PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What's next for Caprice Cayetano after PBB Celeb Collab 2.0 win?

"My PBB journey po is really fun and unforgettable."
by Arniel C. Serato
Published Mar 24, 2026
Caprice Cayetano not expecting to win PBB
Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano: "Hindi ko po talaga yun ini-expect na magiging Big Winner po ako. Wala po talaga akong expectations."
PHOTO/S: Arniel Searto

"Fun and unforgettable" ang naging stay ni Caprice Cayetano, ang Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0, sa Bahay ni Kuya.

Sa endorsement launching niya para sa Wendy's Philippines, pina-describe ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Caprice ang 127 days na naging housemate siya.

Saad ng Kapuso star: "Masasabi ko po talaga na kami pong housemates ay naging family po talaga at kahit po after na ng PBB, nag-hang out pa rin po talaga kami. Nagdi-dinner.

"Kaya very happy na nagkaroon po ako ng isa pa pong pamilya."

Naisip ba niya noon na siya ang tatanghaling Kapuso Big Winner?

Kuwento niya: "Hindi ko po talaga yun ini-expect na magiging Big Winner po ako.

"Wala po talaga akong expectations. Ang pinokus ko lang po talaga ay mag-enjoy po ako doon sa Bahay ni Kuya."

Kasunod ng panalo niya ay nagkaroon agad siya ng endorsement, ano ang mas masasbai niya tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I really love and I grew up loving Wendy's and eating Wendy's, really excited po ako sa magiging journey ko with my Wendy's family."

Caprice Cayetano durinh her Wendy's endorsement launching at Wendy's branch in Doña Soledad Avenue, Better Living Subdivision, Parañaque.
Caprice Cayetano during her Wendy's endorsement launching at Wendy's branch in Doña Soledad Avenue, Better Living Subdivision, Parañaque.
Photo/s: Arniel Serato

Read: Caprice Cayetano overwhelmed by "life-changing" moments after PBB

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CAPRICE CAYETANO AFTER PBB

Sa ngayon, naghahanda na raw si Caprice sa anumang proyekto na ibibigay sa kanya ng GMA-7.

"Yes po. In the future po, I'm getting ready na rin po para sa mga paparating projects and mga brands.

"Kaya abangan po nila yun."

Paano niya ito pinaghahandaan?

"Pinaghahandaan ko po by relaxing and self-love din po para maging ready po sa lahat ng mami-meet ko and makapag-spread din po ng positivity and love sa lahat ng tao."

Sinu-sino ba ang mga gusto niyang makatrabaho?

Saad niya, "Siyempre po ang mga ex-housemates ko rin po, gusto ko rin po silang makasama.

"And why not po Miss Heart din po."

Nakatrabaho na kasi niya ito sa fantaseryeng Mulawin vs. Ravena noong 2017.

Aniya, "Before po, nakapag-work po kame sa Mulawin vs. Ravena.

"Siya po yung mom ko doon. Yes. Yun po yung last namin na work together sa Mulawin vs Ravena. Yes po, sana po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Caprice Cayetano fangirls over idol Heart Evangelista

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano: "Hindi ko po talaga yun ini-expect na magiging Big Winner po ako. Wala po talaga akong expectations."
PHOTO/S: Arniel Searto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results