masaya po ako na-meet ko po siya ulit."

May mga nagsasabi ring magkamukha sila.
"Opo, I get that a lot po," pagsang-ayon ni Caprice.
"Kaya masaya po ako pag nakikita ko po yun sa mga comments and may mga edits po na parang binabalikan po nila yung mga pictures namin dati."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Caprice sa launching niya bilang bagong Wendy's Philippines endorser kahapon, March 18, 2026, sa Wendy's branch sa may Doña Soledad Avenue, Better Living Subdivision, Parañaque.
Read: Caprice Cayetano overwhelmed by "life-changing" moments after PBB
CAPRICE CAYETANO ON HEART EVANGELISTA
Bakit idolong-idolo niya si Heart?
Paliwanag ni Caprice: "Kasi marami rin po ako na-receive na comments na magkamukha daw po kami nun dati, nung teenage years niya.
"Kaya nakakakilig po kasi sakto po na yung pagiging fashionista niya po, and yung personality din po talaga ni Miss Heart, yun yung hinahangaan ko."

Ano pa ang napag-usapan nila ni Heart?
Saad ni Caprice, "Nagkaroon po kami ng short conversation po.
"Nasabi po sa akin ni Miss Heart na ano po, na hinuhulaan niya po na Big Winner po ako for Kapuso. Kaya kilikilig po ako."
Samantala, ngayong araw, March 19, magdadaos ng isang charity event si Caprice.
Aniya, "Magbibigay po kami ng help for Little Ark Foundation para sa mga sa mga cancer patients po. So, gusto ko po silang matulungan."
Read: Finale episode ng FPJ's Batang Quiapo, nanguna sa TV ratings
