Mala-reunion ng Original Pilipino Music (OPM) Queens ang bagong teleserye ng GMA-7 na Born To Shine dahil nagsama-sama ang apat na magagaling na Pinay singers na pinangungunahan ni Vina Morales.
Bukod kay Vina, kasama rin sa show sina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Roselle Nava.
"Nakakatuwa because I've worked with them. Of course, nag-That's Entertainment kami," pagtukoy niya kina Manilyn at Tina.
"Tapos si Roselle naman, you know, I worked with her in ASAP.
"And then, may mga guestings kami but never talaga na nagkaroon kami ng opportunity, sila Manilyn, na magkaroon kami ng teleserye together.
"So, this is the first time and talagang nakakatuwa dahil it's a musical.
"It's a musical drama, family, love story. Kumpleto na siya actually, e.
"Nandito na lahat so wala ka na hahanapin pa.
"Kaya para makasama sa teleserye na ito at saka reunion pa namin, e, ni Smokey [Manaloto]. Alam mo yun? Nakakataba ng puso na maging parte."

Masuwerte si Vina dahil katatapos lamang ng teleserye nitong Cruz vs. Cruz at meron na naman siyang bagong show na bigay ng GMA-7.
"I feel so grateful," sambit niya.
"I feel so blessed na pagkatapos na pagkatapos ng Cruz vs. Cruz ay nasundan kaagad ng Born To Shine.
"Kaya naman natutuwa ako, tuwang-tuwa ako, kasi magkaibang-magkaiba yung character ni Felma at saka ni Dara Halari [role niya sa Born To Shine].
"So, parang na-challenge ako in a way. So I'm really thankful to GMA for giving me another really nice project."
Ano ang pakiramdam na hindi siya nababakante sa kanyang muling pagbabalik sa GMA matapos ang halos dalawampu't limang taon.
Saad ni Vina: "Nagpapasalamat ako. Ako naman, grateful ako dahil siguro nagustuhan din nila yung pag-arte ko rin sa Cruz vs. Cruz.
"And I think my working habit, e, wala naman akong nagiging problema sa Cruz vs. Cruz. Nagkaroon ng second season.
"Kaya siguro nabigyan ulit ako ng opportunity dito sa Born to Shine naman."
Eksklusibong nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa media conference ng Born To Shine noong Lunes, March 16, 2026, sa Studio 6 ng GMA Network Center, Quezon City.

Ang Real Talk ay exclusive interview series ng PEP para sa YouTube channel ng website.
Read: Caprice Cayetano fangirls over idol Heart Evangelista
VINA MORALES'S ROLE IN BORN TO SHINE
Palaban ang role ni Vina bilang Dara Halari sa Born To Shine.
"Feisty yung character ni Dara Halari, e. Actually, hindi mo masabi na kontrabida because may mga pinanghuhugutan siya kung bakit siya nagre-react nang ganun.
"So she is just reacting with the story na nangyari sa grupo nila na Rosabellas kasi parte siya ng grupo and marami silang pinagdaanan as a group.
"So, nagkaroon lang ng mga hindi magandang pangyayari at mapapanood nila yun very soon," sabi ni Vina.
Ang Rosabellas sa istorya ay all-girl group noong 2000s na kinabibilangan nnai Vina at Manilyn.
Bida sa Born To Shine sina Zephanie at Michael Sager kasama ang Sparkle artist na si Olive May.

Sa kuwento, si Zephanie ay anak ni Manilyn na kumakanta rin at nangangarap maging miyembro ng P-pop group.
Pero marami siyang pagdadaanang sakripisyo bago matupad ang kanyang mga pangarap.
Mapapanood na ang Born To Shine simula sa Lunes, March 23, sa GMA Afternoon Prime. Ang pag-ere nito ay mula Lunes hanggang Sabado.
Ang Real Talk naman ni Vina ay mapapanood sa PEP YouTube soon.
Read: Iñigo Jose wants to settle issue with dad James Blanco in private
