PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?

Zaijian mum about relationship status with Gela.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 23, 2026
 Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?
Gela Atayde hints at being in love amid rumors linking her to Zaijian Jaranilla.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Nakangiti at maaliwalas ang mukha ng Kapamilya actress na si Gela Atayde nang dumalo siya sa media conference at special screening ng Prime Video series na The Silent Noise noong March 10, 2026.

Kasama ni Gela ang nakatatandang kapatid na si Ria Atayde, na dumalo para suportahan ang asawang si Zanjoe Marudo, ang male lead na katambal ang main star ng series na si Angelica Panganiban.

Read: Angelica at Zanjoe, balik-tambalan agad sa The Silent Noise

Bukod kina Zanjoe at Angelica, kasama rin sa cast sina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Mylene Dizon, Joem Bascon,Tommy Alejandrino, Karina Bautista, Ramon Christopher, Joel Saracho, Junjun Quintana, at KD Omalin.

 Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?
(L-R) Direk Onat Diaz,Tommy Alejandrino, Mutya Orquia, Zanjoe Marudo, KD Omalin, Angelica Panganiban, Zaijian Jaranilla, Karina Bautista, Joem Bascon, and Tanya Bautista.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa maaliwalas na aura ni Gela, hindi naiwasang itanong kung mayroon bang “nagpapa-blooming” sa kanya.

Nakangiting sagot ng dalaga, “Siguro po.”

Read: Gela Atayde says brother Arjo is "busy serving, not stealing"

Sundot na tanong sa kanya, “In love ka na ba?”

Bakas sa mukha ng anak ni Sylvia Sanchez ang hiya nang sagutin niya ito ng, “Opo.”

Bagamat hindi pinangalanan ni Gela kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, inilarawan niyang nasa showbiz ito at kagaya rin niyang artista.

Saad niya, “Yes po. I think it’s not something I’m hiding naman po.

“Medyo matagal na rin po [kami]. I mean, recent but not too long.”

Gela rumored to be in a relationship with Zaijian Zaranilla

Ang aktor na si Zaijian Zaranilla ang pinaghihinalaan ng netizens na boyfriend ni Gela.

Ito ay matapos mag-post si Gela sa TikTok noong July 2025 ng isang video niya kasama ang isang lalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi kita ang buong mukha ng kanyang kasama, ngunit may ilang clip mula sa video na kita ang mahigit kalahating mukha na kahawig ni Zaijian.

Dagdag pa rito ang makahulugang caption ni Gela: “Soft love, safe arms, zero doubts. I got the best one. He makes me laugh ’til I cry, not cry ’til I have to laugh.”

 Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?
Photo/s: Screengrab Gela Atayde on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 2025, muling nag-post si Gela ng video niya na may kayakap na lalaki.

Caption niya rito, "Grateful that every twist and turn led me to the most gentle love I've ever known."

 Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?
Photo/s: Screengrab Gela Atayde on TikTok

Nagkalapit sina Gela at Zaijian sa set ng defunct 2023 drama series na Senior High at sequel nitong High Street.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa media conference ng The Silent Noise ay nahingan ng reaksiyon ng ABS-CBN News si Zaijian tungkol sa napapabalitang espesyal na ugnayan nila ni Gela.

Ang tangi lang niyang sagot dito, "Secret!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gela Atayde hints at being in love amid rumors linking her to Zaijian Jaranilla.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results